Agad niyang nahawakan ang braso ng nagtangkang hawakan siya. 

"Hi," Nakangiti niyang bati na ikinagulat nito. 

Hindi pa ito nakaka-recover sa pagkagulat ng nagpakawala siya ng isang suntok dito. Bumagsak sa sahig ang lalaki na nagpa-alerto sa mga kasama nito. Hindi niya hinayaang makabwelo ang mga ito dahil siya na mismo ang unang sumugod.

Mabilis niyang inatake ang mas malapit sa kanya. Sinuntok niya ang sikmura nito na nagpaluhod sa lalaki. Tinapakan naman niya ang likuran nito para bumwelo ng atake sa lalaking kasunod. Tumama ang kanyang kamao sa panga ng lalaki. Mabilis naman siyang umiwas sa atake ng ika-apat lalaki. Nasahawakan pa niya ang braso nito kasabay ng pagsipa niya sa ika-limang kalaban. Pabagsak niyang binitawan ang lalaking hawak na ngayo'y nakahandusay na rin sa sahig. 

Five down in just a second.

Kinuha niya muna ang mga baril sa mga kalaban. Sinuksok niya lahat iyon sa kanyang baywang at pinailalim sa suot na leather jacket. Nagpatuloy siya sa paglalakad na tila walang nangyari, pero hindi nakaligtas sa kanyang paningin ang pagsunod ng CCTV sa kanyang kilos. Ngumisi siya sa harap n'on at walang pag-aalinlangan niyang binaril ang camera.

Ilang liko na ang nagawa ni Hurricane ng nakasalubong niya ang grupo ng mga kalalakihan. 

"Sh't!" Sambit niya ng walang pag-aalinlangan siyang paputukan ng mga ito.

Mabilis siyang nagkubli sa pader at hinanda ang dalawang baril. Huminga siya ng malalim bago nagdesisyong lumabas sa pinagtataguan at sunod-sunod na kinalabit ang gatilyo. Hindi siya nag-aksaya ng bala sapagka't sinisigurado niyang bullseye ang tira niya. Walang takot niyang sinalubong ang mga kalaban at nakipagpalitan ng putok. Nang maubos ang bala sa hawak na baril, tinapon niya iyon at mabilis kinuha ang reserbang baril sa tagiliran. Huling putok bago mawalan ng bala ang gamit na baril, ay siya ring bagsak ng huling kalaban.

Ngayon sigurado niyang hindi na siya titigilan ng mga ito. Muli siyang kumuha ng ilang pirasong baril bilang proteksyon. 

Mabilis siyang nagtungo ng makita ang isang hagdan pababa, ngunit mabilis din siyang nagtago ng makakasalubong naman niya ang mga armadong kalalakihan. Pwersahan niyang sinira ang nakitang pintuan at pumasok siya roon. Dahan-dahan niya iyong sinara upang hindi makaagaw ng atensyon.

"W-who are you?"

Alertong itinutok ni Hurricane ang hawak na baril sa taong nagsalita. Hindi niya napansin na mayroong tao sa silid na ito.

Nagtaka siya sa itsura ng lalaking na sa silid. Nakatali ang dalawang kamay nito sa itaas at bahagyang nakatungtong ang paa sa ibaba. Mapapansin ang dugo sa sira-sira nitong damit mula sa malamlam na ilaw ng silid.

Muling inilagay ni Hurricane ang baril sa kanyang baywang at nilapitan ang lalaki. Bahagya naman itong nagmulat ng tingin.

"H-hurricane?" Nahihirapan nitong sabi.

Pinagmasdan niya itong mabuti. Biglang pumasok sa isip niya ang dalawang lalaki na naglagay sa kanila ni Primo ng electric chain.

Inalis niya muna ang gapos nito at inalalayang umupo. Doon lang niya napansin ang isa pang lalaki na nakadapa sa sahig.

"Sino ka?" Tanong niya sa nanghihinang lalaki.

"T-two floors downstairs, r-right hallway, s-sixth room left. U-use the card in my pocket to enter the room. M-may mga gamit doon na maaaring makatulong sa'yo." Sambit nito bago natumba. Dinama niya ng daliri ang tapat ng ilong nito para malaman kung humihinga pa ang lalaki. Nakahinga naman siya ng maluwag ng buhay pa rin ang lalaki. 

Devil's GAMEWhere stories live. Discover now