Naging busy kasi ako ng sobra. May retaining grade kasi kami at halos ikamatay ko na kakaiyak ang sunod sunod na bagsak ko sa mga exam ko. Naging busy din ako sa org at sa iba’t ibang activities.
Si Dave, mahal ko pa rin naman siya. Hindi naman mawawala yun. Mahal niya rin ako, nararamdaman ko yun. Napapadalas nga lang ang away namin. Siya lagi ang umiintindi sa akin kapag busy ako.
Pero dumating din siya sa boiling point niya…
Tinanong niya kung mahal ko pa daw siya. Kasi kung mahal ko siya, bibigyan ko siya ng panahon kahit konti lang. Sabi ko mahal ko siya, kailangan ko lang magfocus sa studies.
Kaya nagfocus ako. Naguusap pa rin kami paminsan pero hindi na ganung kadalas. Minsan, ilang linggo na rin kami di naguusap. Naiintindihan din naman niya ako diba? Mahal niya ako kaya alam niyang mahalaga sa akin ito diba? Takot ako mawala sa course ko eh.
At natapos din ang sem…. WOHOOO RETAIN AKO SA ACCOUNTANCY!!
Tapos na ang sem. Pero bakit hindi na nagparamdam sa akin si Dave? Walang tawag, walang text?
Anong nangyari dun? Kung mahal niya ako, diba dapat magpaparamdam siya sa akin? Diba babatiin niya ako ng congratulations dahil pumasa ako?
Pero wala ni isang text o tawag. Kung mahal niya ako, kikilos siya. Nandito pa rin naman ako, mahal ko pa rin naman siya eh.
Kaya nagpost ako sa FB.
Ang favorite quote ko.
“Habang mahal mo ang isang tao, kumilos ka… Wag mong hayaang dumating ang isang araw na magsisisi ka dahil wala nang pag-asa… at sasabihin niya sayong… “sayang, hinintay pa naman kita…”
*post*
Sana ilike niya. Sana ilike niya.
Magpaparinig ako… para naman kumilos siya!! Ang tagal ko kayang hinintay matapos ang sem para lang magkaroon ulit kami ng time!
Scroll scroll down lang ako sa newsfeed ko… Nang…
SH*T.
Nabasag ang puso ko.
Joshua David Maniago is in a relationship with Carmen Lagasca.
Sino naman ito?!!!!
Totoo… totoo ba to…
Paano na kami? </3
Anong nangyari?
Dali dali ko siyang sinendan ng message sa FB.
“Dave. Magkita tayo bukas. 3pm. Sa tambayan natin.”
Aalamin ko ang lahat.
ANO BANG NANGYARI?!
***
Hindi niya ako binigo. Nandun siya sa tambayan ng 3pm.
At anong sumalubong sa kanya?
Isang malaking sampal galing sa akin!
“Para yan sa pag-iwan mo sa akin! Sa pakikipagbreak mo nang bigla! Aba eto ako mahal pa rin kita! Hinintay ko matapos ang buong sem para maging magkasama tayo tapos eto?! HA?! Malalaman kong may bago ka nang relasyon? Ano yung sa atin lokohan?!”
He smiled sheepishly at me habang ako iyak ng iyak.
“Habang mahal mo ang isang tao, kumilos ka… Wag mong hayaang dumating ang isang araw na magsisisi ka dahil wala nang pag-asa… at sasabihin niya sayong… “sayang, hinintay pa naman kita…”
“Jam… Hinintay kita…
“Hinintay kong gumawa ka ng paraan para magkita tayo, para magkasama… Pero anong nangyari? Puro acads. Naiintindihan ko naman eh, syempre priority mo yun. Ako din naman eh. Kaso paano tayo? Jam, ginawa ko yung best ko. Tinawagan kita pag may oras ako, pinuntahan, dinalaw, pero Jam… hindi sa lahat ng panahon ako lang ang gagawa ng effort. Sana ikaw din, sana kumilos ka din… Ikaw yung busy, sana sinubukan mong abutin ako… Kasi nandito lang ako naghihintay sayo…”
Wala akong masabi.
Dahil totoo lahat ng sinabi niya…
“D-Dave… Is it too late? H-Hindi mo na ba ako mahal?”
Ngumiti siya sa akin at pinunasan ang luha ko na patuloy na dumadaloy sa mata ko.
“Mahal kita, hindi naman mawawala yun, Jam eh. Pero…
… Mahal ko na siya. I’m sorry. And goodbye.”
Wala akong nagawa kundi ang umiyak ng umiyak… dahil alam kong wala na siya… at hindi na siya babalik kahit kailan.
YOU ARE READING
It Started With A Status Message
Teen Fiction(One Shot) Ito ang aming love story na nagsimula sa isang status message.
It Started With a STATUS MESSAGE
Start from the beginning
