That's how we first met.

Sa friendship na nabuo namin ni Enzo, I can say naman na hindi sya gaya ng ex bff ko. All of a person's qualities that you admire are already there in him. Even though he is drained, he is the type of person who will give it his best that's why people loves him,.. but in his heart he is alone warrior at gusto kong mabago 'yon, gusto kong marealize niya na kahit bumaliktad ang mundo- bestfriend niya pa din ako, na handang tumulong sakanya makipaglaban sa mga battles niya gaya ng pagtulong niya sakin maka-ahon sa lungkot na dinulot sakin ng ex bff ko.

Honestly, unang meet ko pa lang sakanya nagustuhan ko na siya eh lalo pa nung nalaman ko yung pag-uugali niya pero ayokong sirain yung friendship namin because of my greed. I can love him naman eh, I can date him too, tipo na ako lang may alam.

~
"Okay class. Hindi ako magtuturo sainyo ngayon, instead, magkakaroon lang tayo ng individual activity." Aniya ni Ms. Surrilleon.

"Ma'am, di ka nga nagturo may activity naman?"
"Ma'am wag na lang"
"Ano ba yan"

Kanya-kanyang reklamo 'tong mga reklamador kong mga kaklase e sila pa nga 'tong nangunguna sa kopyahan.

"Napakadali lang nito. It's a letter. Honesty letter."

"Okay, makinig kayong lahat."

"Sa kahit na anong klaseng papel kayo pwedeng magsulat. Isusulat niyo do'n yung mga napagdaanan ninyo sa buhay na ayaw niyo ng mapagdaanan pa ulit."

"At ipapaliwanag niyo din kung bakit sa papel na gagamitin niyo isinulat yung letter, kailangan ay may connection siya sa nilalaman. Naiintindihan ba?"

"Opo!" Sigaw ng mga kaklase ko.

Napatahimik ako sa sinabi ni Ms. Surrilleon, hindi ko alam kung ano ang isusulat ko.

"Oh? Ano? Di ka gagawa??" Tanong ni Enzo habang tulala ako sa papel niyang nakalagay sa table niya.

"Ah, gusto mo papel?" Dagdag niyang tanong at napatingin lang ako sakanya.

"Asa ka"

"Alam mo isa ka talaga sa mga putang tinutukoy ni Heneral Luna noon, 'no?"

"Joke lang eh HAHAHAHAHAHAH"

"Ba't kasi tulala ka? Wala kang masulat 'no? Sabagay, itsura mo pa lang halatang wala ka namang problemang dinanas" Pagbibiro niya kahit alam naman na niya kung gaano kalungkot at karaming problema meron ang buhay ko. Paano ba naman, naikwento ko na ata ang buong talambuhay ko sakanya.

"Anong wala? Makita pa nga lang kita, danas na danas ko na eh"

"Ay wow Celine Garcia, nahiya ako" Sagot niya at saka nilapag yung ruler.

"Pengeng papel, alam ko na susulat ko"

Pumilas siya at nagtanong. "Ano susulat mo?"

"Kung pa'no kita nakilala."

"Isa ka din pala talaga sa mga putang tinutukoy ni Heneral Luna noon." He said in a serious tone.

Pagkaabot niya ng papel sakin ay agad kong nilukot iyon. "Hoy gaga to, ba't mo nilukot?"

"'Di ba kailangan connected yung papel na sinulatan do'n sa nilalaman?"

"Ah, oo nga pala"

After namin magsulat ng honesty letter ay pumasok naman ulit si Ms. Surrilleon sa room. "Pass your letters to the front." Sambit niya.

"Babasahin niyo sa harapan ang letter na ginawa ninyo dito sa harapan. Bubunot ako kung sino mauuna."

"Luh, ma'am?"
"Wala ka naman pong sinabi na babasahin pala sa harapan"

"Kapag sinabi ko, magiging honest pa din ba kayo sa isusulat niyo?"

"Saka walang nagtanong sakin."

Ilang sandali ay nagsimula na ding bumunot si ma'am hanggang sa natawag na 'ko. Binigay ulit sakin ni ma'am ang letter ko at nagtanong, "Bakit lukot-lukot 'tong paper mo Ms. Garcia?"

"Kasi po gaya ng crumpled paper na nasa basurahan, gusto ko nang itapon yung memories na nakasulat sa papel na 'to."

"Good. That's what I'm saying class, connected ang nilalaman sa ginamit nyong papel."

"Okay, Celine. Proceed."

Ginagawa ko ang buong makakaya kong basahin ang letter na ginawa ko nang hindi umiiyak. Lucky, nagawa ko naman.

"Celine is right. We don't have to push ourselves to interact with those who make us feel as if we have no place in their lives. To achieve peacefulness, you must learn to let go of things and people."

"Next, Celine's bestfriend."

"Enzo"

Ibinigay ko naman ulit kay ma'am yung letter at bumalik sa upuan. Nakatingin lang ako kay Enzo pero hindi siya ngumingiti, sobrang seryoso niya this time.

Ibinigay na sakanya yung letter at nagsimulang magbasa.

Nagpalak-pakan naman ang mga tropa niyang lalaki. Never pa kasi nila/namin nakita o narinig na maging ganyan si Enzo.

Bumalik na siya sa upuan nya pero napakaseryoso niya pa din. Gusto kong itanong sino yung babaeng tinutukoy niya pero parang wala siya sa mood.

Book of Memories: Enzo and CelineOnde as histórias ganham vida. Descobre agora