After 3 hours, nag bell na din kaya naman isa-isa ng nagsi-alisan yung mga studyante kahit wala pang sinasabi yung prof namin. 

 “Hey Selena, tara na?”

 

 

“Sure.” Lumabas na din kami ng room at nag punta sa cafeteria. Unfortunately, wala na palang vacant table.. Tsk.

“Dun na lang tayo sa field kumain. You want?” I just nod at her. At pumunta na kami sa field. May nakita naman kaming kumpulan ng mga tao. Halos puro babae. Ang iingay pa nila. Yung iba sobrang lalakas ng mga tili na pati mga bakla, nakisali na ata. 

Tili pa rin sila ng tili. Daig pa nila yung mga highschooler at mga grade school. Seriously, what's wrong in this school?

“Ang ingay naman ng mga babae na yan!" 

 

 

“Haha. masanay ka na for sure, nag ppractice nanaman ang soccer team ng school natin. Kaya madaming babae ang natili. Member kasi ng soccer team yung anim na mokong.”

 

 

“Ha?” I don’t get it.

“Let's just say, campus heartthrob at it's best. Player kasi ng soccer team natin yung anim. Parker, Yael, Mike, Jeff, Saturn, and Clyde the drop dead gorgeous of them all!" Sabi niya habang may papikit-pikit pa ng mata. I'm not into stuff like that. Campus heartthrob, campus hottie, or whatever, that is so mainstream.

 

But wait.. Clyde? Saturn? Sila ba yon o kapangalan lang talaga?!

“Y-you mean, Clyde Keiden Sarossa?”

 

 

“Exactly! Kilala mo siya?”

 

 

“Err, no. Narinig ko lang somewhere yung name niya." Ayokong sabihin na kakilala ko siya. Ayokong madungisan ng kaberdehan ang pangalan ko pag sinabi kong kilala ko siya dahil kasama ko lang naman siya sa iisang apartment. No.

 

 

“Ah okay. So, silang anim ay ang sikat na member ng soccer team. Wala pang laban na natalo sila. Si Clyde ang captain nila kaya naman every time na may magaganap na laban sa ibang school, imbis yung university nila ang i-cheer nila, si Clyde at ang university pa natin ang chini-cheer nila.”

 

 

“Ohh..” Kaya naman pala ang hambog at yabang nung perv na yon. Sikat pala siya. No wonder. Lumakad naman na kami para humanap sana ng spot para maka-kain na kami. Hindi ako interesado sa mga ganyang klaseng laro.

My Pervert Roommate (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon