Chapter 51

1.6K 45 3
                                    

GABRIEL MARANTAN POV

Walang araw na hindi ako pmupunta dto sa hospital. Ilang araw na din siyang nakaratay dito sa hospital. Ilang araw na din siyang natutulog. Ilang araw na siyang hindi gising. Kasabay nun ay ilang araw na din akong parang patay dahil ang hinihintay ko ay ang pagkagising niya para mabuhay ako ulit.

I also gave up my career. I'm not into it. Because all I care for now is Toffy and our baby. Ang lagi kong routine ay sasaglit muna ako sa bahay nila Toffy para bisitahin ang anak namin. Sisiguraduhing nakakain na ba o nainum na ba niya lahat ng vitamins niya. Hindi pa man siya masyadong close sa akin ay I can say that malapit na ako sa stage na yon. Alam kong konting panahon pa at makukuha ko din ang loob ng anak ko.

Habang comatose siya ay may maganda namang nangyayari kahit papano. Gaya ng pag-ayos namin ni Shane and I also explained everything sa mga magulang ni Toffy. Kaya naman siya nalang talaga ang hinihintay ko para maipaliwanag ang lahat sakanya at para maayos na namin ang family namin.

Alam na din sa bahay ang tungkol sa anak namin. Nung una ay nagtampo sila pero siyempre dahil sa kabibuhan at ka-cutan ng anak namin ay nawala naman agad ang tampo nila sa akin.

Hindi din nawawala dito ang mga barkada namin. Araw-araw silang dumadalaw at araw-araw na may dalang flowers at mga pasalubong para kay Toffy.

" wala parin tayong sign na malapit na siyang gigising. Gab...please stay strong for Toffy." Si Shane at hinawakan ang kamay ko. Nasa magkabilang side kami sa kama ni Toffy.

" no worries. I will." I gave her a weak smile.

Nandito silang dalawa ni Macgyven. Pauli-ulit din nilang sinasabi na pahinga muna daw ako. May mga nurse naman daw na nagbabantay sakanya. Pero tumanggi ako. Dahil para man lang sa ganito ay makabawi ako. At gusto kong pagmulat ng mga mata niya sa paggising niya ay ako agad ang makita niya.

"Pre...I know this is not the right time to tell this but you need to know." -Macgyven. Nag-aalinlangang magsabi sakin.

Nanatili lang akong nakatingin sakanya. Walang emosyon. Ano nanaman bang masamang balita?

"Nakatakas daw si Abby. Tumawag si SP04 Terry Rubiaco kanina para sabihin nga ang balita." Shit! Putang ina! Napamura nalang ako sa isipan ko. What the hell!? Hindi pa nagigising si Toffy ay panibagong problema nanaman!

"What the hell!? Paano nangyari yon??!" Hysterical nanaman si Shane kaya agad kaming napatingin sakanya. Dahil sabi ng Doctor ay kahit on comatose siya ay may possibility na naririnig parin niya ang paligid niya.

"Let's talk outside." Ako at nauna ng lumabas.

Agad naman silang sumunod sakin at pumasok naman ang isang nurse para magbantay sa loob.

"Ano ba!? Paano nangyari yon?? Shit naman oh!!" Si Shane nanaman agad ang nagsalita.

"Bullshit Shane!! Will you please shut the fvck up your mouth!! Lahat tayo galit dahil sa nangyari! Can you please calm down!!" Sigaw ni Macgyven na naging dahilan ng mga pagtingin sa amin ng mga nurses at iba pa . Wala akong masabi para matigil sila dahil nga iniisip ko ang pagkawala ni Abby.

Agad din namang tumahimik si shane at nagdabog na bumalik sa loob para magbantay ulit.

"Pasensya na pre. She's being paranoid. " iiling-iling na hingi ng dispensa sa akin ni Mac.

"It's okay. So pano nga daw nangyari yon? Paanong nakatakas siya kung may mga pulis na nakabantay." Simulang tanong ko sakanya.

"Yun nga. Napag-usapan na namin ng barkada yon kanina. And sabi ni Wilmer. Posible daw na may kilala ang family niyang mataas na opisyal sa loob at yon ang tumulong para makatakas siya. And sabi pa nga ng pulis kanina ay napapadalas daw ang pagkakahimatay ni Abby before siya nakatakas sa kulungan." Shit! This is really a bullshit! Napasabunot nalang sa buhok ko sa sobrang inis!

"Call the Doctor now!!!!!" Narinig naming sigaw ni Shane sa loob at agad naman kaming tumakbo para pumasok at para malaman kung ano na ang nangyayari. Sobrang kaba nanaman ng dibdib ko.

"What happened!!??" Kabadong tanong ko kay Shane.

"Oh God! Oh God!! Gumalaw na ang kamay niya Gab. Nakita ko gumalaw ang kamay niya kanina." I felt relieved sa sinabi niya.

Since the day you KISSED ME[completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon