Nag-iwas ako ng tingin sa kanya. Should I tell them? I mean, it's my problem. I should be the one to deal with it. But, she'll be worried. Ayoko rin namang dagdagan pa ang iniisip niya. Pero mas lalo lanh din naman siyang mag-aalala kapag hindi ko sinabi. Ugh. I don't know!

But what happened to them? Bakit nawawala? Nagtatago ba? Siguradong mapagbibintangan si Mandy dahil siya mismo ang may hawak ng kutsilyo. Pero hindi niya naman sadya 'yon, eh. Hindi niya alam na totoong kutsilyo ang hawak niya. At saka si Shan? Bakit naman nawala din?

"Heaven." May tono ng pagbabanta sa boses niya kaya bahagya akong napanguso. Pakiramdam ko ay talo ako. "What is it?"

"W-Wala." Pagsisinungaling ko pa habang hindi makatingin sa kanya nang diretso.

Huminga ako nang malalim at dahan-dahang umupo. Kalmado naman na ang pakiramdam ko at nabawasan na ang sakit ng ulo ko. Kanina pa rin ako nakakaramdam ng pagka-uhaw kahit na maayos naman ang pakiramdam ko.

"Ate, pwede pahingi ng tubig?" I asked and she heaved a deep sigh. I could feel her frustration but decided to remain calm this time.

"Alright."

Naglakad siya papalabas ng kwarto ko kaya naman nakahinga ako nang maluwag. Ayokong sabihin sa kanya dahil lalo lang siyang mag-aalala. Though, I don't think that she's clueless. Alam niya naman na may hindi ako sinasabi, she just wanted to confirm that. Siguro ay sa susunod ko na lang sasabihin sa kanya.

Sumandal ako sa headboard ng kama at mariing pumikit. Pagod na pagod ang pakiramdam ko at nanlalata. Hanggang ngayon ay iniisip ko pa rin kung ano ang kasalanan na ginawa ko. Is it possible that it's because of that? It's about something that I did before. Nalaman na ba nila?

I shook my head to dismiss my thoughts. I'll be just fine, I guess. I shouldn't drag them in this mess.

"Heaven, may bisita ka pala." Rinig kong sabi ni ate nang makapasok ulit dito sa kwarto ko at may dalang dalawang bottled water at mga prutas. "Here." She opened it and gave it to me.

Agad naman akong uminom at inalalayan niya pa ako. It feels good. I'm so thirsty. Bakit gano'n? Hindi ba't kahapon lang naman nangyari 'yung roleplay? At saka ang tingin ko ay tanghali pa lang ngayon base sa liwanag na pumapasok na nagmumula sa bintana.

"Sinong bisita pala?" Tanong ko nang matapos akong uminom. Siguro ay si Sunny at siguradong nag-aalala na 'yung babaeng 'yon.

Hindi pa man nakakasagot si ate ay sukat doon ay kita ko ulit ang marahang pagbukas ng pinto ng kwarto ko, at parang naging mabagal pa ang lahat sa paningin ko nang bumungad sa akin... si Ma'am?!

Wala akong suot na salamin pero nakikilala ko ang tindig niya, maging ang amoy niya nang makapasok dito. Nanlaki ang mga mata ko at bahagya pa akong napanganga nang siya nga ang pumasok! W-Wait! Bakit siya nandito? Isn't she allowed here? Sa pagkakatanda ko ay hindi kami nagpapapasok ng kung sino dito sa mansyon, kaya bakit siya ay pinayagan? Hindi rin maganda ang unang bungad ng mga tauhan namin sa kanya.

"Takot lang nila sa'yo." Sagot sa akin ni ate nang sa kanya ko ibaling ang tingin ko at binigyan pa ako ng makahulugan na tingin. "Remember what you said and did to Henry?"

Nawala naman ang pagsasalubong ng kilay ko nang mapagtanto ang ibig niyang sabihin. Ah, that. Naikwento kasi sa kanya ni mom ang nangyari at hindi na siya nagulat sa ginawa ko. Nakahinga naman ako nang maluwag dahil sa nalaman. That's good to know that she's safe. Hindi ko talaga alam ang pwede kong magawa kapag may nanakit sa kanya kahit na ganito ang kalagayan ko.

Nagsalubong ang paningin namin ni Ma'am at mula sa walang buhay niyang mga mata ay nakita ko ang agad na pagkislap nito sa tuwa. Para siyang nakakita ng tao na nami-miss niya.

Alluring Innocence (Seven Deadly Sinners #2)Where stories live. Discover now