[ 45 ] New Recruit

Start from the beginning
                                    

Halos kunin ang kanyang paghinga nung natapak na niya mismo ang sahig. One of his dreams slowly becoming true, thanks to Dr. Luo.

"Come on, there's a lot for you to see here." Hinawakan ni Dr. Luo ang kamay nito at nagsimula na silang lumakad.

He can't believe in his eyes, nakita niya kung gaano kaseryoso, determinado, slowly but surely ang mga scientist in doing their jobs right.

Pinakilala siya ni Dr. Luo sa iilang scientist nito and they waved at him with smiling faces. Hindi niya maiwasan na ngumiti ng todo dahil nakikita niya na rin ang mga kagamitan ng pinapangarap niyang trabaho.

Kinikilig siya kapag may scientist na bumabati sa kanya. For God's sake napakainosente niya para saktan siya ng kanyang mga magulang. Hindi siya bagay sa lugar na yun.

Nilibot nila ang buong labolatory. Dalawang oras na nilang nililibot ito, hindi pa naman siya napapagod pero parang walang katapusan yata ang bawat sulok ng lugar na ito.

"You still up for more kid?" Eugene was behave, just like Dr. Luo said, he didn't touch anything that was too valuable and fragile. Lalo na ang mga test tubes na makukulay ang laman nito.

"Opo! Ang laki at ang lawak ng labolatory niyo Doc." Aniya habang nakatingin sa paligid. Lahat ng scientist na nakakasalubong nila, they're in their uniforms. The kind of uniform he wants to wear when he'll reach the right age to be called an adult.

"Okay, still energetic as ever. I have something to show you, a private one. But first, let's eat something."

"Nagutom po kayo?"

"Oo eh, ikaw ba?"

"Hindi po, nakakenjoy po kasi at sayang kung papalampasin ko ang pagkakataon na hindi maikot ang lugar na 'to ngayon."

"Sino nagsabi na hindi ka na pwede bibisita pagkatapos ng araw na 'to?" Napatigil si Eugene sa sinabi ng kasama niya pero dire-diretso lang ang paglakad nito. Napangiti nalang siya habang tinititigan ang likod niya. Sinundan niya agad ito nang mapansin niyang medyo malayo na siya sa kanya.

"Woooow," ulit, napanganga si Eugene nung binuksan ni Dr. Luo ang isang glass door.

"This is called a cafeteria. A place where you can relax and eat."

Pumasok na silang dalawa, nagpahuli niya ng lakad dahil tinatanaw niya talaga ng maigi ang malawak na lugar na pinasukan nila. Hindi sadyang napunta ang mata niya sa pagkain. "Ang daming pagkain!" Patakbo siyang lumapit sabay dikit ng kamay niya sa isang cake display counter.

To be honest, ang daming pagkaing nakadisplay. May pambreakfast, lunch and dinner. They also have snacks you can choose to munch if you want to overtime in your work. Lots of varities of foods are displayed in front of him but he choose desserts kasi matamis ito at masarap. Well, he's a kid.

He even tiptoed his feet para matignan pa ang ibang masasarap na pagkain na nakadisplay sa ibabaw ng cake display counter. He even saw a cupcake stand and a 3 tiered buffet server full of various kinds of baked sweets.

Bigla siyang natakam at nagutom, naglalaway sa mga pagkaing nakita. Napahawak siya sa kanyang tyan nang bigla itong tumunog.

"And you're hungry. Our tummies never lie." Napakamot nalang sa ulo si Eugene. Hindi naman kasi talaga siya nagugutom pero nang makita niya ang masasarap na pagkain ay wala sa oras dumating ang gutom niya.

Sino ba naman kasi hindi magugutom sa mga dessert? Siguro nga kahit busog ka pa ay mapapakuha ka talaga ulit.

Lumupasay si Dr. Luo sa harap niya. "You can choose anything that you want to eat." Gusto nga niya sana pero may isang problema.

Peculiarity In Her Eyes Where stories live. Discover now