Chapter 17- elyu plant

2 2 1
                                    

Linggo ngayon, ay wala akong trabaho ngayon. Pahinga namin ngayon ngunit nag yayakag sila Aling Tesa na mamitas kami ng mga ubas.

Malapit na nga mag tag init.Dahil andami nang dumadayo sa La Union para mamasyal. Paniguaradong maraming tao sa San Juan, dahil tag init. 

"Andami palang turista ngayon." Sabi ni Aling tesa habang nag lalakad kami, dahil malapit lang naman yung farm nila sa bahay nila.

"Oo nga po, e." Pag sang ayon ko sakaniya. Nag dala dala pa ako ng cell phone ko wala palang signal sa farm nila.

"Naku andaming turista." Sabi niya pa habang kumikinang ang mata niya.

Inbis na mamitas kami ng ubas ay tinulungan namin ang kaniyang tauhan mag benta. Dahil marami naman na sila ay naisipan ni Aling Tesa na gumawa nalang kami ng mga wines, na grapes falvor. 

Sayang at wala si Shenia paborito pa naman niya ang ubas. 

"Paniguradong masarap lagi ang mga wines niyo." Sabi ko habang tinutulungan siya. Tuwing may okasyon sa 'min hindi pwedeng nawawala ang grapes wine, pampa swerte raw iyon sabi ni Aling Tesa. 

Nang lumubog na ang araw ay umuwi na kami, dahil mag hahanda pa ako ng hapunan namin.

"Sheelina, ito iuwi niyo sainyo. Salamat rin at sinamahan mo." Sabi ni aling Tesa at binigyan ako ng maraming ubas.

"Salamat Aling Tesa. Paborito pa naman ito ng kapatid ko. Sayang lang at hindi pa siya nauwi." Malungkot na sabi ko. Ilang taon rin mula nang umalis si Shenia papunta sa Minnesota para mag trabaho.

Naging mas payapa ang buhay namin dito sa La Union. Hindi man mataas ang kita naman kada araw pero payapa kami dito. Walang masiyadong ingay, at hindi na namin kailangan pumirma ng mga kontrata....

"Pa! si SHenia tumatawag paki sagot nalang." sabi ko habang nag luluto ako ng tinola. 

Agad namang tumakbo si papa para sagutin ang tawag ni Shenia, mabuti nalang at marami siyang pera at natatawagan kami. Dahil wala naman kaming internet connection. 

"Kailan ka uuwi?"pag tatanong ko ni papa kasy Shenia, ilang taon na rin ang lumipas. Sobrang miss na namin siya. 

Ini loud speaker pa ni mama para rinig naming lahat. 

[Naku naman ,pa. Malayo pa. Tumawag lang naman ako para ipaalam sainyo na mag papadala ako ng balik bayan box. Baka sa isang buwan pa dadating.] Sabi niya kaya agd ngumiti si mama at si papa. 

"Talaga ba? naku hindi naman kailangan. Wag kang mag aksaya ng pera para lang makapag balik bayan box ka." pag papalala ni mama. 

[Marami naman akong pera, ma. Bakit ba kasi ayaw niyo pa magpa kabit ng internet connection?] I heard her chuckled, and find for me. 

"Nagluluto si Sheelina ng tinola." pag bibida sa 'kin ni papa. 

[Nako naman ang kaptid ko. Nakaka miss tuloy ang lutong pinoy. lalo na mga luto ni mama.] sabi ni Shenia. 

"Umuwi ka na kasi." pag pupumilit ko sakaniya, pero sabi niya baka sa sa pasko ay umuwi siya dahil halos limang taon rin kaming hindi nagkikita kita. Pero nagkakatawagan naman kami nila Shenia. May boyfriend siyang kano na lagi niyang ikinukuwento sa 'min. 

Naka ilang pilit siya sa na magpa kabit na kami ng internet connection. More than five years na rin akong hindi nakakapag bukas ng social media, pero minsan binubuksan ko para makita ko ang mga post ni Shenia, ang aking kaibigan nung kolehiyo naman ay halos ang batch namin ay kasal na. 

Kahit sobrang bihira akong mag bukas ng socmed ko ay hindi pa rin ako ni u-unfollow ng mga kaibigan ko, pati na rin si James at ang mga kaibigan niya. 

Draw my Asset (Squad Series 05)Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora