Part 5

6 1 0
                                    

Yn.

Ika-pito ng Setyembre ngayon. Alam niyo naman kung anong araw niyo. Ito ay ang aking kaarawan! Maaga akong gumising at tinulungan sina Maria at Ina sa paghahanda. Ang daming taong nagsiluputan ng makita akkng lumabas ng aming tahanan.

"Maligayang kaarawan, Binibining Del Rosario."

"Maligayang kaarawan sa iyo, Del Rosario."

"Kay ganda mong binibini."

"Maraming salamat po.", sagot ko sa kanila at sabay tanggap ng mga regalong inaabot nila sa akin.

Mamaya pang gabi ang handaan. Alam niyo naman si Ina na gustong laging magarbo ang aking kaarawan dahil ako daw ay espesyal. Noong ipinagbubuntis pa kasi ako ni Ina ay muntil na siyang makunan. Nadulas siya sa banyo. Muntik na akong mahulog pero ang lalas ng kapit ko. Haha. Kaya yun, mahal na mahal nila ako. Hehe.

Nagpaalam muna akong pupunta ako sa tabing ilog. Naalala ko kasi na may importanteng sasabihin si Asahi sa akin. Baka andoon lang siya.

Pagpunta ko doon at may lalaking nakatayo. Siya nga! Tindig palang niya ay kabisa ko na. Buhok palang niya ay alam na alam ko na. Hindi siya nakasuot ng pangsundalong yuniporme.

"Asahi?!", paninigurado ko. Lumingon siya at siya nga. Mas lalong gumwapo siya sa paningin ko.

"Happy Birthday, Del Rosario.", pagbati niya sa akin at nagbigay ng regalo. Teddy bear at iang litrato niya na nasa loob ng frame.

"Thank you, Asahi.", nakangiting sabi ko. Hunintay ko lang na siya ang maunang magsabi tungkol sa sasabihin niya.
"Del Rosario, do you still remember what I've said to you last month?", tanong niya. Yun, sasabihin na rin niya sa akin.

"Yeah. You told me that you'll say it on my birthday.", sagot ko.

Nag-aalilangan siyang sabihin. Halata naman sa itsura niya. "If it's not okay with you, it's fine.", sabi ko.

"No, no. It's fine. But I don't find the right words.", sabi niya. Napakamot nalang siya sa batok niya.

"Umm.. I just wanted to tell you that... umm..", pautal utal niyang sabi. Naghintay lang akong buohin niya.

"Ummm. Yn, I think I like you.", deretsong sabi niya at agad kong ikinagulat.

"I like you since day 1.", dugtong pa niya. Hindi ko napigilan ang aking ngiti. Oarehas din kami ng nadarama. Ang saya nun.
"What if I'll say I like you too?", pa-asar na tanong ko at nagulat siya.

"W-what do you mean? You like me too?", nakangiting tanong niya. Tumango ako habang nakangiti dahil siya rin ganun.

Napatalon talon siya sa mga batuhan at nasisigaw. Ang cute niya. Hahaha.

"You like me too?!", hindi makapaniwalang tanong niya.

"Yeah. I like you since day 1.", sabi ko. Nakangiti lang kami at nagyakapan.

"I won't hurt you, Yn.", bulong niya sa akin ng maramdamang hinahaplos ang buhok ko.

"I won't too.", sagot ko.

Pinutol niya ang yakap namin at hinawakan ang pisngi ko ng magkabilang kamay niya. Tinutukan niya lang ako at agad kong ikinagulat nang bigla niyang ilapit ang labi niya sa akin. We did it again but this time, it's full of happiness and love. Medyo malalim din ang halik namin. Pinutol ko na yun at yumakap ulit. Ang saya sa pakiramdam ng may nagmamahal sayo.

Nagkwentuhan muna kami. Ang sweet niya pala. Ang funny niya rin. Napakaromantiko nito ha. Hinintay lang namin lumubog ang araw at nagdesisyong umuwi na para sa aking selebrasyon.

