Hindi ko namalayan na nakikipagtitigan na pala ako kay Enzo. Nasa entrance door siya nakatayo at nakatitig sakin. Tumingin muna ako sa paligid dahil baka iba pala tinititigan niya, napatayo ako at naglakad papalapit sakanya nang pumasok sa isip ko na ako pala tinitignan niya.

Nakatayo na 'ko sa harapan niya, hindi ko talaga alam anong sasabihin. Maski tumingin sa mata nya 'di ko magawa, grabe

"Oh, late na tayo. Tara na haha" Sabi ko. Tumingin lang ako saglit sakanya sabay iwas ng tingin na naman at naglakad paalis.

"Baka hindi ako makasabay umuwi mamaya, may dadaanan pa 'ko." Sabi ko habang naglalakad kami. Hindi pa din ako tumitingin sakanya, deretso lang ang tingin.

"E'di samahan kita." Sagot niya.

"Ha?"

"I mean, baka matagalan ako eh"

"Para namang hindi na ko nasanay?"

Napahinto ako sa paglalakad at humarap sakanya. "Bibili kasi ako ng damit na susuotin sa birthday ko" Sambit ko. Hinantay ko siyang magsalita. Syempre naman, gusto ko din na samahan niya ko pero ayoko muna sanang makita niya yung susuotin ko para surprise.

"Oh, e'di sasamahan kita"

"Wag na, para surprise yung susuotin ko"

"Walang mababago sayo kahit anong suotin mo" Prangka niyang sagot saka naglakad ulit.

"Pangit talaga ng pag-uugali mo, nyeta ka"

"Pero promise mo na lang pupunta ka" dagdag ko. Napahinto siya sa paglalakad at humarap sakin. "Malamang gaga ka ba, icecelebrate natin 'tong birthday mo ng masaya at walang problema! That's a promise, Eline"

"Goods yan lods"

At bam! Okay na kami na parang walang nangyaring awkward moments.

~
Ito unang birthday na magccelebrate ako kasama si Enzo kaya sobrang ganado ang Lola niyo today!

Nagprepare din sila mama-la ng bonga dahil alam nilang magiging memorable ito sakin. Matagal ko na kasing naikukwento si Enzo pero never pa siya nakita nila mama-la dahil never pa din siyang nakapunta sa bahay namin.

Alas kwatro na ng hapon. Nandito na halos lahat ng mga kaklase ko pero wala pa din si Enzo. Hanggang sa pinakain ko na sila pero wala pa din siya.

Nagmessage ako sakanya na nandito na mga kaklase ko pero wala, ni-hindi na read yung messages ko.

Taray 'di ba? Hindi talaga ako mahilig magbura ng convo. Anyways, pumunta ako sakanila ng gabing iyon. Imagine, 9:33pm??? Ta's ako lang mag-isa? Syempre tanga ako eh.

~
I'm still wearing my pink backless strapped split-thigh satin dress, which is Enzo's favorite color. Don't worry gaiz, I'm wearing a sweater to cover my half-body.

Anyways, nasa harapan na 'ko ng gate nila Enzo. I was going to ring the doorbell when I overheard laughter. I turned to my left and noticed Enzo not far away. He's wearing the pink v-neck knitted sweater I gave him as a birthday present.

Hinintay kong makalapit sila sa pwesto ko at marealize nilang nakatayo ako dito.

"Oh???"

"Celine?" Sambit ni Enzo nang marealize niyang tao ako at hindi statue.

Hindi ako nagsalita at tinitigan lang siya na walang ekspresyon sa mukha para marealize niyang kailangan ko ng explanation.

"Oh! I have a good news!" Dagdag niya. Napatingin ako sa babaeng katabi niya na nakasuot ng black plain fitted dress with white rubber shoes. Mukha namang matino pero hindi naman maganda.

"I've found Celine!" Masaya niyang sambit sakin.

"huh?"

He chuckled as he approached me and took my hand in his. As he continued to speak, I stared at our hands.

"Sorry talaga, Eline. Kaya 'di ako nakapunta kanina at nakapagmessage sayo kasi biglang dumating 'to Celine."

"Celine?"

"Yung kinukwento mo?" I asked as I stared into his eyes.

He nodded. "Nagulat nga ako kung paano niya nalaman yung address ng bahay namin samantalang ang tagal na din nakalipas mula nung lumipat kami dito 'di ba? Sabi niya sakin, she found an internet friend by chance, and it turned out to be an old classmate of mine." Nakangiti niyang kwento sakin.

"Tapos ayun na-meet niya din sila mama't papa kanina, tuwang tuwa nga sila eh ta's after namin, inaya ko siya pumunta do'n sa neighborhood na tinirahan namin before at do'n sa paborito naming playground"

"Ang dami namin napagkwentuhan kaya ito, inabot kami ng gabi"

"Pasensya na ta---" Hindi niya natapos ang sasabihin niya nang bumitaw ako sa pagkakahawak ng kamay niya sakin.

I faked a smile. "You don't need to explain, as long as you're okay that's fine. Pumunta lang naman ako to make sure na okay ka hahaha" I laughed awkwardly.

"Oh, Hi Celine." Pagbati ko sa babaeng 'yon at saka nagshake hands kami.

Napatitig lang ako sakanya. "I guess you're Celine, Enzo's bestfriend?" Tanong niya.

Hindi ako nakasagot dahil hindi ko maalis ang tingin ko sakanya. She looks familiar kasi, it seems na nakita ko na siya before.

"Excuse me, nagkita na ba tayo??" Tanong ko sakanya. Nawala 'yung smile niya, nakaka-offend ba yung tanong ko??

"Ha?"

"I don't think so haha" Dagdag niya.

"Ah.."

"Anyways, yes, I am Enzo's best friend." Mariin kong sambit.

"Ay, uwi na pala ako, Enzo. Anong oras na din eh.. hatid mo 'ko?" Pang-eepal na naman nung Celine.

"Nakapunta ka nga ng mag-isa, e 'di umuwi ka mag-isa" Mahinang sambit ko sa sarili habang nakatitig sa mga bulaklak na tanim ng nanay ni Enzo.

"Excuse me?" Aniya ni Celine.

"Daan ka na.."

"Ay, ha??"

"Hatid mo na siya baka mapano pa sa daan, gUnD@h pa naman" Dagdag ko.

"Oh, taray ang ganda naman ng best friend ko ngayon!" Biglang sambit ni Enzo, kala mo ngayon lang napansin.

"Matagal na ko maganda"

"Pasensya na talaga at di ako naka--"

"Ihahatid mo ba siya o magkukwentuhan lang tayo dito?" Pagputol ko pa sa sinasabi niya.

"Sabi ko nga, eto na"

"Sumabay ka na samin maglakad papalabas ng village."

"Wag na maging third wheel pa ko" Bulong ko sa sarili.

"Oh! Manong!" Sigaw ko at saka huminto yung tricycle driver.

"Sakay po?" Tanong nung driver.

"Oh pa'no, una na 'ko." Sambit ko.

"Bye! Ingat ha"

Hindi na 'ko lumingon sakanila at pumasok lang ng deretso sa loob, mamaya makisabay pa sila sa tricycle. Iyak talaga.

Book of Memories: Enzo and CelineWhere stories live. Discover now