Chapter 24- Surprise Visit

Start from the beginning
                                    

ssarellano: Mendez' Hospital. 

I waited for a few more minutes pero hindi na siya nag reply. Manonood sana ako ng anime pero biglang may kumatok sa pintuan. Pinag buksan ko 'yun dahil akala ko ay nurse or doctor ang dadating, pero hindi. Nagulat ako nang may isang babaeng matangkad, may kahabaan ang buhok, at makinis ang mga kutis nito. 

"Wala bang hug diyan?" Hindi pa nag proproseso ang utak ko nang makita si Ayciee sa harapan ko.

"Pucha?" sabi ko at pinapasok siya. Mabuti nalang at may upuan dito. 

"Paano mo nalaman yung room number?" pagtatanong ko sakaniya at umupo sa katapat niya. 

"May kilala akong doktor dito. Gosh, hindi mo ba kilala yung doctor nung tito mo? ampogi kaya." sabi nito at bahagyang tumili. 

Binigyan niya ako ng kape, saktong sakto para hindi ako antukin. Binili niya ito sa isang coffee shop na malapit lang naman pala dito. 

"H'wag tayong masiyadong maingay dahil magising sila." sabi ko sakniya dahil pa minsan minsan ay napapa lakas ang boses niya.

"Andami mong utang na kwento sa 'kin. Kita kits bukas." sabi nito kahit bitin ang bonding namin. 

"Bukas?" Pagtataka ko.

"Uh, aalis na kasi ako bukas."Sabi ko at humawak sa batok ko. Nakita kong kumunot ang noo niya. "Sa Ilocos na kami nakatira." marahang sabi ko at nag iwas ng tingin. 

Nang magtagpo ang mata namin ay nginitian lang niya ako. 

"Anong oras? Wala naman akong pasok bukas day off ko naman." diretsong sabi niya. 

"Mga two siguro ng hapon?" sabi ko.

"Bukas ay dito lang ako, dahil operasyon na ni Mang Nielo sa isang bukas, baka sila mama naman ang dumalaw dito." I shrugged. Dahil ang sabi nila mama ay bibisita sila, peor hindi rin ako sigurado dahil marami kaming deliveries at inaasikaso sa garden namin. May mag sh-shooting pa nga yata. 

Bago siya umalis ay nag picture muna kami, pero hindi ko nama inaasahan na ipopost niya iyon sa socmed niya. 

Parang dati ay ako ang mahilig mag post, pero ngayon bawat detalye na yata ng buhay niya ay nasa socmed na. 

Pa minsan minsan ay nagigising si Mang Nielo para mag cr, kaya ginigising ko rin si Kiko. "Hindi ka pa ba inaantok?" pagtatanong niya sa 'kin nang mawala ang antok niya. Madaling araw na rin, pero hindi ko alam bakit hindi ako inaantok. Ang lakas yata ng kape nang binigay sa 'kin ni Ayciee. 

"Kaya ko pa naman." sabi ko sakaniya at ngumiti.

"Bakit parang ang saya mo naman?" he gave me a low chuckle. Takot baka magising si Aling Tesa. 

"Wala naman, bumisita pala yung kaibigan ko nung kolehiyo. May dalang konting biscuit." sabi ko at tinuro yung nakbrown na supot malapit sa mga prutas. 

His face looked like a puzzle. "Si Ayciee, siya yung kaibigan ko na dinalaw si Mang Nielo kanina habang tulog kayo. Pero sandali lang naman. "pagpapaliwanag ko, pero mukang nakuha niya agad 'yun. 

"Si tatay ang binisita or ikaw?" he giggled. It was the first time he laugh, after Mang Nielo got stroked, tapos ngayong malapit na ang operasyon niya. 

"Hindi ko naitatanong kung may boyfriend." pang aasar ko sakaniya, pero inismiran lang ako. 

"Anong oras ka pala babalik bukas? pasensya na kung hindi kita maihahatid bukas. Mukang hindi rn matutuloy ang pag out of town natin." malungkot niyang sabi.

"Okay lang, kahit maging okay ang operasyon ni Mang Nielo. okay na 'ko." sabi ko at pinisil niya ang ilong ko. "Kung hindi lang kaaptid ang turing ko sa 'yo jinowa na kita." Dati ay sinabihan niya rin akong ganiyan. Pero hanggang ganito lang talaga kami. Magkapatid ang pag turiong namin sa isa't isa. 

