Diary #5

36 1 0
                                    

Dear diary,

Bad mood ako ngayon. As in walang makakapagpasaya sakin. Paano ba naman kasi, dairy. In add ko yung lalaki nung minsan sa facebook. Ilang oras nung in add ko siya pero hindi pa niya ako ina-accept kaya tinodo ko na ang pagpepersmove ko. chinat ko na din siya. Pero kainis, hanggang sa dumating ang gabi hindi pa niya ako nirereplyan. Pero syempre kinalma ko muna yung sarili kasi ayokong mastress. Naghintay pa ako ng ilang oras, siguro mga lima pero wala pa din! Hangggang sa nakatulog na nga ako, diary. Ang saya saya ko kasi finally! Nagchat na siya, tuloy tuloy din yung usapan namin, diary. Kaya grabe yung saya ko pero bigla akong magising nang tumahol yung aso ng kapitbahay namin kaya dun ko nalaman na panaginip lang pala. Agad ko namang binuksan yung cellphone ko tapos pumunta ako sa messenger. Napatalon pa ako sa tuwa dairy kasi may one message. Pero nung pagbukas ko yung group chat lang pala namin ng school 'yon. :-(

Lalo pang nasira yung araw ko dahil wala na nga siyang chat, sinisingil pa ako.

Nagmamahal,

Ellie

Diary Ng Maharot Na NBSB (Dairy #1)حيث تعيش القصص. اكتشف الآن