Chapter Thirty Seven - Turning Point

Start from the beginning
                                    

 

Hindi na niya alam kung ano ang sasabihin o iisipin. Why is this woman telling him all these things right now when… He sighed again, this time with anger fueling up inside him.

 

Lumapit ito sa kanya, nearing the distance between them. She tried to encircled her arms around his neck pero pinigilan niya ito. “Greg, I feel so lonely right now. Knowing that my bestfriend is having an affair with my ex-boyfriend… I feel so rejected.”

 

Wala siyang pakialam sa nararamdaman nito. What he wanted to do right now was talk to Gaby. He needed to get out of there with Gaby so they could talk about their marriage and everything.

 

“Gaby is just the pretense, Greg. The real bitch’s name is Bree.” Pagkasabi noon ay bigla siya nitong hinalikan sa labi. It took him a second to pull her arms away from him.

 

He was struggling to escape from Kyra’s embrace when he saw Gaby walking towards them with a sinister smile plastered on her face. And all of a sudden, lahat ng sinabi ni Kyra sa kanya bago lang ay biglang nagrambolan sa loob ng isipan niya. Was it true? Talaga bang ginagamit lang siya ni Gaby?

 

“Sir? Uhh, Sir?” Bumalik sa kasalukuyan ang isip niya ng makitang nakatayo sa harap niya ang kanyang sekretarya.

Tumaas ang isang kilay niya. “What is it?”

“A package has arrived, Sir. Para po sa inyo.” She smiled at him and placed the brown enevelope on top of his desk.

Biglang kumunot ang noo niya. He wasn’t expecting a package, or anything for that matter. “Package? I’m not expecting anything. Kanino galing?”

Bahagyang kumunot ang noo nito. “Wala pong nakalagay, Sir. Ibinigay lang po sa akin ng receptionist at kung pwedeng ako nalang daw mismo ang bibigay sa inyo. Tinanong ko po kung kanino nang galing, sabi niya po hindi raw nag-iwan ng pangalan at nagmamadaling umalis. Pero bilin po ng taong nagbigay niyan ay matagal mo na daw talagang inaasahan ang package na iyan.”

“Anong laman niyan?” Who the hell would send him something?

Nagkibit ito ng balikat. “Hindi ko po alam, Sir. Mahigpit din po kasing bilin ng taong nag-iwan niyan na tanging ikaw lang daw mismo ang may karapatang tingnan ang laman ng envelope. Kung ayaw niyo, Sir, pwede ko pong—”

“No, it’s ok. Thank you, Rhen. You may get back to work.” Walang emosyong sabi niya dito.

Tumango lang ito at tuluyan nang lumabas sa opisina niya. Tiningnan niya ang brown envelope na nakapatong sa mga binabasa niyang papeles at kontrata. Ano kayang laman nito?

Mga ilang minuto din niyang pinag-isipan kung ano ang laman nito. Nang di na niya matiis ay kinuha niya iyon. It was light. Mukhang mga papel ata ang nasa loob nito. Walang pagdadalawang isip ay binuksan niya ito only to find out pictures.

Gaby and Geoff’s Pictures.

-

A Deal is a DealWhere stories live. Discover now