Mahilig ka ba magpost ng status message sa Facebook?
Mahilig magkwento tungkol sa araw mo?
Katulad ng…
“Kakatapos lang maglunch. Sarap ng sinigang ni Mama! Anong ulam niyo?”
O baka naman nagrarant ka?
Katulad ng…
"ANG HIRAP NG PHYSICS EXAAAAAAAM!!!”
O kaya…
“Sobrang stress. Can somebody take me away from here?”
Sa araw araw na nagllog in-log out tayo sa Facebook, mahilig tayo magpost ng status message diba?
Bakit nga ba? Para saan?
Para magpapansin?
Para magkuwento sa buhay natin?
Baka naman dahil wala ka lang magawa?
Pero naranasan mo na ba magparinig?
Magparinig gamit ang isang hamak na Facebook status message?
Ako kasi oo…
At hindi ko alam na ang status message na ito ang babago sa buhay ko…
Dahil ito ang love story namin na nagsimula…
Sa isang STATUS MESSAGE.
YOU ARE READING
It Started With A Status Message
Teen Fiction(One Shot) Ito ang aming love story na nagsimula sa isang status message.
