Chapter 26- Not so ready

Începe de la început
                                    

I smiled. 

ssarellano: paalis pa lang ako ng bahay. Mabuti at walang komplikasyon sa operasyon ni Mang Nielo. 

ssarellano: hindi ko alam kung makaka bisita pa ako sa maynila. Baka sila mama. 

Pinatay ko na ang data ko at pumunta na sa botanical garden namin, na medyo may kalayuan kung lalakarin ito. 

Natatanaw ko na, na may sasakyan na nakaparada sa harapan. Hula ko ay si Ashey ito, kaya tinakbo ko na. Nang makarating ako sa opisina ay nandoon nga si Ashey at may kasama siyang abugado. 

Nginitian niya ako at kumaway ng maliit. "Ito ba yung sinasabi mong kliyente?" pagtatanong ni papa habang binabasa ni mama yung kontrata. 

"Opo." sabi ko at umupo sa harap ni Ashey na katabi niya yung abogado. 

"Diba ikaw yung kaibigan ni James?" halos malaglag ako sa upuan nang sabihin iyon ni mama! Matamis na ngumiti si Ashey at tumango at binaling ang tingin sa 'kin. 

Wala akong kinalaman sa pinag sasabi ng mga magulang ko. 

"Kay gaganda niyo na nga." Mama chuckled and sign the contract. Ni hindi man lang pinakita sa 'kin. Ito yung problema sakaniya, e. Basta kilala niya pirma agad. Mabuti nalang at nadala na siya. Alam ki rin namang hindi mag loloko si ashey dahil nagdala pa ng abogado.

"Sure kayo wala kaying gustong idagdag or alsin?" Sabi ni Ashey nang makapirma na si mama. Tinignan rin iyon ng attorney.

"Wala. May tiwala naman ako sa 'yo." I wanted to groaned. Pero hindi, si Ashey 'to.

"Nga pala. May pinapabigay na mga calling card ang aking mga frieny." Sabi ni Ashey at binigay nga ang mga calling cards!

May pirma nila 'yun, meaning may discount raw.

Nandoon ang calling card ni Thala. Halos marami siyang business na tungkol sa pagkain. Isa nalang daw ang binigay niya yung all in one na.

'Yong calling cars ni Chard dalawa, dahil civil engineer na nga, mechanic pa. Pero mas hands on siya ngayon sa pag gagawa ng mga bahay. Nag tayo rin siya ng maliot na negosyo, dahil mechanic engineer naman siya.

'Yong calling card ni Eisen. May sarili siyang art gallery, may coffee shop sa likod. Ang aesthetic lagi ng mga gawa niya. Nakita ko pa sa google ay ang isang art work niya ay naka sabit sa united states, tapos meron fin sa prague.

'Yong calling card ni Ashey, may sarili siyang studio.

'Yong kay James naman ay ang pag dedesenyo ng bahay dahil architect nga siya. Namangha ako sa pirma niya...

'Yong kay Andrew at Lucas pinag isa nalang nila. Kahit anong flight pwede libre pa.

Hindi kaya at malulugi sila sa 'min? Sa pag labas ng mga calling card nila ay manghang mangha ang mga magulang ko. Nakakapangliit. Pero kailangan kong tanggapin ang kapalaran ko.

"By the way, Sierra. This is Attorney Alvarez." Pagpapakilala ni Ashey sa attorney niya. Ang yaman siguro ni Ashey? Kasi nakapag hire siya ng international lawyer.

Napatigin ako kay attorney alvarez, as he gave me his calling card. Agad king binasa ang pangalan niya.

Atty. Aidan Alvarez.

Napatingin ako sakaniya. "Yup, siya yung naiisip mo." Nakangising sabi ni Ashey.

Dahil sobrang busy ni Attorney Alvarez kailangan na niyang umalis, may hearing pa siya sa maynila kaya kailanga rin bumalik agad.

Nagpa tour naman si Ashey dito sa botanical garden namin. Sumakay kami sa e-jeep. Dahil may kalakihan ito.

Kumuha siya ng mga litrato "nakaka excite naman mag shooting dito." Sabi niya habang tinitignan ang view.

"Dadayuhin niyo lang ba itong botanical garden namin?" I asked. Grabe naman ang budget nila, ilocos pa.

"Nope. Yung beach resort. Naka pirma na 'ko kay Mang Nielo." She said and smile.

"Gising na?" Naguguluhan kong tanong.

"Si kiko ang pinapirma ko." She chuckled.

Oh noes...

"May isho-shoot kasi kami na movie. Basta abangan mo nalang."

"Grabe ang preskyo ng hangin." She said while feeling the air. Pagkatapos ng short tour ay umalis na ein agad siya dahil may aasikasuhin pa raw siya.

Pag balik ko sa opisina at mag papaalam sana ako kay papa kung pwede mag order nalang kami ng pagkain ay sumalubong sa 'kin si James.

"Pa!" Sigaw ko, at pag lingon ng matangkad na lalaki ay tumingin sa 'kin.

Gusto king bawiin ang sinabi ko. Nakakahiya, andito pala si James.

" 'nak, napa tahimik ka?" Sabi ni papa. Kaya napalunok ako sa sarili kong laway.

"Uh. Mag tatanong po sana ako kung mag papa order nalang tayo?" I asked and awkwardly smile!

"Ito may dala na si James" masayang sabi ni mama. Kumunot ang noo ko.

"Anong meron?" Pag tatanong ko pero ngitian lang ako. Pumunta kami sa pantry para kumain ng miryenda, at kasama pa si James!

Hindi ko alam anong meron sakanila...

"May birthday ba?" Hindi pa rin ako nakaka move on dahil dito!

"Wala, napa dalaw lang si James. Hayaan mong kumain muna dahil ang layo ng minahe niya." Sabi naman ni papa, kaya nahiya na 'ko at nanahimik.

Hinayaan ko nalang silang mag usap, dahil kung saan saan na napapadpad ang usapan namin.

"Dumalaw ka kaya kila Nielo? Balita ko ay kakatapos lang ng operasyon kaninang madaling araw." Sabi naman ni mama.

Parang may gusto siyang gawin ko, na hindi ko naman maisip kung ano.

"Huh?"

"Mamaya bumisita ka uli. Ipapasabay nalang kita kay James." Sabi ni papa at hindi man lang bumaling sa 'kin.

Gusto naman nila na bumisita kay Mang Nielo, pero bakit hindi nalang kaya sila ang pumunta!

"Uh" sabi ko at humawak sa batok ko. Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko, ano ang gagawin ko.

"Hanggang next week pa naman sila kahit mga hanggang tatlong araw ka doon. H'wag mo na muna isipin ang trabaho mo dito. May sweldo ka pa rin sa 'kin." I sighed. Sa sinabi ni papa ay alam na ni James, hindi siya slow na tao pag dating sa mga ganitong usapan.

Tumango tango ako at aalis ay minamadali ko na ang pagkain ko baka may hinahabol siya na oras.

"Slow down, hindi naman ako nagmamadali...I 'll wait for you."

.//.

Draw my Asset (Squad Series 05)Unde poveștirile trăiesc. Descoperă acum