Chapter Forty-Five

Start from the beginning
                                    

She knew that right from there, Johann will have his insecurities no more. He already conquered his fear. And he gained a family again.

***

"TUTULOY na po kami, Manang Bing," ani Johann sa matandang katiwala. "Nag-iwan po kami ng mga contact number para po kung sakaling kailangan po kami rito ay matawagan niyo po kami ng asawa ko."

Luminga-linga si Sapphire bago sila lumabas ng mansyon ni Johann. "Nasaan po pala sina Rafael at Sylvia, Manang?"

"Ang señorito ay maagang pumasok sa trabaho. Si Ma'am Sylvia naman ay sinundo ng mga kaibigan niya kaninang umaga. Baka namamasyal lang."

"Oh. Alright..." Pagkatapos nang naging engkuwentro kagabi nina Rafael at Johann, iyon na ang huli niyang kita sa mag-asawa.

"Aalis na po kami, Manang! Sa susunod na buwan po siguro ay babalik kami. Kayo na po muna bahala kay Lola Vani!"

After a while, nakasakay na sila ni Johann sa kotse at nagmamaneho na ito palabas ng village.

"Mister, sa tingin mo, ano nang mangyayari kay nila Sylvia at Rafael? Tumatak kaya sa kanila iyong sinabi mo? The holy part?"

Nagkibit-balikat si Johann. "Hindi ko alam. Siguro, oo. Siguro, hindi. Pero pagdasal natin na sana, na-touch sila ng Holy Spirit. Mukhang puwede pa namang mabalik ang love at trust."

Sumandal si Sapphire sa upuan at tumingin sa labas ng bintana. "Malalaman siguro natin iyon pagdating ng reunion party. Si Sylvia ang nag-organize niyon, eh. For sure, Rafael will be there if...they worked things out." She inhaled and exhaled.

Bago niya malaman na buntis siya at sabik pa siya sa pag-aayos ng mga puwede nilang puntahan ni Johann, she was kinda expecting that all the experiences in their adventures would be worthwhile. Na-i-imagine na niya kung paano iyon isusulat. She imagined how it would be a good read for the readers of her blogsite.

Ngunit nang malaman na ngang buntis siya, Johann canceled everything she planned for their baby's safety. Una, nakaka-disappoint pa. But then, maybe it was really meant to be. Because she got not only experiences, but learnings as well, in their simple vacation. Mas nakilala niya pa si Johann. Mas nakita niya pa ang puso nito. Mas naging malalim pa ang pag-intindi niya tungkol sa pagpapatawad, pagtanggap, pagmamahal sa mga taong minsan nang nagawan ka ng malaking kasalanan.

She got to know what family is made up of.

"Ang tahimik mo yata?" untag sa kanya ni Johann na habang nagmamaneho at ngumunguya na naman ng rambutan.

"I was organizing the things I would write for my blog."

"Wala pala tayong masyadong naging adventure, ano? Sa Pagsanjan Falls lang."

She smiled. "Oh believe me, we had been through a lot of adventures. Kung saan-saang drama tayo sumuot."

Johann laughed. "Biruin mo iyon? Ang plano lang natin ay magbakasyon pero nauwi pa tayo rito sa Tarlac at nagka-tsansa ako na makita ulit sina Lola."

"It only proved that... God's at work. We can plan all we want, pero Siya pa rin ang masusunod. Unforeseen events come with unexpected learnings, afterall."

Napasulyap sa kanya si Johann. "Nagto-talk holy ka na rin, Misis. I like that!"

She chuckled and grabbed the basket of tupig on the backseat. "Pagbalik natin ng Manila, I'll talk to Mommy na," she finally decided. "Walang-wala ang drama ng buhay mo sa drama ng buhay ko. Kung napatawad mo sina Lola Vani, wala akong karapatan para maging matigas pa kay Mommy dahil lang tinago niya sa'kin ang katotohanan about Daddy Darwin."

The Friendly Wedding (Season 1 & 2) - PublishedWhere stories live. Discover now