"Isang patunay na hindi na siya nababagay para maging Supremo. Drevon is better than him!" Nakangising sabi ni Ginoong Dario na hindi pinansin ni Primo. 

"Bakit hindi natin hintayin ang paliwanag ni Supremo?" Mayuming sabi ng Fifth Council. Ang pinakabata sa lahat ng Council mula sa kanilang Familia, si Querie Los Crucio ang pinsan ni Supremo. Twenty five lang ito pero nakapasok agad ang babae bilang Mafia Council. 

"The ring is safe," Sagot ni Primo. 

"According to my daughter, matagal iyong nawala habang suot ng isang babae. You know who's my daughter Supremo. She's not just my daughter but your soon to be wife!" Paalala nito sa kanya. 

"First Council, let me remind you that I didn't agree to marry your daughter." Matapang na sagot ni Primo. 

Hindi siya nasisindak sinuman sa kaharap sapagka't sa Head council lang siya tumitiklop.

"You don't have a choice but to agreed. Walang ibang babae ang nararapat para maging Supreme wife kundi si Leticia!" Giit nito. 

"Excuse me, First Council!" Agaw pansin ni Querie sa atensyon ng matanda. "Hindi natin pwedeng disisyunan ang bagay na 'yan ng walang approval mula sa Head Council." Sambit nito sa matanda.

"Bata, huwag ka ng makisawsaw sa usapan ng matatanda." Saway naman ni Ginoong Dario kay Querie.

"Excuse me again Third Council. Did you forget that this matter is between the council? I am one of you and you can't tell me not to care. It's my job to care about the Mafia." Matapang nitong sagot na lihim na ikinangiti ni Primo. Kahit ito ang pinakabata sa Council, hindi naman ito nagpapatalo sa iba.

"Hindi na iyon sakop ng Head Council kaya maaaring mangyari ang kasalan sa pagitan ni Supremo at anak ko!" Pagpupumilit ni Ginoong Andilon.

Sasagot na sana si Primo pero naagaw ng isang boses ang atensyon nila. 

"Everything inside the Mafia is under my jurisdiction!"

Kaagad tumayo ang lahat sa hindi inaasahang pagdating ni Head Council Abaddon. Napansin naman ni Primo na tila nag korting puso ang mata ng kanyang pinsan habang nakatingin sa bagong dating.

"Head Council!" Bati ng lahat dito.

Diretsong nagtungo sa designated chair ang Head Council. Napalunok naman si Primo ng seryoso itong tumingin sa kanya bago umupo. This man never fails to give him chills sa tuwing nagkikita sila. His presence is enough to be afraid of kahit hindi pa niya nakikita ang lakas nito. He's young and powerful kaya hangang-hanga rito ang pinsan niya. Head Council is two years younger than him pero napapayuko siya nito sa hindi malamang dahilan. Maybe his power is beyond their expectation lalo pa't kilala ang codename nitong Abaddon sa mundo. 

Sumenyas itong umupo ang lahat na kaagad naman nilang sinunod.

"Hindi namin inaasahan ang bigla mong pagdating Head Council Abaddon," Magiliw na bati ni Ginoong Dario.

Lahat ng council member ay nakangiti sa bagong dating lalo na si Querie na halos mapunit na ang pisngi sa laki ng ngiti. 

"What's the discussion all about?" Seryoso nitong tanong habang nakatingin kay Supremo.

"We're talking about Supremo and Leticia's wedding," Mahinahong sabi ni Ginoong Andilon habang nakangiti. Hindi rin nakaligtas sa paningin ni Primo ang kaba sa mukha ng matanda.

"And?" Tanong ng Head Council habang nananatili kay Primo ang tingin nito.

"And I didn't agree." Walang takot na sagot ni Primo.

Devil's GAMEWhere stories live. Discover now