[ 45 ] New Recruit

Start from the beginning
                                    

"P-Pero po wala akong pambayad." Nanlulumo niyang saad habang nakatingin pa rin sa cake display counter.

"You don't need to worry about that Gene. It's all free."

Nanlalakihang mata niyang tinignan si Dr. Luo. "T-Talaga po?!"

"Yup so choose anything you like. You have many targets to choose from." Nakangiting sabi nito sabay gulo ng buhok. Tumayo na siya saka tinawag ang isang nagbabantay.

"Good afternon po Doc. Anything you want to order?"

"The usual please." While the lady is serving his plate, nagtanong siya tungkol kay Eugene.

"Balita ko po nagrecruit kayo Doc, siya po ba tinutukoy nila?" sabay nilang tinignan ang walang kamao-maong bata. Nakatitig pa rin siya sa mga pagkain habang nakanganga.

"I still need to sure first if he have some peculiarity in him."

"Hindi pa po kayo nakapagpersonal recruit, bago yan Doc ah." nagkibit balikat nalang siya.

"I have a feeling that he's special, he's not like the others." Saad niya habang tinititigan si Eugene.

What he said was true. Hindi niya alam kung bakit ganito ang naramdaman niya tungo sa batang kahapon niya lang nakilala. That was not a coincidence, pakiramdam niya ay pinatagpo ni tadhana ang batang ito sa kanya.

He can feel that this kid will have a bright future when his ability is fully awakened.

~*~

Pagabi na pero hindi pa rin nila natapos libutin ang buong labolatory. 5:14 na ng hapon kaya naman napagdesisyunan ni Eugene na babalik nalang ulit siya bukas para ipagpatuloy ang tour ni Dr. Luo sa kanya.

"Gene, I have to strictly remind you that no one will have to know about my lab, ever. Wag mo itong ipagsasabi sa iba. This is only gonna be our little secret."

"Sure po, mapagkakatiwalaan mo po ako." Ginulo nito ang buhok niya. Nakalabas na sila sa labolatory at nandito na sila ngayon sa kwarto kung saan nakita nila ang nagtatagong entrance papasok doon. Hinubad na niya ang sinuot na puting over-all lab coat at nilagay ito sa isang clothes rack.

Hinatid niya ang bata papalabas ng kompanya. Dahil hapon na ay kakaunti nalang ang mga taong nandoon, kaninang 5 pa kasi ang uwian nila. Pumunta na sila sa parking lot at pumasok na sa kotse ni Dr. Luo.

"Did you have fun on the tour?"

"Super po. Grabe, pakiramdam ko ay nalimutan ko na agad kung ano ang itsura ng lab kanina. Ang laki po ng space, pwedeng tayuan ng swimming pool sa gitna do'n." Napatawa naman siya sa sinabi ng bata.

"Then let's build a swimming pool there,"

"Hala, j-joke lang po yun."

"Oh, you were only joking? Shame. You know there's a place you still haven't visit yet in the lab, doon sana ako magpapagawa ng pool but, tsk." Nagkunwari siyang disappointed, pinapakonsensya ang bata. Hindi niya maiwasan na mapatawa sa kanyang isipan.

"Naku po, wag na. Labolatory niyo po ito, hindi playground." He knew he was only joking but if it makes him happy, why not?

"But that place is for kids," a place where just like him with an ability really belong to.

"Ba't hindi po tayo pumunta doon kanina?"

"Hapon na, baka mapapagalitan ka sa inyo. Your parents would be worried about you." Napatango-tango nalang siya. Gusto niya mang mangyari na totoong mag-aalala nga ang mga magulang niya sa kanya pero napakalabo yun, mas malabo pa sa mata ng isang matanda.

Peculiarity In Her Eyes Where stories live. Discover now