It Started With a STATUS MESSAGE

Magsimula sa umpisa
                                        

“D-Dave… Para sayo talaga ang status na yan. Dahil matagal na kitang hinihintay… Hindi ko maiwasang mahulog sayo. Masakit nga eh dahil sa tuwing magkasama tayo laging pangalan ni Kenzie ang sinasambit mo… Pero ngayon, salamat…

Maraming salamat sa nararamdaman mo Dave…

Mahal na mahal din kita, Joshua David Maniago.”

***

“You’re sweet, you’re kind, you’re nice… you’re everything I wanted! And when people ask me why I chose you, I just look back at them and say, you would never understand unless you have her.

I’m happy to have you, Jam Casimiro. I love you baby.”

KILIIIIIIIGGGGGGG! Yan ang status message niya sa first monthsary namin :)

Oo, naging kami rin pagkatapos niyang manligaw ng ilang linggo. Mahal naman namin ang isa’t isa, kailangan may ligaw ligaw pa? HAHA XD

Masaya ako sa piling niya. Ilang buwan nalang ang high school at sobrang saya ko! Sa natitirang araw ng high school, nilubos lubos na namin! Date dito, gala diyan, yakap dito, halik diyan, lahat na! Dahil alam namin magbabago ang lahat pagdating ng college. Pero sa ngayon, masaya akong  kaming dalawa.

Dahil mahal ako ng taong mahal ko. Sa wakas, naramdaman ko din yun. Salamat na rin sa status message na yan.

At hanggang ngayong graduation namin, inaalala ko pa rin ang mga status message niya sa FB na sinasabing mahal niya ako.

Oo, kakatapos lang ng graduation namin ngayon. HAH! Valedictorian ako! XD

Magkasama lang kami ng Dave ko ngayon. Nakatambay kami sa covered court habang pinapanood yung mga classmates namin na nagpipicture picture. Alam na nga pala ng parents namin na kami pero okay lang naman. Basta studies muna daw :)

At tinanong ko sa kanya ang isang tanong… na matagal ko nang hinahanapan ng sagot.

College. Ano na mangyayari sa amin?

“Beh. May gusto sana akong itanong sayo… Itutuloy pa ba natin ito?” Nag-aalangan kong sagot sa kanya.

Kumunot ang noo niya.

Pareho kami ng school na papasukan. Ang galing nga eh ano! Pero magkaiba kami ng course. Yung course kasi niya ginaya lang niya dun sa ex-girlfriend niya. Buti nalang di nakapasa sa school namin! Haha XD

“Anong ibig mong sabihin, beh? Itong relationship natin? Bakit, ayaw mo na ba?” Pag-aalala niyang tanong.

“Ah hindi. Ano kasi… syempre, college na tayo. Marami nang darating na pagsubok sa atin. Baka may makilala kang bago, baka maging busy ka, baka makalimutan mo na ako…”

It Started With A Status MessageTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon