Prologue

8 0 0
                                    

"Ano?!!!!! bat may 2 billion dollars sa account ko eh hindi naman ako mayaman? "

Na pa hawak nalamang ako sa puso ko ng biglang may tumawag na unknown number saken.

"Huh? sino to?" wala naman akong binigyan ng number ko ah bukod sa mga impaktang kaibigan ko.

"Hello sino to?" sinagot ko nalang para malaman kung sino, aba malamang magtatanong ako para malaman sinong tumatawag.  "Hello bunso this is your ate Kara, did you receive my present na ba?" sabi ng kausap ko. "huy kung sino ka man, anong present present pinag sasabi mo malayo pa ang pasko at pwede ba wag mo kong ma this is your ate kara kase yung ate ko nasa bang bansa OFW yun, at hindi yun ganyan magsalita kase jologs yun. KAYA TIGIL TIGILAN MO KO. BYE" sabay patay ng phone. 

Kaloka anong tingin nila saken magpapa budol or scam na naman nako, quotang quota na ako sa 11.11 sale sa shopee na na scam ako isipin niyo Pang Victoria Secret na panty inorder ko ABAY Panty ni DARNA yang dumating. Okay sana kung tung kulay red na style basta sexy and seductive tingnan pero shutaaaa BAT MAY MUKHA NI MARIAN RIVERA NA KA PRINT SA MAY CENTER TALAGA HUHHHHUHUU 

Pero okay lang duhh 125 pesos lang naman yun dahil sale. WA-HA-HA-HA magpapakilala na muna ako sainyo. Ako nga pala si Amaury Veniel Vicente also known as Aviee. Charr bakla ako guys baka akacian niyong babae. Mahirap lang kami. Yung mga magulang ko nasa bang bansa nag tratrabaho kasama nila yung kuya and ate ko in short ako lang magisa. Natuto akong tumayo sa sarili kong mga paa alangan naman sa paa mo charizzz sa murang edad. Half british ako dahil kay mama, tapos si papa naman pure Filipino. 


Sabi nila maganda raw ako like super ganda to the point na nasusuka sila pag tinitingnan ako. sino ba namang hindi eh para akong mangkukulam tingnan plus, ang yayaman kase ng mga estudyante sa paralan ko. Te kahit yung mga bag nila na diko alam ang mga brand kaya na ata akong pakinin boung buhay ko sa mahal ng mga presyo non. Nagaaral ako sa isang prestigious school dito sa manila ang Montclair University. Isa akong 1st yr Marketing Student. 

Sa mga nagtatanong kung pano ako nakapasok, well scholar kase ako don. every year nag papa exam sila atpumipili sila ng 10 students na mabibigyan ng full 4 year-scholarship. 

pinalad tung ate niyo kaya nakapasok. Alam niyo ba na ang school ko mas mataas pa sa Harvard o kahit sa Princeston University Ewan ko ba kung tama tung spelling basta ganon. At dahil pang mayaman ang paaralan ko No I mean for the RICH RICH level kinakawawa nila kaming mga scholar. Pinag tritripan at binubully. Ewan ko nga sakanila nakikipaglaro ata mga nanay nila sa mga demunyo noong pinag bubuntis pa sila kaya ang sasama ng mga ugali. 

Ayy pano ba yan kailangan ko na munang matulog kase maaga pa bukas. sa susunod ko nalang proproblemahin tung 2billion dollars sa account ko. Good night. 

CRAZY RICH GAYWhere stories live. Discover now