Season 1|22| >>StillInLove (Part One)

102K 1K 200
                                    

Kendrick's POV

"Wag na, the person that I'm looking right now is more beautiful than a thousand sunsets."

Sht. Ano ba yang sinabi ko?

Ang totoo niyan kasi nabigla din ako sa mga lumabas sa bibig ko. Wala eh, hindi ko na napigilan. Ang ganda talaga ni Gem sa mga oras na yun at isa pa.... nahihilo na ako!

Sht, talaga. Ang pinaka ayoko eh ang matataas na mga rides kagaya nito. Madali akong magsuka dito, tapos dumagdag pa na ang lakas ng hangin kaya ang daling gumalaw ng cab na sinasakyan namin dito sa Ferris Wheel.

"H-ha? Kendrick? Ano ulit ang sinabi mo?"

Bilis, Kendrick! Mag-isip ka ng dahilan!

"Ah, kasi... Ano----Nabasa ko lang 'yan sa isang libro.Oo, nagbasa kasi ako kagabi. Ah, ganiti kasi yung eksena. Oo, ganito nga,"

Tss. Ang pangit na palusot. Pero pwede na siguro yan.

"Sigurado ka ba Ken?"
Tinaasan niya ako ng kilay kaya mas lalo akong kinabahan.

"Oo nga. Bahala ka na kung ayaw mo maniwala." Sabi ko na lang sa kanya at umiwas na ng tingin. Hindi talaga ako marunong magsinungaling.

"Hala! Bakit ka namumula?"

Sigaw niya sa akin at saka lumapit. Tss! Naamoy ko na naman pabango niya! Badtrip.

"Wa-wala! Tsk! Doon ka na nga Gem! Manood ka na doon. Pababa na tayo 'di mo na makikita yung sunset,"

"Eh! Kung sumama ka kaya Ken!"

"Ikaw na lang," agad akong bumalik sa upuan at nag focus ako sa palad ko. Nag uumpisa na naman kasing lumabonang mga mata ko at umiikot ang lahat sa paligid ko.

"Bakit? Siguro may fear of heights ka ano?"

"Wa-wala!"

"Sigurado ka?"

"Oo nga,"

"Bakit ang init ng ulo mo sa akon pa lagi?"

Nagdabog siya paalis, at tumayo ulit sa may harapan ng cab. Tsk. Ano ba ang magagawa ko kung nalulula ako sa taas ng inabot namin ngayon?

Tsk. Gusto ko na bumaba, nasusuka na talaga ako.

Nang makarating kami sa baba, agad-agad akong pumunta sa C.R. at naglabas ng kinain ko kanina.

Kahit kailan talaga wala na sa aking makakapilit na sumakay pa diyan. Sht, mamatay ata ako diyan ng wala sa oras.

"Tara, Ken! Start na ng mini concert sa may plaza!"

Eto na naman siya, hyper na naman siya. Wala ba siyang kapaguran? Nagawa niya pa akong hilain, pagkalabas na pagkalabas ko sa C.R.

"Saglit," paghihinto ko sa kanya.

Pinauna ko muna sina manang at si Em-em sa sasakyan, dahil nakatulog na sa sobrang pagod yung kapatid ko bago ko sinmahan ulit si Gem doon sa concert na gusto niyang puntahan.

Nang makarating na kami sa plaza, umpisa na nga sinasabing concert ni Gem.

'Mini' concert ba talaga ito? Bakit ang daming tao? Parang concert ng baklang si Bieber 'to ah.

"We're here!"
Lahat ng tao tumatalon at sumasabay sa pagkanta. At halos lahat ng babae ay tumitili. Madami din ang sumasayaw sa paligid namin. Sino ba kasi yung banda?

Bad Girl for A Girlfriend (1 &2) | PUBLISHED UNDER POP FICTION Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon