The Game Changer Chapter 4

Magsimula sa umpisa
                                    

DArn it!! 

I groaned internally dahil umiinit na ang pakiramdam ko.  

Ang sama ng reaksyon ng katawan ko, dapat ko na talagang maakit ang babaeng to para matapos nato, hindi ko na to gusto.  

Sobrang gusto ko siyang maikama, na kahit isang tingin pa lang sa kanya at kahit medyo negative ang sinasabi niya nag iinit pa rin ang katawan ko sa kanya.

"Hoy Ayala! Anong tinatayo tayo mo diyan?" natatawang sigaw nito saken.

Langya! Sinigawan ako?? ang hot tol!! Grabe!!

"Pwede akong pumasok?" tanong ko pero sa totoo lang naglalakad na ako papasok sa gate nila.

"Nagpaalam ka pa eh pumapasok ka na.." sabi nito na nakatayo pa rin dun.

"Hi Zane.." sabi nung babae pagdaan ko sa tapat nito.

"Hello beautiful..." kinindatan ko siya.

"AAAAAAAAAAAAAh!!!" yun lang ang sagot nito.

Nung nasa tapat na ako ng apartment ni Chelsea ay tiningnan niya ako na parang sobrang disgusted. Bakit ganun siya makatingin? PArang ayaw siya sa existence ko.  

Hey Chelsea, I am a Food for your eyes , wag kang ganyan.

"Narealize mo na ba na sobrang gwapo ko pala at dapat ay binigay mo ang number mo saken kagabi nung hiningi ko..?"

"Hahahaha.. ganun yung naisip ko kanina, ekaskto! ganung ganun pero nung sinabi mo yan ngayon nagbago na ang isip ko.. tama nga na hindi ko binigay." natatawang sabi nito.

 (._. )

Ayan Zane!!! Magsalita ka pa!! Sige pa!

"Pwedeng magpretend ka na lang na hindi mo narinig yung sinabi ko?"

"Im not so good in pretending Mr. Ayala.." sabi nito.

"Ouch.. minus pogi points yun.." napangiwing sabi ko.

"Bakit? may pogi points ka bang naipon?"

"Wala ba?"

"Ambisyoso..." sabi nito tapos ay tumawa.

"Salamat sa paghatid sa kotse ko a.. magkano?" sabi nito.

"Libre na lang at.. teka..Seryoso ka? hindi moko papapasukin?" hirit ko.

"Hindi! kasi, kagabi... may balak kang kidnapin ako.. sinong matinong tao ang magpapapasok ng kidnapper sa bahay niya...?"

"Ahmm.. hindi na ako kidnapper ngayon tsaka kagabi naman inuwi kita ng buo ah.. walang biglang likong nangyari.. Good boy. Harmless.." sabi ko na nagpatawa naman dito.

"Hmm.. mag iisip lang ako ah..." nag iisip na sabi nito.

Kakaiba talaga tong babaeng to, isang Zane Mikel Ayala, ayaw niyang papasukin sa bahay niya??  

No hormones!!  

No lust!!  

Nothing at all.

Therefore I conclude: She's not a girl!

At nag dadalawang isip pa siya ngayon ah?

"Gusto mo ba maglatag na ako ng picnic cloth dito habang nag iisip ka diyan? tapos magkape na ako? how bout that? good idea right?"

She chuckled at the thought.

"Dahil hinatid moko kagabi at hinatid mo ang kotse ko ngayon tapos libre pa ang pagpapaayos.. at isa pa, mukhang manganganib ang buhay mo kung magtatagal ka pa diyan sa labas..so,sige.. pasok ka.. napakawalang modo ko naman kung hindi kita papapasukin."

The Game Changer  ~COMPLETE~Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon