Napahawak si Manang sa dibdib niya at hinga ng malalim. While I endure the pain in my nose. Damn petchay!

"Ganun ba. Mabuti naman. Saka pasensya ka na Desmond nabato tuloy kita."

I tried touching my nose, but I just flinched because it hurts. I shook my head at Manang.

"It's nothing Manang. Just make me some coffee. Yeah, coffee." Napatango-tango.

Pumunta ako sa dining table saka umupo doon sa silya. Napabuntong-hininga ako habang naghihintay ako sa coffee ko. Dinampi ko ang cold compress na binigay sa akin ni Manang sa ilong ko.

Fuck this! Kagabi nagtiis pa ako sa pananakit ng puson ko. Nagpakabait pa ako ng husto kay Finn kagabi. Tapos kinaumagahan ito pa ang matatanggap ko. Jesus!

I know that I'm really a promiscuous person, but I have some decency and respect. Finn has my respect. I only saw him as my younger brother, but what the fuck happened last night? Why do I have a fucking boner after Finn accidentally rubbed his on mine? Am I lusting after him? Damn. Am I lusting over a child? This is not fucking me at all. I've never felt this kind of shit for the entire thirty-one years of my existence in this world.

I closed my eyes and mentally face palmed. Hindi naman siguro ako sexually frustrated. Or am I? I don't know anymore. Maybe it is because I wasn't laid off these past few days since I immediately went home after I got off from work.

"Oh, kape mo."

Napamulat ako sa mata ko saka nagpasalamat kay Manang. Binagsak ko ang mata ko sa coffee na nasa harap ko nang umalis si Manang.

Hindi ko namalayan na nitong mga nakaraang araw ay may nag-iba na sa akin hanggang ngayon. Di na ako pumupunta sa bar pagkatapos ko ng trabaho ko. Napapaaga na rin ang uwi ko dito sa bahay ko. O tamang na ring sabihin ko na napapadalas na ako dito sa bahay unlike before.

Napahilamos ako sa kamay ko saka di ko na lang ang mga bagay na nangyayari sa sarili ko. I become weirder and weirder whenever I think of it. I think I might go crazy too.





Finn Pov

Nang magising ako kinaumagahan ay ang sarap sa pakiramdam ko. Nakapagaan ng pakiramdam ko. Tingin ko ay nakatulog talaga ako ng mahimbing kagabi sa unang pagkakataon na nandidito ako sa bahay ni Desmond. Kahit naman kasi malaki ang kama sa kwarto na inuukupa ko dito at malambot iyon binabangungot ako hanggang sa di na ako makatulog. At ngayon ang sarap ng pakiramdam ko. Pakiramdam ko ay nakapagpahinga talaga ng husto ang katawan ko.

Inalis ko ang katawan ko sa pagkakalimin noong makapal na kumot na kulay puti. Binaba ko ang paa ko at napatingin ako sa bedside table at napako ang mata ko doon. Napatitig ako sa picture frame kung saan naka-frame ang isang larawan ni Desmond. Solo photo siya at nakaitim na suit si Desmond. Sa picture ay di siya nakatingin sa camera at parang inaayos niya ang button doon sa suit niya.

Uminit ang mukha ko nang makita ko pa ang isang photo ni Desmond na naka-tattered jeans siya at walang damit ang itaas niya at nakasuklay ang dalawang kamay niya sa kanyang buhok na basa. Lalo kong naramdaman ang pag-init ng pisngi ko nang bumaba ang mata ko doon sa ala kulay karamel niyang katawan at nagflex iyon dahil nakaangat ang dalawang kamay niya kaya bakat na bakat ang hulmado at malaki niyang muscles. Para nang sinaing sa apoy ang mukha ko nang makita ko ang mabuhok naa kilikili ni Desmond.

Napalunok ako.

Inangat ko ang kamay ko upang hawakan sana iyong picture frame ng biglang tumunog ang pintuan hudyat na bumukas iyon. Kaya napaigtad ako at awtomatik na napatayo sabay harap doon sa pintuan kung saan pumasok si Desmond.

[MUS3] Love In A Mess (PUBLISHED UNDER IMMAC PPH)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon