Chapter 1

16 0 0
                                    

Karina's POV

"Hanggang kailan pa ba ako magtitiis para maayos ang relasyong ito, Rualdo?! Pagod na ako! Ilang pilit ko nang sinusubukang paganahin itong samahang ito para sa anak natin pero hanggang ngayon, wala pa ring nangyayari. Babaero ka pa rin! At ako naman itong si martyr, umaasang magbabago ka, pero hindi eh! Hindi ka nagbago at kailanman, hindi mo ipinaramdam sa akin na gusto at kaya mong magbago! Kung bakit naman kasi hindi mo mai-sukbot diyan sa sapin mo 'yang lintik na alaga mong kating-kati!" rinig na rinig ko sa bawat iyak at hikbi ni nanay ang sakit.

Ramdam ko ang pagod at sakit na kinimkim niya sa bawat paghagulgol niya dahil sa mga kalokohan at kagaguhan ni tatay.

Kagagaling lang namin sa palengke ni nanay kanina nang madatnan namin si tatay na may kahalikang babae sa loob pa mismo ng pamamahay namin.

"Putangina! Bakit kasalanan ko pa?! Ilang beses ko nang gustong tapusin 'to, pero ikaw itong pumipilit!" pasigaw na depensa ni tatay.

Ang kapal ng mukha!

"Sinubukan ko, Rualdo. Hindi para sa sarili ko, kung hindi para sa anak natin. Para kay Karina!" Nasasaktan ako nang sobra para kay nanay lalo na't kapakanan ko ang laging nasa isip niya.

Iniisip niya ang pagiging buo ng pamilya namin para hindi ko maramdaman na kulang ako ng amang pigura sa buhay ko.

"Nay! Tay! Tama na po!" hindi na ako nakapag-pigil mula sa sulok na kanina ko pang pinagtataguan ng maliit kong katawan.

Hindi ko na nakayanang makitang masaktan pa ang inay para lang mabigyan ako ng kumpletong pamilya.

Mas gugustuhin ko pang watak-watak ang pamilya namin kung laging ganito ang masasaksihan ko sa lugar na dapat ay pahinga ko, kung ganito ang magiging depinisyon ko ng pagmamahal.

"Karina, anak." malumanay na tawag sa akin ni nanay saka ako ipinasok sa mainit niyang yakap.

"Tignan mo! Pati ang anak mo ay nagising na sa katotohanang hinding-hindi na 'to aayos pa!" sumbat ni tatay na akala niya ay sa kaniya ako sang-ayon.

"Hindi naman porket nasabi ko iyon ay hindi mo na kailangan magbago, tay. Sa tuwing umiiyak si nanay habang tinitiis niya na makasama ka kahit alam niyang maling-mali na dahil iniisip niya ang kapakanan ko, nasasaktan ako at nagg-guilty dahil pakiramdam ko ay kasalanan ko kung bakit siya naghihirap." pasigaw kong ibinuhos ang lahat ng hinanakit ko kay tatay, wala nang pake kung kabastusan ang magiging labas ng ginagawa ko.

"Bakit kaya hindi mo subukang magbago, tay? Kahit hindi na para sa akin o kay nanay. Kahit para sa sarili mo na lang po. Hindi ako sumasang-ayon sa hiwalayan niyo dahil gusto kong hayaan ka na lang sa bisyo mong alak at babae kung hindi dahil pagod na akong naririnig na umiiyak si nanay!" dagdag ko.

Alam kong walang respetong pakinggan pero sawang-sawa na rin ako sa ganitong klase ng sitwasyon.

"At opo! Nagising na ako sa katotohanang hinding-hindi na maayos pa ang relasyon ninyo dahil ni isang pagkurap lang ng mata ko, hindi ko nakitang sinubukan mo. Ang lagi niyo na lang isinusuksok sa isipan ay inom dito, inom doon! babae rito, babae ro'n!"

"Mag-impake ka na ng mga gamit mo, nay. Aalis na tayo sa pamamahay na 'to. Ayaw na kitang nakikitang ganito dahil sa pagiisip mo sa ikabubuti ko kasi nasasaktan din po ako." matapos kong masabi ang lahat kay tatay, tumungo ako kay nanay na nakaluhod na sa malamig na semento ng sahig at inalalayan patayo saka pinagpagan ang maalikabok niyang daster.

Hawak-hawak ko ang kamay niya at parehong nagmartsa papunta sa kuwarto.

"Anak," bakas sa mata at boses ni nanay ang pagaalala. "Saan tayo titira kung aalis tayo rito sa bahay? Wala akong sapat na ipong naitabi para pang-renta man lang sana ng isang kuwarto dahil nagiging bayad utang lahat sa alak ng tatay mo." dagdag niya gamit ang nanliliit niyang boses na tila ba nahihiya saka kumamot sa ulo.

(How is Love: Book #1) Hello, Imperfect! I Fear LoveWhere stories live. Discover now