CHAPTER 4

1.6K 32 1
                                    

Chapter 4: New engineer

"HOW Did it happened, kuya? Bakit naging exclusive engineer ako ng Del Labiba?" kunot-noong tanong ko sa kapatid ko. Kasalukuyan kaming kumakain ng breakfast namin ngayong umaga.

Magkatabi lang ang condo unit namin ni kuya Miko ko at sa condo ko ay sabay kaming kumakain ng breakfast at dinner. Sa site o sa firm naman kami kumakain ng lunch. Hindi talaga lumayo sa tabi ko ang kuya ko. Para nga talaga kaming kambal at hindi mapaghiwalay sa isa't-isa.

"There's a new project ang papatayuin ng Del Labiba at isa ka sa head engineer nila. Hotel ang project nila, Mikael," sagot sa akin ng kuya ko habang ngumunguya siya ng bacon.

"Bakit hindi ikaw?" pangungulit ko.

Kasi madalas sa firm namin lang ako nagta-trabaho. Hindi ako nagagawang ipagtrabaho ng mga kuya ko sa ibang company. Na bagay na ikinipagtataka ko.

Kung ayaw kasi sa akin ng mga kuya ko ay puwede naman nila akong paalisin sa firm. Kung gusto nila akong mawala sa mga landas nila ay madaling gawin ang ilipat ako sa ibang firm. Pero hindi nila ginawa.

Siguro takot sila na baka isiwalat ko ang katotohanan na anak lang ako sa labas ng daddy namin? Napabuntong-hininga na lamang ako. Kumikirot ang puso ko, eh.

"Paano po sina kuya?" tanong ko ulit sa kanya. Ayokong magalit na naman sa akin ang mga kapatid namin.

"May project akong hinahawakan at this moment, Mik. Walang available na engineer sa firm natin at tanging ikaw lang. Walang magagawa sina kuya, dahil malaking project ito. Mik," saad niya at hinawakan niya ang kamay ko.

"Oras na para gamitin mo ang pakpak mo. This is your chance para magawa mo ang gusto mo. Work with them and be happy. As of now, kumalas ka muna sa pagkakatali mo sa amin, kina kuya. Basta nandito lang ako at hindi kita iiwan," nakangiting sabi niya.

Napangiti ako at para akong maiiyak sa sinabi ng kapatid ko. Oh, God, salamat po dahil binigay niyo sa akin si kuya Miko. Siya na lang po ang mayroon ako.

"Kuya loves you, Mikael. Kung tinalikuran ka na ng lahat, ng mundo ay narito lang si kuya para sa 'yo."

"T-Thank you, kuya. I love you," sabi ko at tuluyan nang umalpas ang luha ko sa pisngi.

Tumayo siya at niyakap ako from behind. "I love you, too Mikael. Kuya loves you, always remember that."

***

Katulad ng madalas kong sinusuot, office attire na kulay grey. Inayos ko ang necktie ko sa leeg.

Who would have thought na isang babae ay nagsusuot ng damit panlalaki? Ganito ang madalas napapanood ng karamihan sa teleserye. Babae na nagpapanggap bilang lalaki. Pero sa sitwasyon ko ay napakahirap. Hindi ko naman ginusto, eh. Kailangan kong maging lalaki para tanggapin ako ng pamilya ko na kahit tinago ko pa ang tunay kong pagkatao ay unwanted child pa rin naman ako.

Pero nasasanay naman ako sa ganito. Parang wala na lang ito sa akin. Sa buong buhay mo ba naman ay hindi ka pa ba masasanay? Na paulit-ulit na lamang ang eksena?

"You ready, Mik?"

"Yes, kuya," sagot ko at sinukbit ko sa balikat ang brown leather shoulder bag ko. Hindi ako nagdadala ng case suit. Ayoko ng may binibitbit.

"Ang guwapo natin, ah?" ani kuya at inakbayan ako.

"Ewan ko sa 'yo," sabi ko at sabay na kaming lumabas mula sa condo unit ko.

"Bakit ka pa sumabay sa akin, kuya? Eh, may sarili naman akong kotse."

"Gusto kong makasabay ang kapatid ko kahit naka-kotse lang," natatawang sabi niya at napapailing na lamang ako.

Oblivion Series 1: All Lies (COMPLETED)  Kde žijí příběhy. Začni objevovat