Diary #1

175 3 0
                                    

Dear Diary,

Birthday ko na bukas. Ilang oras na lang diary, 21 na ako, parang bilang ng dati kong mga naka m.u. Madadagdagan na naman ng isang taon ang edad ko pero wala pa akong nagiging boyfriend, diary. Kainis! Ang daming lalaki d'yan pero bakit wala ni isa sa kanila ang naging boyfriend ko. Hindi ako choosy diary ha, mapili lang. Hehe.

Bakit kaya? Pangit ba ako? Kapalit palit ba ako? Then why! Char Liza Soberano lang ang peg. Anyway I was saying dairy na sa edad kong 'to wala pa akong nagiging boyfriend sa dami ng naka mutual ko. Sinasabi nga ng mga kaibigan ko, saming tatlo ako ang pinaka maharot. Pero hindi ako naniniwala diary, kasi kung totoo 'yon dapat ngayon nasa tabi ko na siya, nakahiga at nakayakap sakin.

Isa pa diary wala ako ngayon dito kung may boyfriend ako.

Nagmamahal,

Ellie

Diary Ng Maharot Na NBSB (Dairy #1)Onde histórias criam vida. Descubra agora