"Nasaan ang iba?"

"Sinusubukan nilang iligtas ang mga nakakulong sa barkong ito. Ayon sa dalawang lalaking tumulong sa atin, mga miyembro iyon ng Mafia. Hindi talaga sila pinatay dahil ikinulong sila at pinapahirapan." Sagot nito habang patuloy sa ginagawa.

Muling bumalik sa kanyang ala-ala ang mga nakakulong na tao. Wala ng pag-asang makikita sa mga mata nila. 

"Mapagkakatiwalaan ba ang dalawang 'yon? Paano kung isa iyong trap?" Nag-aalala niyang tanong. Mahirap magtiwala ngayon lalo na sa lugar na ito. Bukod sa kanyang mga kasama, hindi na niya masasabi kung sino ang may mabuting hangarin. 

"They said, you help them. The guy who told you the direction about a particular room." Kunot noo nitong sabi habang nakatingin sa kanya. "And they mentioned about red headed girl."

Naalala niya si Ley dahil ito lang naman ang may pulang buhok na kilala niya pero iba ang description ni Lassy. 

"Tumalikod ka," Muli nitong sabi sa sinunod niya. 

Ngayon niya lang napansin na isang tube bra lang ang suot niya. Nababalutan na ng benda ang itaas na parte ng kanyang katawan. 

Walang salita na inalis ni Lassy ang benda niya. Nagtaka naman siya kung bakit hindi pa ito kumikilos ng tuluyang naalis ang benda niya.

"It's beautiful but slightly damage," Hindi naman niya nauwaan ang sinabi nito, pero ng mag-sink in sa kanyang isip ang tinutukoy nito, naalarma siya.

"Nakita ko na ang lahat kahit napakaliit na detalye kaya hindi mo na kailangan mag-alala." Mahinahon nitong sabi bago sinimulan ang paglilinis sa kanyang sugat. "Binabati kita dahil naitago mong mabuti ang iyong sarili sa marahas na mundong ito." Dugtong nito. 

Huminga siya ng malalim. Mukhang wala na siyang maitatago sa babae.

"Did others know?" Tanong niya.

"No."

Nakahinga naman siya ng maluwag. Ayaw niyang malaman ng iba ang tungkol sa nalaman ni Lassy.

"Masyado mong na-agrabyado ang katawan mo." Muli nitong sabi, "May sugat ka sa tagiliran, kahit maliit na iyon mukhang malalim naman. Meron pa rin sa likuran bukod sa tama mo noong nagdaang laban. Tapos nadagdagan pa ngayon. Medyo malalim din ang sugat mo sa balikat, maging ang na sa braso mo. Tingin mo ba sa katawan mo, tadtaran?"

Bahagyang tumawa si Hurricane sa sinabi ni Lassy. Kahit mukhang sinesermunan siya nito, hindi maikakaila na nag-aalala ito sa kanya.

"Done." Maya-maya'y sabi nito habang nililigpit ang mga ginamit.

Nakiramdaman naman ni Hurricane ang katawan. May konting kirot siyang nararamdaman pero bumalik na ang lakas ng kanyang katawan. Magpapasalamat na sana siya kay Lassy ngunit nagulat siya ng makitang nakayukod ito sa harapan niya.

"Apology for my rudeness and thank you for always saving us... Princess,"

Huminga ng malalim si Hurricane, bago tumayo.

"Forget that you saw my Royal mark," Panimula niya. 

Ito ang nakita ni Lassy sa kanyang likuran kaya nalaman nito ang totoo niyang katauhan. Kilala ang markang ito sa mundo at mas lalo na ang reputasyon ng kanyang mga magulang. Hindi siya nagtago, sapagka't hindi pa ito ang tamang oras para lumabas at makilala ng lahat. 

"I will forgive you for being rude, just don't tell the others about the mark. I'll face my consequences about the ring without exposing my identity."

Devil's GAMEWhere stories live. Discover now