"I can't find anything," Sagot nito.

"Sigurado ka ba sa nakita mo?" Paninigurado ni Onix.

"Yeah. That's why I need to confirm that." Sagot nito.

"Kung walang nakita si Ryz, meaning wala talaga. He's our Techy monster. Baka naman gumagawa ka lang ng dahilan para may makuha kang impormasyon tungkol sa amin?" Naghihinalang tanong ni Lassy.

Huminga ng malalim si Hurricane bago matamang tumingin sa babae.

"Hindi ko kailangan alamin ang mga impormasyon nyo. Wala akong pakialam kung sino kayo pero gusto kong malaman kung sino ang mga nakakulong sa ilalim ng barko." Mahinahon nitong sabi.

Inirapan lang ni Lassy si Hurricane.

"Go ahead," Hudyat ni Primo kay Ryz. Alam niyang hudyat lang niya ang hinihintay nito para ibigay ang ang laptop sa babae.

"Thank you," Sambit ni Hurricane ng ibigay ni Ryz ang gadget dito.

"I have a ship floor plan on our site..."

"I'm using different site." Sambit ni Hurricane.

Kunot-noong tumingin si Ryz kay Primo bago tumayo ang huli ang nagtungo sa likuran ni Hurricane. May kuryosidad siya sa gagawin ng babae. Ganoon din ang ginawa ng grupo maging si Lassy na napilitang tumayo. Pinagmasdan nila ang ekspertong pagtipa sa keyboard ni Hurricane.

"That's a dangerous site!" Natarantang sabi ni Orio.

"I know," Balewalang sabi ni Hurricane.

"Oh sh't, Rica! This place is full of bomb. Once you triggered that site, we will explode!" Nataranta rin sabi ni Ryz.

"Trust her," Mahinahong sabi ni Primo.

Gulat na tumingin ang grupo sa kanya pero nanatili siyang nakatingin kay Hurricane. Marami na itong ginawa na labis niyang kinagulat ngunit sa huli ay napahanga pa rin siya. Maaaring sa pagkakataong ito ay ganoon din ang gawin ng babae.

"Holycow! You made it!" Tuwang-tuwang sabi ni Orio.

Lihim na napangiti si Primo dahil inaasahan na niyang muli silang gugulatin ni Hurricane. Seryoso lang ito sa ginagawa pero halatang eksperto ito sa larangang iyon.

Mas klaro nilang nakikita ang istraktura ng barko ngayon. Kahit ang napakaliit na detalye ay naging malinaw sa kanila. Ngunit hindi nila masundan ang bilis ng pagtipa ni Hurricane at ang pagpapalit-palit ng lokasyon sa monitor.

"Got'ya!" Masaya nitong sabi sabay pindot ng Enter key. 

Nagulat sila ng makita ang imahe ng isang babae sa screen. A girl with a skin like snow, a hair like fire, an eyes like a deep ocean and a lips red as blood. Nakangiti ito na tila inaasahan ang pakikipag-usap ni Hurricane rito.

"Long time no see, Rica." Nakangiti nitong bati ngunit may malamig na tingin.

"Who is she?" Naguguluhang tanong ni Ryz.

"I don't have time to introduce myself, Gentleman. The situation  is getting worse. The death increase in volume. Everywhere is killing and you have one thing to do." Bahagya itong tumigil bago muling nagsalita. "End this battle."

"Bakit naman kami maniniwala sa'yo?" Mataray na tanong ni Lassy.

"Because I am saying the truth." Sagot ng babae.

"Anong proof mo sa pagsasabi ng katotohanang 'yan?" Muling tanong ni Lassy.

"Rica, what do you think?" Pambabalewala nito sa tanong ni Lassy.

Devil's GAMEWo Geschichten leben. Entdecke jetzt