Chapter 23- Still, mahiwaga.

Start from the beginning
                                    

Patapos na kong kumain pero hindi pa rin nagagalaw ang tuna pie na binigay ko.

I sighed. Nagmamanahe kasi siya.

Kinuha ko ang tuna pie sa kamay niya at inalis ko ang plastic. Inilapit ko 'yun sa bibig niya para makagat niya.

Sinubuan ko siya hanggang sa makatapos siyang kumain. Akala ko ay ako na rin ang magpapainom sakaniya ng tubig, mabuti nalang at medyo marami ang sasakyan sa toll gate.

"Gusto mo pa? Marami pa naman akong baong tuna pie." Sabi ko sakaniya at binigyan ko. Alam ko namang mauubod niya 'yun dahil mahilig siya sa pagkain. Nag pizza naman kami kanina pero nakakagutom rin naman kasi ang pag mamaneho.

It was a long way to arrived here at manila. Sa buong biahe namin ay paminsan minsan ko siyang sinusubuan tuwing kakain ako, minsan nag s-sound trip kami, sandaling kwentuhan. It wasn't actually a hell rather than I imagine.

"Which hospital?" He asked me as soon as we arrived at manila.

"Mendez." Maikling sabi ko dahil 'yun ang sinabi sa 'kin ni kiko.

He nod his head, and within ten minutes we arrived at the hospital.

Pag apak ko ay agad sumalubong sa 'kin ang mainit na hangin, ang ingay na kinasanayan ko noon. May mga naglalakong lobo, sa gilid.

It's nice to be back.

"Uh, thank you uli sa pagsama." Sabi ko at nginitian siya. "Ano kung kailangan mo ng halaman, sabihan mo nalang ako. Halaman lang ang kaya kong ibigay, e." Pahabol ko sakaniya.

Tumango siya at kinawayan ko siya bago ako tumalikod. Bago pa ako maka hakbang ay tinawag niya ang pangalan ko. "Ihatid na kita, may kikitain rin kasi ako." Sabi niya kaya tumango ako.

Dirediretso na kami sa elevator at pumunta na sa kwarto ni Mang Nielo. Nagpa salamat muli ako sakaniya at binigyan ko uli siya ng tuna pie bago kamo mag iba ng landas.

Pag pasok ko sa kwarto ay nakita kong tulog ang mag ama. Mukang napagod sila. Kitang- kita ko ang pagod sa katawan ni kiko habang naka higa siya sa couch. Inilatag ko sakaniya ang kumot at unan na pinadala sa 'kin ni Aling Tesa.

Sumilip ako sa bintana "nakaka- miss naman naman." Bulong ko sa sarili ko.

Minsan iniisip ko nalang kung nakapasa ako sa board exam, kasal na ba kami ni James ngayon? Hindi namin mararanasan ang hirap, hindi naman kinakailangang lumipat ng lugar. Siguro, kung nag aral lang akong mabuti hindi ako mabibigo sa buhay ko ngayon.

"Andito ka na pala." Sabi ni Aling Tesa habang hawak hawak ang tasa. Inalos pa ako nito ng kape.

Maya-maya ay pumasok na ang matangkad na doktor. Napatingin ako sakaniya, ang pamilyar niya baka nakita ko siya noon.

"Ay hala dok. Teka lang." Natatarantang sabi ni Aling Tesa at bumaling sa 'kin.

"Sheelina, pa suyo naman. Paki kuha yung inorder ko na pagkain sa canteen. Hindi ko kasi magising si kiko dahil wala pa siyang tulog." Nag aalalang sabi ni Aling Tesa kaya sumunod ako sakaniya.

Lumabas nga ako pero hindi ko alam kung asan ang canteen dito.

Nang makarating ako sa first floor ay tatanungin ko nalang ang mga nars.

"Excuse me po, saan po ang canteen?" Pag tatanong ko sa nars. Pero ang sungiy ng tingin sa 'kin ng nars. Kaya nginginitian ko nalang sana nang mahagilap ko sila Chard!

Naka ilang kurap pa ako nang makita ko si James! Siya pala yung sinasabi niyang kikitain? Pwede naman kasing sabihin na magkikita sila ni Chard.

Gustuhin ko mang mag tago, pero nakita na agad ako ni James. Kaya nilapitan nila ako.

