CHAPTER 5: CONFESSION

Start from the beginning
                                    

"SUS! bolero! HAHAHAHA" tawang tawang sagot ni Clarisse.

"Totoo naman ahh! ang ganda mo bagay sayo yung skirt" pambobola ulit ni Jasper.

Sa mga oras na yun sa isang bagay lang nakatuon ang isip at mata ni Jasper..... sa dibdib ni Clarisse. Playboy si Jasper kaya lagi itong may plano sa isip niya at iyon...
1st Stage: Pambobola
2nd Stage: Papogi
3rd Stage: Paglibre
4th and definitely not the least stage: Paghalik. tinatawag niya iyong 4Ps iba ito sa 4Ps ng gobyerno ahh.

Bago tayo bumalik sa usapan nina Jasper at Clarisse puntahan muna natin sina Edward at Jade.

Malapit nang matapos si Jade sa paglilinis nang biglang may kumalabog sa taas at ito ay galing sa kwarto nina Edward.

"Ed? okay ka lang!" pagsigaw ni Jade.
Nang hindi sumagot si Edward ay tumakbo agad si Jade paakyat sa kwarto nina Edward at nakita niya si Edward na nakadapa sa sahig at ito'y mukhang nilalamig.

"Ed! anong nangyare sayo?" tanong ulit ni Jade. Hinimas niya ang noo at leeg ni Edward at nalaman niyang ito ay nilalagnat kaya naman dali dali siyang bumaba para kunin ang Medicine Kit at para na rin magpakulo ng tubig para kay Edward pamahid lang sa noo at leeg nito.

"Ed, ito gamot inumin mo"
"Salamat Jade" pasasalamat ni Edward.
"Gusto mo ba ng makakain? ipagluluto kita ng lugaw kung gusto mo" sabi ni Jade. Bababa na sana si Jade para kunin ang tubig na pinakulo niya nang bigla siyang hinila ni Edward at yinakap at nagsabing...

"Jade please don't leave me again! I still love you! Don't leave me Jade! Please!" pagsusumamo ni Edward habang umiiyak.

Hindi na nakapagsalita si Jade at niyakap na lang din niya si Edward para ito ay mainitan.

Lumipas ang ilang minuto at si Edward ay nakatulog na ng mahimbing ngunit si Jade sa kabilang banda ay naluluha pa rin dahil sa mga sinabi ni Edward.

"Pasensya ka na kung iniwan kita dati Edward, pangako ko sayo di na kita ulit iiwan pa" bulong ni Jade sa sarili.

Balikan muna natin ang nangyare kina Jasper at Clarisse sa bazaar at tingnan natin kung mapa-ibig ba ni Jasper si Clarisse.

"Yun ohh!" sigaw ni Jasper dahil natamaan niya ang mga lata sa isang laro.
"Yehey!" sigaw naman ni Clarisse.
"Congratulations!, Here are your prize" sabi ng tagapalaro.
"Woah!! ang laki naman ng teddy bear na to!" sigaw ulit ni Jasper.
"Ahhm Clarisse, sayo nalang ito ohh" pahabol pa niya.
"Ah! talaga?!, Salamat!" sagot agad ni Clarisse ng may ngiti sa mukha.
"Alam mo nakakapogi sayo yang kabaitan mo!" pahabol pa ng babae.

"Yes! 2nd Stage is successful, now for the 3rd Stage" bulong ni Jasper sa isipan.
"Ahhm, Jasper?" tanong ni Clarisse na inuulit ulit pa ang pangalan ni Jasper.
"Ahh! Oo nga pala!, Clarisse gusto mo ba ng makakain?" tanong ni Jasper.

"Hindi na" magsasalita pa sana si Clarisse nang biglang tumunog ang tiyan niya senyales na gutom.

"Your mouth says no but your tummy says yes" pabirong sabi ni Jasper.

YOU'RE MY ONEWhere stories live. Discover now