"Would you mind coming with me?", tanong ko pero nakayuko lang siya.

"Why?", tanong ko ulit dahil hindi siya sinagot.

"They might feel uncomfortable. I'm Japanese.", sabi niya. Oo nga, baka palayasin siya. Pero let's try.

"It's okay. I'll take care of this.", nakangiting sabi ko at tinangay na siya.

Umuwi na ako sa aking tahanan na kasama si Asahi. Agad kaming nakaagaw ng pansin ng lahat dahil ang ingay naming pumasok at nakahawak pa ng kamay.

"Yn?", mahinahong sabi ni Ina. Nilapitan ko siya at pinakalma siya.

"Wag kang mag-alala, Ma. Mabait talaga siya.", paliwanag ko sa kanya at tinginan ng masama si Asahi.

"Tsaka kami na po.", nakangiting bulong ko at ikinagulat niya. "Sige na nga. Pinagkakatiwalaan kita pati siya.", nakangising sagot ni Ina.

Lumapit din si Maria sa akin. "Ikaw ha. Ano yan regalo sa iyong kaarawan? Pero ang gwapo niya ha. Pwede pahiram?", pang-aasar ni Maria. Kumunot ang noo ko.

"Buti pa yung kapatid mong bunso mayroon ng iniibig, ikaw wala parin.", sarkastikong sabi ni Ina kay Maria.

Natawa ako at ngumuso lang si Ate. Dalawang put limang taong gulang na kasi si Maria ngunit wala paring ka-ibigan.

Masaya kaming nagsalo salo. Nagkwentuhan din kami. "Anong pangalan mo iho?", tanong ni Ina kay Asahi ngunit hindi niya naintindihinan.

"Ina, hindi niya naiintindihan.", sabi ko. "Ay...", sagot ni Ina. "What's your name?", pagseseryosong tanong ni Ina kay Asahi.

"I'm Tanaka Asahi.", nakangiting sagot ni Asahi. Gwapo niya talaga.

"Oh I see.", sagot ni Ina. Hindi kasi masyadong magaling mag-ingles si Ina.

Tumahimik na si Ina at ang lahat dahil ako lang ang magaling mag-ingles. Parang ayaw nila kausapin si Asahi.

"Ako nalang ang magtatranslate sa ingles. Kausapin niyo naman si Asahi.", pagputol ko sa lakas ng katahimikan.

"Yun naman pala.", sabi ni Maria.

"Iho, ilang taon ka na?", tanong ni Lolo kay Asahi. Tumingin ako sa kanya. "Asahi, how old are you asked my grandpa.", paliwanag ko.

"I'm 25 years old.", sagot niya na nakatingin kay Lolo. Tumango naman sila.

Ang dami na nagtanungan kay Asahi. Mukhang tanggap na nila ang pagkatao ni Asahi kahit siya ay isang hapones. Ang mahalaga daw ay masaya ako.

Natapos na ang selebrasyon at umuwi na sa kanya kanyang tahanan ang mga bisita. Nagpaalam na rin si Asahi sa akin dahil uuwi na siya.

Napagod ako pero ang saya ng araw na ito. Ang sarap sa pakiramdam na may umamin sa iyo tapos parehas pa kayo ng nararamdaman. Nagsulat muna ako sa aking diary. Mahalaga kasi itong kaarawan ko. Kaarawan ko tapos anibersaryo pa namin. Hehe.

Diary,
Ang saya saya ko ngayon. Nalaman kong mahal din ako ng taong minamahal ko. Masaya ako dahil tanggap ng pamilya ko ang relasyon namin. Napakamahalaga ang araw na ito. Kaarawan ko na nga at anibersaryo pa ng aming pagmamahalan. Nawa'y magtagal kami at hindi ako masaktan. Mamahalin ko siya hanggang sa aking huling hininga. Pangako, Mahal.

Nagmamahal, Yn Del Rosario.

Remember 1943? || Ni-Ki and YN AU / ongoingWhere stories live. Discover now