"Ah, pain." Walang buhay nitong sabi. 

Alerto naman ang mga tauhan ng Mafia sa paligid nito. 

"Supremo," Muli nitong sabi gamit ang malamig at walang buhay na boses.

Muling humarap si Primo sa direksyon ni Hurricane. Bahagya pa itong nagulat sa itsura ng babae, ngunit mabilis din bumalik sa seryoso nitong anyo. 

Itinaas ni Hurricane ang kamay sa direksyon ni Primo habang patuloy na umaagos ang dugo sa naputol na daliri.

"H-hurricane," Naiiyak sa sambit ni Lassy. Gusto niyang pigilan si Primo kanina ngunit wala siyang nagawa. He's still their Supremo. The highest among all of them and his words are law. No one can against him. 

"H-her eyes became different," Puna ni Manzo na nakatayo sa tabi ni Lassy. 

"Miss Hurricane," Nag-aalalang sabi ni Onix. 

"R-rica," Hindi mapakaling sabi ni Orio habang nakatingin kay Hurricane na napapalibutan ng kanilang mga kasama. 

"H-her aura intensified. As if, she's ready to kill." Kinakabahang sabi ni Ryz. 

"Die," Walang buhay na sabi ni Hurricane.

Mabilis nitong napatumba ang tatlong Mafia members na nakaharang sa daraanan nito. Nagulat ang lahat ng isang kisap mata na sa harapan na ito ni Primo.

Isang solid uppercut punch ang tumama sa jaw ni Primo. Napaatras ito at pumutok ang labi. Hindi pa ito nakaka-balanse ng muli nitong nakita ang pagsugod ni Hurricane, ngunit napigilan iyon ng sipa mula sa babaeng petite.

Napunta ang atensyon ni Hurricane sa babae. Balewala nitong nasalo ang paa ng babae at malakas na pinatama ang siko sa binti nito. Pag-ikot ng katawan ni Hurricane, tumama naman ang kaliwa nitong paa sa mukha ng babae.

"Argh!" Daing nito at namilipit sa sakit. "Kill her!" Sigaw nito sa mga nakapalibot na tauhan.

Hindi pinansin ni Hurricane ang mga armas na nakatutok sa kanya. Balewala itong naglakad patungo sa kinatatayuan ni Primo habang ang huli ay seryosong nakatitig dito.

Isang hakbang mula sa kinatatayuan ni Primo ng maramdaman ni Hurricane ang hapdi sa kanyang likuran. Pinilit niyang abutin kung ano ang bagay na nakatusok doon. Binunot niya iyon ng hindi inaalis ang mga mata kay Primo. Bahagya niyang sinulyapan ang bagay sa kanyang palad. Pagak siyang natawa.

"Tranquilizer?" Sambit niya, "Gusto nyo akong patulugin?" Namamangha niyang sabi gamit ang malamig na boses, "Then" Naputol ang kanyang sasabihin ng naramdaman ang labis na pagkahilo. Hinayaan niyang bumagsak ang walang lakas niyang katawan ngunit naramdaman niya ang mga bisig na sumalo sa kanya.

"Y-you betrayed me," Sambit niya bago mawalan ng malay.

...

...

...

"Get her!" Sigaw ng petite na babae. "Ikulong nyo hanggang mamatay," Galit nitong dugtong habang inaalalayan ng dalawang tauhan. Hindi nito maikilos ng mabuti ang binti dahil sa nabaling buto. 

"L-lady Leticia, ipahintulot mong gamutin ko muna ang kanyang sugat." Magalang na sabi ni Lassy ng makalapit sa mga ito.

Matalim na tumingin ang babae kay Lassy, napayuko naman ang huli. Hindi niya kayang salubungin ang tingin ng anak ng Mafia Council.

"Gusto mo bang isama kita sa kanya?"

"H-hindi po," Mabilis na sagot ni Lassy. 

Kahit sino sa kanila ay walang lakas para salungatin ang lahat ng may kaugnayan sa Mafia Council.

Devil's GAMEWhere stories live. Discover now