Hindi bago sa 'min ang pag tulong lalo na pag pamilya namin ang involve. 

Bumisita rin ang nars at nag check ng kung ano kay Mang Nielo. "basta pangako pag gumaling si tatay ililibre kita sa magarbing restaurant." Mayabang na sabi niya sa 'kin habang pinapatay namin ang oras hanggang sa mag umaga. 

"Tsaka mo na 'ko yabangan pag magaling na si Mang Nielo." sabi ko pabalik sakaniya. Tinanong niya rin ako kung kailan uuwi ang kapatid ko, dahil  isang taon lang si Shenia sa ilocos ay pumunta na agad siya sa Minnesota para mag trabaho. 

Mga alas sinco yata ako nakatulog, dahil dnalaw a rin ako ng antok. Gising na rin naman si Aling Tesa ng Alas kwatro, kaya pinatulog na rin nila ako. 

Naalimpungatan ako sa ingay, unti uni kong minulat ang mata ko, nang sumalubong sa 'kin ang isang likuran. 

"H'wa kayong mingay baka magising si Sheelina. Katutulog lang niyan nung alas sinco." narinig kong sabi ni kiko, hindi ko alam kung sino ba yung kausap niya. 

"Wala na gising na." sabi ng pamilya na boses. Inunat ko ang mga braso ko at sumalubong sa 'kin sila Ayciee.. at ang mga kaibigan ni James? Ang squad?

Pucha, nanaginip ba ako?

"The hell." narinig kong sabi ni James, kahit ay mahina lang ;yun. Ang likod niya pala ang tumatakip sa liwanag ng araw  habang tulog ako. 

Pag lingon ko kay Kiko ay nakangit siya. Ngiting tagumpay kahit hindi ko alam kung saan siya nag tagumpay. 

"Ang bait naman pala ng mga kaibigan mo, Sheelina." Sabi ni Kiko habang ang mga mata niya ay inaasar ako. 

Mas lalo akong nagising nang ituro at sinabi sa 'kin ni kiko kung anong dinala nila!

Nag dala si Thala ng mga pagkain, mga organic food. Nag dala si Eisen ng mga anik anik mga pang design. At de-design-an raw nila ang kwarto ni Mang Nielo para daw hindi boring at hindi mukang malungkot. Nagdala si Aney ng mga prutas. Nag dala rin si Chard ng mga pruats at mga extra shirt and slipers. Tapos nagpadala si Ashey ng  gift certificate! Nagdala si James ng mga healthy food... Nagdala si Ayciee, ng bulaklak at gym membership.

Punyeta?

"Absent si A. May script reading daw." Eisen told me and shrugged. habang naka tulala pa rin ako sa mga dinala nilang regalo. 

Mamaya ay ililipat raw ng kwarto si mang Nielo. Sa mga pang VIP yata siya ililipat. Hindi ko naman alam kung sino ang nag bigay ng discount o ano. 

"Surprise?" natatawnag sabi ni Ayciee sa 'kin. Gusting gusto ko siyang murahin ngayon, pero kakakita lang namin kagabi after ilang taon. 

"nakakatuwa naman ang mga kaibigan mo, Sheelina." Masayang sabi ni Mang Nielo at ngumit. Mas nabigyan pa siya ng buhay ngayon sa mga mata niya kumpara nung mga naka raang araw. 

Nagtatalop naman si Aling Tesa ng ponkan.

"Wala 'yun. parang tatay na rin po kayo ni Sierra e. "Magalang na sabi ni Eisen.

"Syempre para na rin naming kapatid si james." Sabi pa nito at malawak na ngumiti. 

"Sheelina, kain ka muna ng breakfast." sabi ni kiko at dinalhan ako ng oreo pancake. "Bigay 'yan ni Aney." Sabi niya nang mahina kaya napatingin ako sakaniya. Close na ba sila?!

Binigyan ako ni James ng hot choco habang Nilagyan pa uli ako ni Kiko ng isa pang oreo pancake! Nakakainis nag mumuka akong malakas kumain dito! Hindi man lang ako hinintay ni kiko para man lang may kasabay akong kumain. 

"Nga pala, Shee. Kahit matulog ka nalang uli. Mamaya pa naman ang flight mo" Halos mabugaw ko yung iniinom kong hot choco sa siabbi ni Kiko!

Pucha, natulog lang naman ako ng apat na oras pero bakit parang andami na agad nangyari...

.//.

Draw my Asset (Squad Series 05)Where stories live. Discover now