Part 4

8 1 0
                                    

Early publish lng HAHAHA

-----------

Yn.

"Ano pong masama doon?", patawang tanong ko.

"Alam mo naman kung ano sila dito diba?", pagalit na sabi ni Maria.

"Mabait po siya, Ina, Maria. Huwag po kayong mag-alala.", sabi ko habang hinahaplos ang balikat nila.

"Paano ka naman nakakasiguro?", tanong ni Ina.

"Nailigtas na nga ako ng ilang beses. Kung masama siya, bakit hindi niya ako binitawan sa bangin?", patawang sagot ko. Patango nalang sila.

"T-tama ang apo ko. Nakita ko na yun at nakausap yung hapones na pinaguusapan niyo. Hindi ba't siya si Tanaka Asahi, Del Rosario?", sabi ni Lolo at nagulat ako.

"Po? Paano niyo po siya nakilala?", tanong ko at inalalayan si Lolo na umupo.

"Tinutulungan niya ako sa mga bitbit ko tuwing umaga. Hinahatid niya ako sa kabilang bayan. Masiyahing binata iyun. Napakabait di tulad ng ibang mga hapones at mga pilipino.", paliwanag ni Lolo at napangiti ako.

"Oh diba... Mabait talaga si Asahi.", sabi ko kay Maria. Napairap nalang siya sa ibang direksyon.

"Ganun po ba lolo? Mabuti naman po yun para hindi kayo mabigatan sa mga bitbit niyo. Tsaka uminom na ba kayo ng gamot ninyo?", tanong ko kay Lolo.

"Oo naman, Yn. Tsaka, bakit niyo pinaguusap si Asahi? May gusto ka sa kanya noh?", pang-aasar ni Lolo at may pasiko siko pa.

"Po? W-wala po.", kinakabahang sabi ko.

"Yn, makinig ka... Kung mahal mo, ipaglaban mo.", bulong ni Lolo sa akin habang ngumingiti. Hay, swerte talaga ni Lola kay Lolo noong panahong buhay pa si Lola.

Napangiti nalang ako sa sinabi ni Lolo at nagpaalam sa kanila. Magpupunta ako ng tabing-ilog. Baka andito siya.

*tabing-ilog*

Wala naman siya dito. Mag-isa na naman ako. Baka may mga lalaki na naman dito.

Ako'y nakaupo sa may batuhan. Hindi ako napagbasa dahil wala akong pampalit na damit. Nagmumuni muni muna ako't may biglang tumawag sa aking ngalan.

"Del Rosario!", sigaw niya na nanggagaling ang boses sa likod. Napalingon ako sa tawag niya.

"A-Asahi?", sagot ko. Siya pala ang tumawag sa akin. Hindi kasi siya nakapangsundalong kasuotan. Nakasando lamang siya at nakashorts sa pambaba.

"Anong... umm... What are you doing here?", tanong ko. Nakalimutan kong ingles lang pala ang naiinitindihan niya.

"I went here to see you. I want to swim with you here.", tugon niya. Napangiti ako sa kanya.

"But I don't have extra clothes.", nakayukong sabi ko.

"O-okay...", tugon niya nang bigla akong basain ng tubig. Nagulat ako sa kanyang ginawa.

"W-what are you doing?", patawang tanong ko habang ginagantihan siya sa pagbabasa.

Tawa kami ng tawa habang nagbabasaan. Hay, basang basa na ang aking damit. Nakita ko sa mga mata ni Asahi na ang saya saya niya kasama ako. Nagniningning ang kanyang mga mata at ang ngiti niya... sobrang puro. Ang sarap sa pakiramdam na dumating siya sa aking buhay.

Habang nagbabasaan pa kami ay bigla akong natumba at natangay ng alon. Hindi ako makahawak dahil ang lakas ng agos nito.

Agad naman akong hinabol ni Asahi. Inaabot ko ang kamay ko sa kanya ngunit hindi niya ito maabot. Hanggang mapunta na lamang ako sa isang malaking bato kaya natigil na ang pagtangay sa akin ng alon.

Nakasandal muna ako hanggang sa napunta na sa harap ko si Asahi at laking gulat ko ng siya ay nakapatong sa akin. Naalon pa siya kaya't nasubsob siya sa akin at aksidenteng nagdikit ang aming labi. Nagulat ako dahil sa nangyari.

Ilang segundo pa't pinutol na niya ang halik naming dalawa at wala kaming imikan. Nagulat din kasi siya sa nangyari. Hay... Kasalanan ito ng alon, nahihiya na tuloy ako.

"Umm.. I-I'm so sorry... I-it was an accident.", pautal utal na sabi ni Asahi.

"I-It's okay, Asahi. Nothing to worry.", tugon ko habang nakangiti. Ngumiti narin siya at tumabi sa akin. Feeling ko sinadya niya yun. Nakakaramdam na naman ako ng kakaibang sa loob ko. Mga paro-paro ba iyun?

"So...", paunang salita niya. Hindi ko alam kung ano ang paksa namin. Mukhang nahihiya siya. Nangmakita ko ang kanyang mukha ay sobrang pula nito.

"A-are you okay? Are you sick? Your face is so red.", nag-aalalang sabi ko at hinahawakan ang kanyang noo. Wala naman siyang lagnat dahil hindi naman mainit ang noo niya. Baka namula ito dahil sa halik namin. Ang cute niya.

"N-no. Nothing...", patawang sabi niya.

Tumango nalang ako sa sinabi niya. Itatanggi din naman niya eh.

Ilang minuto kaming walang imik at usap. Nagulat nalang ako ng nagtanong siya sa akin.

"When is your birthday, Del Rosario?", nakangiting tanong niya sa akin.

"September 7. Why?", tugon ko.

"I just want to tell you something on your birthday. It's August 31 today. Your birthday is coming.", sabi niya.

Nagtataka ako kung ano yung sasabihin niya sa akin pero excited ako doon.

"When is yours?", tanong ko.

"December 8.", tugon niya.

"Well, advance happy birthday to us!", pasigaw na sabi ko at ngumiti siya.

"How old are you?", tanong niya.

"I'm 20 years old. How 'bout you?", tugon ko.

"I'm 25 years old.", sabi niya. Limang taon ang pagitan namin.

Nagkwentuhan lang kami hanggang sa palubog na ang araw at hinatid na niya ako sa aking tahanan. Nagpaalam na siya at ganun din ako.

Hay... kay sarap naman sa pakiramdam. Siya pa ang unang halik ko. Nang lambot ng kanyang labi. Sakto pa sila sa akin. Teka, ano pala yung sasabihin niya sa kaarawan ko?

*TO BE CONTINUED*

Remember 1943? || Ni-Ki and YN AU / ongoingWhere stories live. Discover now