“Habang mahal mo ang isang tao, kumilos ka… Wag mong hayaang dumating ang isang araw na magsisisi ka dahil wala nang pag-asa… at sasabihin niya sayong… “sayang, hinintay pa naman kita…”
*post*
SHEEEEEEEMSSSSSSSS!!!
Nanginginig kong kinclick yung POST button sa Facebook.
SHEEEETTTTT Kinakabahan ako!!!
Bakit nga ba ako kinakabahan?!
Normal lang naman sa akin ang magpost ng mga kung ano anong status message sa FB.
Katulad ng…
“Kakatapos lang kumain guysssss! Anong ulam niyo?”
O kaya…
“SHEEEEEMSSS KILIG AKO KAY SIR CHIEF!!”
Pero ngayon?
Iba kasi eehhhh! Pihadong kakabahan ako!!
Bakit nga ba?
Kasi uh… ito ang first time na magppost ako ng status message para magparinig. Magparinig? Para naman kaya kanino?
Ryza Camille Toledo likes your status.
Yesssss! Nilike na ng best friend ko!
Ryza Camille Toledo: Para kanino naman yan? ALAMS NA XD
Pahamak talaga tong best friend ko kahit kailan! Alam naman kung para kanino yan eh!
At… Andami pang naglike! Halos lahat yata ng mga kaklase ko!!
Sinagot ko muna ng comment yung bestie ko.
Jam Casimiro: Kailangan may pag-aalayan agad? Di pwedeng natuwa lang ako sa quote?!
Tuloy tuloy pa ang paglike. Caitlin likes your status… Karen… Jessica… Pamela… likes your status.
Ay bakit ganun? Yung taong hinihintay kong mag-like di man lang pinansin. Eeeehhh… Online naman siya sa chat ah? Hmph, bakit nga ba nun ako papansinin? Kalungkot naman :(
Idedelete ko na nga yang status ko…
Joshua David Maniago likes your status.
SHEEEEEEETTTTTTTTTTTTTT!
Halos mapatumba ako sa kinauupuan ko!! At naibuga ko pa yung iniinom kong juice!! Buti nalang di tumama sa computer!! Kaso ang lagkit na ng damit ko huhuhu
YOU ARE READING
It Started With A Status Message
Teen Fiction(One Shot) Ito ang aming love story na nagsimula sa isang status message.
