Napabuntong-hininga na lang si Akira at marahang pinunasan ang luhang tumulo sa mga mata niya. Hindi niya pwedeng ipakitang umiyak siya. Pumasok na siya sa loob ng bahay nila.



"Wala pa ba si James Hija?" tanong sa kanya ng Ina ni James.



"Parating na daw po. Kanina nagtext siya on the way na daw"



As if on a cue ay may humintong sasakyan sa tapat nila. Mula roon ay lumabas si James kasama si Nicole.



Halatang nagtataka naman ang mga magulang nila ng binata kung sino ang kasama nito subalit wala ni isa man ang nagtangkang magsalita. Si James ang nagpakilala sa kasama nito.



"Everyone this is Nicole, Nicole, these are my parents and Akira's parents" pagpapakilala nito.



Simpleng ngiti at tango lamang ang iginawad dito ng mga magulang nila ng binata. Nasa state of shock pa marahil ang mga ito.



"Ahem. What is the purpose of this dinner?" biglang tanong ng ama ni Akira.



Tinignan muna ni Akira si James at ang mga magulang nila bago nagsalita.



"Ma, Pa, Ninong, Ninang, may gusto po kasi kaming sabihin ni James sa inyo kaya namin kayo pinatawag." Panimula niya. Gosh! Kinakabahan siya. Pakiramdam niya ay nagpapawis na ang mga kamay niya sa nerbyos.



"Say it Hija" sabi ng Mama ni James.



Napabuntong-hininga si Akira bago sumagot.



"May boyfriend na po ako." Biglang sabi niya.



"Ha???"



Halatang nagulat ang lahat ng kaharap niya sa sinabi niya. Hindi niya din alam kung bakit iyon ang lumabas sa bibig niya. Maski siya ay nagulat din.



"Kaya hindi po kami pwedeng magpakasal ni James kasi may iba akong gusto" pagpapatuloy niya. Tutal ay iyon naman ang unang lumabas sa bibig niya eh di panindigan na niya.



Ang Papa niya ang unang nakabawe.



"Sino naman iyang boyfriend mo at bakit hindi yata namin siya nakikilala ng Mama mo?"



"Eh kasi Pa…" hindi niya alam kung ano ang isasagot niya. Paano niya ipapakilala sa mga magulang niya ang boyfriend niya eh wala naman talaga siyang boyfriend.



Gaga ka kasi Akira eh. Magiimbento ka nalang hindi ka pa nag-iisip.



"Oo nga. Bakit ayaw mo siya ipakilala sa amin ng Papa mo?" tanong din ng Mama niya.



"Busy po kasi siya Ma sa trabaho" pagsisinungaling niya.



"Ano ba namang klaseng boyfriend iyan kung ayaw man lang magpakilala sa magulang ng boyfriend niya." Sita ng Papa niya.



"Hindi naman po sa ganun Pa"



"Tawagan mo iyang lalaking iyan ngayon. Gusto ko siyang makilala"



"P-po?" kinakabahang sabi niya. Sino naman ang tatawagan niya? Nagpapasaklolong tumingin siya kay James. Kibit-balikat lang naman ang isinagot nito sa kanya.



Gosh! Anong gagawin ko?



Bago pa siya makapagsalita ay biglang lumapit ang katulong nila.



"Excuse me po Mam. May naghahanap po kay Miss Akira"



"Sino daw?" tanong naman niya. Sino naman kaya ang pwedeng maghanap sa kanya?



"Chad daw po"



"Si Chad???" Ano naman kayang ginagawa ng lalaking iyon dito?



"Iyon ba ang boyfriend mo? Manang Ising papasukin mo dito at nang makilala namin."



"Sige po" sagot ng katulong nila at pinuntahan na si Chad.



"Teka lang---"



"Wag kang magulo dyan Akira. Gusto kong makilala ang boyfriend mo kung karapat dapat ba siya para sayo. At kapag nakita ko na hindi siya dapat para sayo ay hihiwalayn mo siya ngayon din!" pinal na sabi ng Papa niya. Wala na siyang nagawa kundi ang tumahimik.



"Magandang gabi po" bati ni Chad sa mga ito.



Napatingin silang lahat dito. Pansin ni Akira na kahit na simpleng Navy Blue Polo Shirt and Maong Pants ang suot ni Chad ay gwapo pa rin ito.



"Ikaw ba ang boyfriend ni Akira? Napakagwapo mo naman palang bata eh" puri ng Mama niya. Tumayo pa talaga ito upang mabistahang maigi si Chad.



"Tama ka dyan Kumare. Aba'y hindi sila nalalayo ng kagwapuhan nitong anak kong si James." Sabi naman ng Mama ni James.



Napa-smirk naman si James sa sinabi ng ina nito. Maski ito ay nagulat nang makilala si Chad.



"Maraming salamat po. Kayo din po. Napakaganda niyo. Siguro beauty queen kayo nung kabataan niyo." Puri din ni Chad sa mga ito. Ang baliw na lalaking iyon ay sadyang napakabolero talaga.



Natawa naman bigla si Akira dahil animo mga kitikiting teenager ang Mama at Ninang niya na kinikilig sa papuring natanggap kay Chad.



"Ahem" tawag pansin ng Papa niya. "Ikaw pala ang boyfriend ng anak ko"


Bago pa makasagot si Chad ay hinila na ito palayo ni Akira.



"Wait lang po Pa, mag-uusap lang po kami sandali" aniya at hila hila si Chad na lumabas ng bahay.



Sa may garden niya dinala ang binata.



"Okay talk. Anong ginagawa mo dito?" tanong niya.



"Pinapunta ako ni Johana dito. Sabi niya emergency daw"



So ito pala ang sinasabi ni Johana kanina na gagawin nito. Hindi niya naman ineexpect na si Chad ang gagawin nitong sagot sa problema niya.



"Napakalakas talaga ni Johana sayo noh? Imagine napapunta ka niya agad dito" amuse na sabi niya.



"Well, matapos lang naman niya ako paulanan ng lahat ng death threats ay takot ko na lang siguro na hindi sumunod" tumatawang sagot ni Chad.



Napangiti na lang din si Akira.



Well, that is Johana after all. Walang imposible para dito.



"So ano bang maitutulong ko sayo?"



"I need to ask a favor to you Chad. I need you to pretend to be my boyfriend. Kahit ngayon lang." seryosong sabi niya. Inaasahan niya na tatawanan siya ni Chad o aasarin. Sino ba naman siya para sundin nito. Hindi naman siya si Johana.



"Sure. Yun lang pala eh" anito at hinawakan ang kamay niya. "Tara na sa loob. Baka naghihintay na sila satin"



Nagtataka man ay hindi na lang kumibo si Akira. Baka bigla pang magbago ang isip ni Chad. Ang mahalaga ay masolusyunan niya ang problema niya ngayon. Sa susunod na siya mag-iisip ng iba pang solusyon.



***

Daydreamers Series: Can I Still Call You Mine?Where stories live. Discover now