Chapter 2 : On Duty

Magsimula sa umpisa
                                    

Pare-pareho ang lahat.

Everyone can deny but the truth will always be there.

Everyone judges.

Everyone is a judge.

"He'll still wake up right?" Huminga ako ng malalim at muling ibinalik ang tingin sa maamong mukha ni Spermy.

"God only knows." Aniya kaya muli ko siyang nilingon.

"Stop giving me that bullshit! You're a doctor! Give me an answer!" Giit ko.

Muli siyang napabuntong-hininga, "Maaring hindi na siya magising."

"Maari therefore there's another possibility! Do whatever it takes to keep him alive! I'll pay for everything just please heal him!" Bulyaw ko dahilan para dahan-dahan siyang tumango.

Inilapit ko ng bahagya ang ulo ko sa tenga niya. Dahan-dahan kong hinaplos ang noo niya habang muling pinipilit ang sarili kong ngumiti.

"Borneo, you can hear me right?" Hindi ko na napigilan pa ang pagbuhos ng luha ko, "Listen to me okay? You'll wake up. You can take all the rest that you want but just make sure you'll wake up okay? You're the only one that I have right now so please, please, please don't leave. Minsan lang akong magmakaawa sayo kaya sundin mo okay? I'm not the girl for you but i'll always be a friend to you. I'll help you pick-up chicks. I'll help you find the one for you but just please, wake up....." Tumigil ang paglabas ng boses mula sa bibig ko hanggang sa hikbi na lamang ang tanging pinapakawalan nito. Hindi ko na alam anong gagawin kaya lumabas na lamang ako ng kwarto at agad na pumasok sa pintong patungo sa hagdan.

Mistulang walang katao-tao sa hagdan kaya para akong nakahinga ng maluwag. Sumandal ako sa pader at napatingala. Hindi ko na mapigilan pa ang luha ko kaya hinayaan ko na lamang ang emosyon ko tutal wala namang ibang nandito pero nagtaka ako nang bigla kong marinig ang isang iyak—parang may isang lalakeng umiiyak at nasa hindi ito kalayuan.

Sinundan ko ang ingay hanggang sa maaninag ko ang isang lalakeng nakaupo sa hagdan. Nakasandal ang ulo niya sa tuhod niya. Oo nga’t nakatalikod siya mula sakin at napakarami niyang benda at cast pero nakikilala ko parin siya. Wala eh, superpower to kapag gusto mo ang isang tao.

“Get out. I need this place all to myself.” Bulalas ko dahilan para unti-unti siyang lumingon sa akin.

Nagkatinginan kami. Kapwa kami lumuluha. Kapwa namumugto ang mga mata kakaiyak.

Hindi ko alam kung ano ang pumasok sa isip ko pero lumapit ako sa kanya at naupo sa tabi niya. Kapwa kami humarap sa kawalan..

“Did I..” Napalunok si Dustin at bigla na lamang humagulgol. “Did I caused all this.”

Napapikit na lamang ako.

Oo gustong-gusto kong sisihin si Dustin. Gustong-gusto kong isisisi sa kanya ang lahat ng nangyayari—kahit ang pagtraydor sakin ni Ponzi pero alam kong hindi ito ang totoo. Isa lang naman ang dahilan ng lahat ng ‘to eh.

“Vengeance caused everything.” Idinilat ko ang mga mata ko at nanatiling nakatitig sa kawalan.

“Gusto ko lang namang bigyan ng hustisya si Tatay…” Muling napahagulgol si Dustin saka isinandal ang noo niya sa nakakuyom niyang mga kamao, “Hindi dapat nadamay si Ate…Hindi dapat nadamay ang anak niya.”

Never Cry MurderTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon