Ngumiti lang siya sa akin at hinalikan ako sa noo.
“Beh, mahal na mahal kita. Hindi yan mangyayari. Pagsubok, oo maraming darating. Magaaway tayo, magkakatampuhan, magkakagalitan… pero sa dulo ng araw, tayo pa rin naman ang magpapasya kung saan tayo magiging masaya diba? Dahil at the end of the day, it’s all about us. Tayo pa rin. At gagawin ko ang part ko para panindigan ito. Dahil alam kong malayo ang patutunguhan nating dalawa.”
Tumulo ang luha ko sa saya… Hindi ko akalaing may lalaking darating para mahalin ako ng totoo.
“Salamat Beh.”
“May graduation ba ang relationship? May time limit ba? Sinong nagsabi nun?”
Tumawa lang kami pareho.
Alam kong masaya kaming dalawa.
Tama siya, malayo ang patutunguhan ng relasyon na to.
Panghahawakan ko ang sinabi niya.
***
College.
Isang kakaibang mundo na pinasok namin.
Maswerte kami dahil magkapareho kami ng college na pinasukan. Yun nga lang, magkaiba ng course. Accountancy ako samantalang siya Engineering. Parehong mataas ang pangarap. Kita naman nung high school diba? Valedictorian ako, siya honorable mention.
Kahit lumalove life kami, hindi namin nakakalimutan na we are first students before we are lovers. Kaya okay lang.
Masaya kami lagi. Kung saan saan kami kumakakain sa college. Iba iba kasi pwedeng kainan! Date dito, punta diyan! Attend ng ganitong event, etc. Pero minsan minsan nalang kami nagkikita dahil magkaiba kami ng schedule. Pero okay lang, para mamiss na rin namin ang isa’t isa.
Masaya kasi nasshare namin ang differences namin. At stress relief namin pag magkasama kami… Relax lang XD
Pero…
Sa una lang pala ang lahat.
College na kasi. Ibang iba ang college sa high school.
Maraming pwedeng makilalang bago. Maraming pwedeng pagselosan. Papasok din sa isip mo, paano kung may mas okay pa kaysa sa karelasyon ko ngayon? Paano kung I deserve better?
Busy sa college. Andyan ang mga orgs, mga activities at syempre ang walang kamatayang acads. Sa una, intindihan nalang eh. Anong magagawa namin? Estudyante kami diba? Pero sa tagal, maiinis ka nalang. Kasi nawawalan na ng time sayo.
Yan ang nangyari sa amin. O dapat ko bang sabihin sa akin lang?
KAMU SEDANG MEMBACA
It Started With A Status Message
Fiksi Remaja(One Shot) Ito ang aming love story na nagsimula sa isang status message.
It Started With a STATUS MESSAGE
Mulai dari awal
