Chapter 1- The Asset

24 2 5
                                    

"Assets are the resources owned and controlled by the entity in order to derive some future benefits." I clearly said, narinig ko ang ibang ka klase 'kong humahanga na naman sa 'kin. 

I saw how Prof Cynthia smirked at me as I answer her question flawlessly. Kahit hindi ang taray niya palagi sa 'min, sinuklian ko siya ng ngiti bago ako umupo. 

"Next question" Prof Cynthia said as she looked at us, while she shuffle our index card. 

She looked at Kathleen, I saw how she gulped at mukang pawis na pawis siya dahil sa kabad "Destura" Siya nga ang nabunot. 

"What is accounting?" I sighed in relief, madali lang naman yung tanong. kayang kaya nang sagutin ni Kath. 

"It is a system that helps businesses track events that affect them." Mahinhin niyang sabi at lumingon sa'kin. 

Kathleen Destura was my first friend when I stepped up to freshmen. Pero hindi kami tinadhana na maging seatmate. Nasa magkabilang dulo kami nakaupo. 

The recitation goes on, at hindi na muli akong natawag. "Ang galing mo lagi 'no?" Ayciee told me while we're on the way to the library. 

"Free time na free time, sa library uli tayo pupunta?" Kath asked and shrugged. 

"Hihiram ako ng books sa accounting." I shrugged

Pinag tinginan pa nila ako na para bang may nagawa akong krimen. "Mag a-advance reading ako" I told them and smiled a bit. 

Sumalubong sa 'min ang malamig na hangin galing library. Natatanaw ko agad ang mga estudyanteng nag pupursigi at may i-ilan na tumatambay lang, nag papalamig.

"Hoy ayun yung crush mo diba?" bulong ni Ayciee kay Kath agad naman ito siniko ng babae at binalewala ko lang sila. Dali dali akong pumunta sa accounting section. 

Kinuha ko ang libro para sa finals namin fundamental of accountings 2. Binuklat ko iyon at kunikintab ang mga mata ko nang makita ko ang mga numero sa papel. "Mukhang accounting yata ang papatay sa 'kin." Sabi sa 'min ni Kath at pinikit ang mga mata. 

"This looks tough." I told them while my eyes were on the book. 

habang sila ay sinisilayan ang crush nila na hindi ko alam anong depatment sila. " Wala ka bang crush?" Kath asked me, I looked at her with disbelief. 

"Wala pa naman akong nakikitang gwapo ah." Parang gusto ko nalang umalis dito dahil alam 'kong mag sisimula na silang mag tanong sa crush ko. 

E, wala pa naman akong crush sa ngayon. 

"Sa galing mong bumanat wala ka pa ring boyfriend?" Hindi makapaniwalang tanong ni Ayciee sa 'kin. 

"Ewan ko. I like to have fun. Sana maging cooperative nalang magiging boyfriend ko." Sabi ko at humalkhak ng mahina bago kami umalis sa library. 

Dahil mahaba haba pa naman ang oras namin bago ang last class ay naisian ng mga kaibigan ko na pumunta sa botanical garden.

"Sigurado ba kayo?" pagtatanong ko sakanila habang nakangisi sa 'kin. 

"ew. Puro mag jojowa lang naman ang makikita ko do'n e." pag rereklamo ko saknila, at sa pag lingon ko ay nakita ko si Dan ang aking ex crush kasama ang girlfriend niya. Mukang papunta yata sila sa botanical garden. 

"Akala ko ba ay. You love nature?" Pang aasar sa'kin ni Kath habang tinitignan ang tinitignan ko. 

"Hala si Dan 'yon diba? may girlfriend na pala?" hindi makapaniwalang tanong sa 'kin ni Ayciee. 

Bakit ba kasi ako ang tinatanong nila? hindi naman ako si Dan. 

"Diba ka-chat mo pa nung isang linggo?" Kath asked me and waved his hand. Napatulala siguro ako. 

Draw my Asset (Squad Series 05)Where stories live. Discover now