5

15.8K 404 1
                                    

Hinayaan ko si Mila na siya na lang mag-isa ang mag-ayos ng pag eenroll ko. Sinabi ko sa kanya na pupunta lang ako ng cafeteria dahil bigla akong nakaramdam ng gutom. At since wala akong cellphone, kabilin-bilinan niya na huwag na huwag akong aalis dahil dito niya ako sa cafeteria pupuntahan. Huwag na raw akong gumawa ng kung anong kalokohan dahil it will not do me any good!

Pagpasok ko pa lang pansin ko na agad ang mga tinging ipinupukol sa akin ng mga kapwa ko estudyante, babae man o lalaki. Pero sanay na rin naman ako kaya binabalewa ko na lang ito.

Pero napakunot noo ako at napuno ng pagtataka dahil sa babaeng bigla na lang sumalubong sa akin at umangkla pa sa braso ko.

"Hi, Aly! Its been a long time!"

I don't know her but she knows me. How come?! "A-Ah M-Miss s-sandali. Do I happen to know you?" Pinigilan ko siya saglit sa tangka niyang paghila sa akin at marahang tinanggal ang pagkaka kapit niya sa aking braso.

Huminto naman siya at hinarap ako. But this time iyong kaninang ibinigay niya sa aking killer smile ay naglaho at napalitan ng nakataas na kilay. Nagcross arm pa siya. "So now you don't remember me, huh?!" She said sarcastically.

Lalong lumalim ang gatla sa noo ko dahil sa tono ng boses niya. "I'm sorry, but I don't think we've met before. You must be mistaken me for someone." Mahina kong sabi. Napakamot pa ako sa ulo ko at pilit kong inaalala kung saan ko siya nakita. But somehow, she looks familiar.

"You're Alyssa Valdez, right?!" Parang nag uumpisa na siyang mainis dahil sa nakikita niyang reaction galing sa akin.

"Oo ako nga yon." Nakakunot ang noong sabi ko. "Pero kasi, baka kilala mo lang ako dahil medyo kilala na rin naman talaga ako dahil naglalaro ako ng volleyball." Hindi ko naman intensyong magmayabang, pero may mangilan-ngilan na rin naman talagang nakakakilala na rin sa akin, sa amin nina Vic dahil naglalaro kami ng volleyball. At kahit paano naman ay magaling kami sa sports na yon.

"Wow! Akalain mong ang tatahi-tahimik na tulad mo ay may kayabangan na rin palang itinatago!" Mataray na sabi ng babae. Infairness maganda siya ha! Kaya lang napasobra naman ata ang katarayan niya. Pero parang kani-kanina lang ang sweet niya sa akin, ngayon parang nag-iba ang ihip ng hangin! May saltik ata sa ulo ang babaeng ito! "Oo nakilala nga kita sa paglalaro 'natin' ng volleyball!" Binigyang-diin niya talaga ang salitang 'natin' para ipamukha rin sa akin na kilala rin siya at katulad ko na naglalaro rin siya ng volleyball. But how come I don't know her. "And we've been introduced before!"

"Talaga?!" Pero bakit hindi ko siya matandaan? Saan? Saka kailan? "Sorry, Miss pero short term memory lang kasi ang meron ako, kaya hindi ako matandain." Nahihiya kong sabi.

Pero parang na-misinterpret niya ang sinabi ko at iba ang naging dating sa kanya dahil sinamaan niya ako ng tingin. "Ang feeling mo naman! Ako si Dennise! Dennise Michelle Lazaro!" Pakilala nito sa kanyang sarili pero hindi niya ineextend sa akin ang kamay niya for a handshake. "And from this day on, hinding-hindi mo na malilimutan ang pangalan at ang mukhang ito!" Hindi lang siya mataray, umaapaw din ang self confidence niya. Eh di lalo na pala ito kung tumangkad pa siya ng kaunti!

"Okay." Wala na akong ibang maisip na sabihin. Hindi naman kasi ako nagpunta dito sa cafeteria para magpakilala sa kung sino-sino lang. Nagpunta ako rito para kumain dahil talagang ginugutom na ako. "Nice meeting you, Den." I smiled at her bago ko siya tinalikuran at naglakad patungo sa unahan kung saan naroon ang mga pagkain.

"Wait!" Maagap akong napigilan ni Den sa aking mga braso. Tiningnan ko ang kamay niyang nakahawak sa braso ko.

Mabilis ko namang tinanggal ang kamay nya sa pagkakahawak niya sa braso ko dahil mukhang wala siyang balak bumitaw kahit pa nga sinamaan ko na siya ng tingin at parang may kakaiba akong naramdaman sa simpleng pagdidikit ng aming balat. "What do you really want Dennise?!" I'm starting to lose my patience. "Bakit hindi mo na lang ba deretsuhin ang gusto mong sabihin?!" Napipikon na ako at talagang ramdam ko na ang pagsasalubong ng mga kilay ko. Siguro dahil na rin sa gutom.

Make it Right!Onde histórias criam vida. Descubra agora