Hindi ko maintindihan... pero sobra akong excited dahil first time namin iyong gagawin... Nai-imagine ko pa lang ay mas lumalakas ang tibok ng puso ko. Makakaya ko kaya? Baka naman hindi kasya 'yong kanya sa akin...
Sinulyapan ko ang kanya at agad na umiwas ng tingin nang makita ito. Hmp, bakit naman... nakaganoon?! Baka mahimatay ako kapag makita ko na nang buo... at kapag nasa loob ko na siya, gumagalaw...
Ipinilig ko ang aking ulo upang alisin sa isip ang mga iyon. Muli kong tinignan si Matmat na nasa magkabilang gilid ang kamay bilang suporta habang nakaupo, nakapikit habang dinadama ang simoy ng hangin. Humilig na lang ako sa kanya habang kumakain ng sandwich, nakatanaw sa dagat.
Tiningala ko siya at saktong nagkatinginan kami. He smiled and reached for my hand and gently squeezed it. "I can't stop myself from imagining things, Aemour. Baka mapaaga pa sa anniversary natin," aniya.
I jokingly tsked. "Sabi mo, you're a man but your respect is bigger than your desire." I squinted my eyes at him.
"I'm losing my sanity when I'm with you... I just control myself dahil ayaw kong mabastos kita..." Kinuskos niya ang ilong sa leeg ko na nagpakiliti sa akin.
"I'm yours. You can freely touch me and kiss me..." pahina kong saad.
Muli niya akong binalingan, pumumungay ang kanyang mata. "I want to keep my words... And as much as I want to do those, my respect for you outweighs."
Matagal kaming nag-usap at naisip ko ang isang bagay na hindi pa namin nagawa ngayon. "Picture tayo!" I looked for my phone and found it and went to the camera app.
Nagulat ako nang magtanggal siya nang pang-itaas at lumantad sa akin ang iron clad niyang dibdib at tiyan pati na rin ang ma-muscle muscle niyang braso. I just extended my arms, holding the phone, and we both smiled. Sakto pagkapindot ko ay bigla niya akong hinalikan sa pisngi at iyon ang nakuhanan. Hinampas ko siya sa braso. "Landi mo!" komento ko, natatawa. Hindi ko maiwasang mapatingin sa kanyang katawan. Inaakit ako, takte!
"Sa phone mo naman!" Kinuha niya ang cellphone at in-unlock ang screen. Napansin ko pa na ang homescreen wallpaper niya ay ang baby picture ko. "Saan mo 'yon nakuha, huh? Ini-screenshot mo siguro 'yan sa post ko sa IG!" I accused him.
Napahawak siya sa dibdib na parang nasaktan. "Says someone who stalked my accounts first," he mocked.
Agad napaawang ang aking labi. "Crush kita, eh!" rason ko. "I was enchanted to meet you that time so I immediately scrolled through your social media since hindi mo naman ako pinapansin!" I grunted.
Napailing na lang siya habang natatawa at bigla akong kinuhanan ng litrato. Nakakunot pa naman noo ko roon at nakanganga pa! "Hoy! Sabi ko picture tayo hindi picture-an mo ako!"
Sinubukan kong kuhanin ang kanyang phone pero nakatayo siya agad at nilayo ito sa akin. "Okay, I'll delete it." May pinindot siya roon bago ibinigay sa akin.
Kunot noo kong tinanggap ang phone niya at naka-lock pa ito. Pagka-open ko ang bumungad ang aking mukha na nakanganga at nakakunot and noo!
Bago pa man ako makapagsalita ay hinablot niya ang phone mula sa akin, tumakbo siya palayo kaya hinabol ay ko.
Pumunta siya banda sa may dalampasigan at nang malapit na ako sa kanya ay dumiretso siya sa roon at basa na hanggang tuhod.
Sinipa niya ang tubig papunta sa aking gawi kaya bahagya akong nabasa. "'Yong phone mo, mahulog! Basa ka na!" paalala ko habang patuloy niya akong binabasa ng tubig.
"Ako, hulog na hulog sa 'yo!" pasigaw na tugon niya. Itinaas niya ang cellphone. "This is waterproof!" he told me. Kinuha ko pa rin 'yon at hindi na pinansin ang picture ko at patakbong ibinalik sa bag niya at nagtanggal din ako ng pang-itaas ko at bumungad ang beige kong bra.
YOU ARE READING
In Time (Twist of Fate Series #1)
Teen FictionCrush. Crushed. I love you's. Devastation. Breakdowns. Pain. Heartbreak. I loved you. Things turned upside down. It doesn't always go on my way. A lot of things happened. The sanctuary and love that I seek in my home, broke my heart. I tasted love a...
Twenty-two
Start from the beginning
