Driver parin si Jin at katabi nya si Raven. Sa sunod na row ay si Vincent, Jungkook at Jimin at dito sa huli ay si Stephen, ako at Jimuel. 

Kahit na maingay sila Jungkook dahil sinasabayan nila yung kanta sa radyo ay parang ang tahimik dito sa kinauupuan ko. Parehong tahimik si Stephen at Jimuel kaya naman hindi din ako makapag-ingay. 

Nakatingin lang sa labas si Jimuel samantalang si Stephen naman ay nakaheadphones at nakapikit. Hindi ko tuloy alam kung anong gagawin ko, parang may tension na nagaganap sa pagitan nila. 

Tumayo ako sa kinauupuan ko tapos kinalabit si Vincent. Sya kasi yung nasa gitna nila kaya sya agad yung naabot ko.

"Pwedeng mahiram yung cellphone mo?" tanong ko sa kanya. Minsan ko na kasing nahiram yung cellphone nya at madaming kantang magaganda doon. Iaabot na sana ni Vincent yung cellphone nya ng bigla pumereho ni Jin kaya muntik na akong matumba. Buti na lang at naalalayan ako ni Stephen. 

Hinawakan nya ako sa bewang at inalalayan nya ako umupo ng maayos. Nagtanong naman sila kung ok lang ba ako at nagsorry si Jin sa biglaang pagpreno. 

"Be careful" sabi ni Jimuel at hinawakan na naman yung kamay ko. Tumango na lang ako kasi nakakahiya. Naman ang clumsy ko talaga! 

Tumingin na lang ako ng diretso. Bakit ba kasi ako sumama dito? Dapat lakad nilang magkakabarkda to eh.

Hanggang sa makarating kami ng pupuntahan namin ay hawak ni Jimuel yung kamay ko. Tinary kong bawiin kaso mas hinihigpitan nya lang. Nakakahiya nga kasi namamawis na yung kamay ko kakahawak nya, laki ba naman ng kamay. 

"Tara dun tayo!" turo ni Jin dun sa isang amusement Park na ang pangalan ay Sky Ranch. Pumasok kami ron at tinary namin lahat ng Rides. Ang saya nga eh, first time ko sa gantong amusement park hanggang perya lang kasi ako. Chubibo ba? 

Napagpasyahan nilang sumakay sa roller coaster. Aayaw sana si Jungkook kaso inasar syang bakla ni Vincent ayun nauna pa sa aming sumakay. Dapat katabi ko si Jimuel dun kaso inunahan sya ni Stephen kaya si Jimin yung katabi nya. Bago umandar yung roller coaster ay tumingin ako kay Stephen, parang hindi naman sya natatakot kahit mataas to pero parang malungkot sya. Hindi ko alam pero may mag-uudyok sa akin na hawakan yung kamay nya, kaya ginawa ko. Hinawakan ko yung kamay at napatingin sya sa akin. Nginitian ko sya, wala naman syang tungon pero gumaan yung pakiramdam ko. Buong ride ay hawak ko yung kamay nya, hindi din naman nya binitawan. 

Halos lahat kami ay mapangiwi ng pagkababang-pagkababa namin ay naghanap ng basurahan si Vincent at sumuka. Hindi nya ata kinaya yung Roller Coaster. Tinawanan naman sya ni Jungkook pero maya-maya ay sumuka rin ito. Grabe kalalaking tao eh. 

Pagkatapos ng suka session nila ay nagyayayang kumain si Raven kaya naghanap kami ng makakainan. 

Pagkatapos naming kumain ay pumunta kami sa Picnic Groove at umupo sa mga damuhan dun. Kung ano-ano pinaggagawa nila. Kumuha rin sila ng mga litrato para remembrance daw. 

Alas kwatro na ng mapagpasyahan nilang sumakay ng kabayo. Kanya-kanya silang sakay, hindi naman ako sumakay kasi natatakot ako. Baka mahulog ako eh. Pinilit nila ako pero ayoko talaga. Nanood na lang ako kung paano magkarerahan sila Jungkook at Vincent, pinagalitan pa nga sila nung nag-aalaga ng kabayo. Bawal daw yun. 

Nandito ako sa may tabi ng puno ng maramdaman kong may tumabi sa akin. Nakita ko si Stephen na nakalagay yung dalawa nyang kamay sa bulsa ng pantalon nya at nakatingin sa akin. Parehas pa rin kami ng damit. Hindi ko tuloy maiwasang maisip na baka isipin ng ibang tao na couple kami dahil sa suot namin.

"Bakit di ka sumakay?" tanong ko sa kanya pero di sya sumagot. Tsaka ko lang naalala, naiwan nya sa loob ng van yung sketchpad nya. Hinawakan nya yung kamay ko tapos hinila dun sa sakayan ng mga kabayo. 

Sumakay sya dun sa isang puting kabayo habang ako nandito sa may gilid. Nung makaupo na sya ng maayos ay inilahad nya yung kamay nya sa tapat ko. Umiling ako, ayoko talagang sumakay eh. Actually may phobia ako, nahulog na kasi ako noon sa kalabaw namin sa probinsya. Oo, pinasakay kasi ako ng pinsan ko pero malikot ako kaya nahulog ako. Ayun natakot na akong sumakay sa mga hayop. 

Nagulat ako nung bumaba sya at hilahin ako papalapit sa kanya. Hinawakan nya yung kamay ko at pinatungtong ako dun sa maliit na hagdan para mabilis maka-akyat. Nakaramdam ako ng kaba. Ayoko ko talaga.

"Mam apak po kayo dito" sabi ni Kuya at tinuro pa yung lagayan ng paa kapag nakasakay ka ba sa kabayo. Tumingin ako kay Stephen at tumango sya. Kahit nagdadalawang isip ay ginawa ko at nakasakay naman ako ng maayos. Sabi ni kuya humawak daw ako dun sa tali sa unahan, kaya ginawa ko. 

Sunod ay nasumakay din si Stephen doon na may likuran ko. Ramdam ko yung init ng katawan nya lalo na ng hawakan rin nya yung tali sa may unahan namin. 

Pinalakad ni Kuya yung kabayo, nagpanic pa nga ako nung magsimula sya gumalaw pero inilagay ni Stephen yung baba nya sa balikat ko. Para tuloy yakap nya ako. 

"Don't worry I'm here" sabi nya. Eto na naman sya sa pagsasalita nya.

Patuloy lang yung kabayo sa paglalakad samantalang ako para tuod dito dahil hindi ko alam kung ano yung nararamdaman ko. Ganun pa rin kasi yung posisyon namin ni Stephen. Dagdag mo pang narinig ko na naman syang magsalita.  Ang bilis ng tibok ng puso ko at sa tingin ko ramdam nya yon. 

"I like this Dana, let's just stay like this for a while " sabi nya tapos mas inilapit nya yung katawan nya sa akin tapos humigpit yung pagkakahawak nya dun sa tali. Yakap na nya talaga ako.

----------------------------------

#CALLMEBABYFIRSTWIN

Everything Has ChangedWhere stories live. Discover now