“Habang mahal mo ang isang tao, kumilos ka… Wag mong hayaang dumating ang isang araw na magsisisi ka dahil wala nang pag-asa… at sasabihin niya sayong… “sayang, hinintay pa naman kita…”
Minsan ko nang sinubukan magparinig sa pamamagitan ng isang status message.
Minsan na akong naging masaya nang dahil sa quote na ito.
Dahil minsan nakakilala ako ng lalaking magmamahal sa akin ng totoo…
Kaso nagkamali ako…
Hindi sa lahat ng panahon, puro parinig ang magagawa mo. Hindi laging ikaw yung maghihintay na bigyan ka ng effort…
Dahil minsan kailangan ikaw mismo ang kumilos para sa taong mahal mo, para ipakita mo sa kanya kung gaano mo siya kamahal.
Bakit mo sinasayang ang oras mo kakaparinig? Bakit di mo simulan kumilos ngayon?
Ngayon na…
Bago niya sabihin sayo…
“Sayang, hinintay kita…”
I waited for him.
Mali pala.
Dapat pala ako yung kumilos.
Because this is our love story…
Ito ang aming love story na nagsimula…
… at nagtapos sa isang STATUS MESSAGE.
***
A/N: Disclaimer: Hindi po ako ang gumawa ng love quotes na ginamit sa story na ito. Nakita ko lang po yan sa text message. :)
Sana po may natutunan kayo sa story na ito.
Thank you po sa pagbabasa!
bittersweet24 ♥
***
Para kay X. Ang kwento pala natin ay nagkasya sa isang one-shot. Sing-igsi ng one-shot.
YOU ARE READING
It Started With A Status Message
Teen Fiction(One Shot) Ito ang aming love story na nagsimula sa isang status message.