"Sierra, anong ginagawa mo dito?" Naguguluhang tanong ni Chard habang naka tingin sa 'kin si James.

Chard wasn't too happy today, parang may nangyari dahil sa lungkot ng mata niya.

"Uh, nagtatanong lang naman ako kung asan yung canteen." Nahihiyang sabi ko.

"Sa second floor 'yun. Doon sa dulo." Sabi ni Chard habang hawak hawak ang balikat ang asawa niya.

"Okay ka lang?" Mahinang sabi ko, dahil ang lungkot nila ngayon.

"We lost our baby." Makungkot na sabi ni Chard habang at pinilit ngumiti.

"I'm sorry." Pag papaumanhin ko, sana pala ay hindi nalang ako nag tanong.

"Bakit ka pala nandito?" Chard asked me and looked at James.

"Bumisita ako sa tatay ng kaibigan ko." Sabi ko. "Si Ashey ba 'yun?" Sabi ko at tinuro siya.

"Oo, basta pag nakakita ka ng may pink sa katawan kung ano man. Si Ashey na 'yun. Tas ganiyan siya mag lakad. Akala mo model. Feeling lang niya 'yun." Sabi ni Chard kaya napa tawa ako.

"Ly!!" Sigaw ni Ashey kaya napatingin sa 'min ang mga tao. Napatakip agad siya ng bibig nang ma realize niyang  napa lakas talaga ang boses niya.

Delikado rin dahil international model si Kylie, a well known engineer si Chard. Tapos siya, producer- director.

"Hala letche. Sorry." Sabi niya nang makalapit siya sa 'min.

"Ano 'to double date?" Namaywang pa si Ashey at pinanliitan si James ng mata.

"May sakit ka ba?" Ashey asked me, as I shook my head.

"Bumisita lang." Sabi ko at nag baling na agad ng tigin kay Kylie.

"Pucha, paano mo agad alam?" Sabi ni Chard.

"Hoy ang kapal naman ng muka mong itext ako na pumunta sa Mendez medical." Sabi nito.

"Kaya pala G agad, e." Pangaasar ni Chard.

"Uhm. Ano una na 'ko. Ingat kayo." Pagpapaalam ko sakanila at ngumiti ng bahagya kay Kylie.

Pag pasok ko sa elevator ay lumabas ang doktor ni Mang Nielo. Pucha ang pogi naman niya, paniguradong may girlfriend na ito.

Pag pasok ko sa canteen ay sinabi ko lang ang pangalan ni Aling Tesa at pumirma.

"Ma, sana ginising mo nalang ako." Pag aatungal ni kiko nang makita akong bitbit-bitbit ang tanghalian nila.

"Ano ka ba, okay lang. Kailangan mo ng pahinga." Sabi ko sakaniya at kinamusta ko si Mang Nielo.

"Bukas pa naman po ako uuwi." Sabi ko habang nag tatalop ako ng mansanas dito.

"H'wag kayong kabahan Mang Nielo." Pag cheer up ko sakaniya.

Tutal ay nasa maynila na rin ako, nagpa load ako para makapag internet ako. Una kong tinawagan si Shenia, at kinuwentuhan.

[Pucha. Balikan pala ng ex ang nais.] Sabi niya, pangaasar sa 'kin.

[Baka naman kayo talaga?!] Sabi niya pa at inasar lalo ako.

"Kung umuuwi ka na, e. Matutuwa pa ako." Pag bibiro ko sakaniya.

Habang kausap siya ay nag scroll na rin ako sa socmed ko. Nakita ko ang iilang message sa 'kin, kinakamusta ako. Ako ang nahihiya para sa 'kin.

I saw James's latest post.

Picture lang naman iyon ng squad niya nung nag la union sila nung nakaraan. Ni like ko ang post niya. Ang random lang.

Bumilis ang tibok ng puso ko nang makita ang huling litrato...

Ako 'yun, nakangiti ako habang balot na balot gamit ang coat niya. The picture was a bit blurred, it was night, tanging ang ilaw lang sa paligid at ang bonfire ang nag sisilbing liwanag, pero ako 'yun. Ang aesthetic....

Binasa ko ang caption niya, parang ako yata ang kailangan ng operasyon sa puso...

Mahiwaga✨

.//.

Draw my Asset (Squad Series 05)Where stories live. Discover now