2

20.9K 376 1
                                    

"Aly ano nag eenjoy ka ba?" Tanong sa akin ni Kim habang iniaabot sa akin ang isang shot glass.

Narito ako sa bar kasama ang mga kaibigan ko. Sina Kim, Mika, Bang at Vic. Noong mapunta ako sa poder ni Daddy, agad din niya akong inilipat ng ibang school. At sa private school na nalipatan ko nga nakilala ko sila. They're the best ever friend I've ever had. Hindi naman kami puro gimik o kalokohan, kung tutuusin matatalino nga rin sila. Siguro dahil na rin sa may kanya-kanya kaming pinagdadaan tungkol sa mga pamilya namin kaya paminsan-minsan nakakaisip kaming gumawa ng kalokohan. But we're not that bad. Since may isang sport din naman kaming kinakahiligan. Ang volleyball.

"Are you sure hindi tayo mahuhuli nito?!" Medyo kinakabahan ako. Birthday kasi ni Vic ngayon at pinilit niya kaming dalhin sa bar na ito. Kahit minor, pinapasok pa rin kami dahil may kakilala raw rito si Mika.

May naramdaman akong humampas sa may bandang likuran ko. "Don't worry, hindi naman tayo gagawa ng kalokohan eh! Iinom lang naman tayo ano ka ba!" Ang lapad ng ngisi ni Mika. Medyo namumula na ang mukha nito.

"Bakit?! Kinakabahan na naman iyang si Baldo!" Singit naman ni Bang. Nakaangkla ang kamay nito sa braso ni Vic na hindi mapunit ang ngiti sa labi. Galing ang mga ito sa dance floor at mukhang pagod na kaya lumapit na ulit sa pwesto namin.

"Hindi ah!" Mabilis kong tanggi. Ininom ko ang hawak-hawak kong baso na may lamang alak. Napangiwi ako dahil sa pait.

"Hindi raw?!" Halos sabay-sabay pang nagsalita sina Bang, Kim, Mika at Vic! Sabay-sabay din silang nagtawanan. Yeah we all have strict parents, pero alam nilang lahat na mas malupit ang sa akin. Alam nila kung gaano ako katakot kay Daddy.

"Don't worry, sama-sama tayo, Aly!" Sabi ni Mika at sumandal pa sa balikat ko. Ganyan talaga iyang si Mika, napaka clingy.

"Oi Mika baka iba na yan ha!" Kantyaw naman ni Kim.

"Sira! Palibhasa puro kahalayan ang laman ng utak mo!" Mabilis na sagot ni Mika. "Medyo nahihilo na kasi ako!"

Mabilis ko naman siyang hinawakan sa dalawang pisngi at pilit pinatingin sa akin. "Are you okay? I'll bring you home if you want?" Concerned kong sabi.

"Sweetness overload!" Sigaw na naman ni Kim.

Halos sabay pa namin siyang binatukan ni Mika. "Ang dumi ng utak mo!"

"Kaya nga!" Sang-ayon ni Mika. Sa buong grupo, kay Mika talaga ako pinakaclose. Parehas kaming medyo tahimik at nagkakasundo sa lahat ng bagay. Sa kanilang apat siya ang mas higit na nakakakilala sa akin. She knows me too well. Alam kong kapatid lang ang turing niya sa akin at ganoon din naman ako sa kanya.

"O sya, tama na yan!" Saway ni Bang na hindi pa rin bumibitaw kay Vic. Minsan hindi ko maintindihan itong dalawang ito! Minsan sweet minsan grabeng magbangayan. But one thing's for sure, alam kong mahal nila ang isa't-isa kahit pa nga puro kalokohan itong si Vic. "C'mon let's just have one last drink and get out of here!"

"Hell yeah!" Sigaw naman ni Vic at humalik pa sa pisngi ni Bang.

 Sabay-sabay kaming lumapit sa bartender at umorder ng tig-iisang tequilla.

"To Vic na palagi na lang tayong hinihila at idinadamay sa kanyang kalokohan!" Nakataas ang baso ni Kim at nakangisi. "Happy birthday!"

"Gago!" Sabat ni Vic pero nakangiti.

Itinaas ko rin ang aking baso. "Kay Vic na pumatid sa akin noong unang araw ng pasukan dahil inaagaw ko raw sa kanya si Bang!" Kantyaw ko! "Happy birthday!"

Make it Right!Where stories live. Discover now