It Started With a STATUS MESSAGE

Start from the beginning
                                        

“Uh… Jam. Pwede ba tayo mag-usap? Sa labas sana ng classroom.” Seryoso niyang sabi. Ano bang nangyayari?

Wala na akong ibang nagawa kundi sumunod sa kanya palabas. Dun kami sa parang terrace sa labas ng classroom. Alam niyo yun? XD

Tahimik lang kami sandali ng narinig ko siya bumuntong hininga. Nakakabaliw ha. Ano ba talagang problema? Tatanungin ko na sana kung anong problema nang-

“Jam… May gusto sana akong sabihin sayo…”

Dugdug. Dugdug.

Naririnig ko na ang kabog ng puso ko. Kinakabahan ako.

“Sa totoo lang, ngayon lang ako nagkaroon ng lakas ng loob na gawin ito. Hindi ko inexpect na mangyayari sa akin to. Kasi ngayong fourth year lang tayo naging magkaclose diba? Tapos mahal ko pa nun si Kenzie. Then you’ve seen me at my worst, you’ve seen me wasted. Kaya anong karapatan kong magsabi sayo ng nararamdaman ko? Wala naman akong ginawang mabuti kundi ang pahirapan ka na tulungan ako magmove on…

“Pero hindi eh. Habang tumatagal, hindi ko na kayang pigilan ang nararamdaman ko. Nung una, sinubukan kong pigilan kasi magkaibigan tayo… at hindi pa ako nakakamove on sa kanya nun. Baka isipin mo panakip butas ka lang…

“Pero nung isang gabi, nakita ko yung status message mo. Para kanino kaya yun? Pero hindi yun ang inisip ko. Kasi tinamaan ako sa message ng quote. Paano kung hinihintay mo din pala ako? Tapos dumating ang isang araw na sumuko ka na? At sabihin mo sa akin… “Sayang hinintay pa naman kita”?

“Ayokong mangyari yun… Kaya habang maaga pa… Habang may panahon pa ako… Gusto ko lang malaman mo…

Jam Casimiro, mahal na mahal kita.”

Totoo… Totoo ba ang narininig ko?!

Kung panaginip man ito, pwedeng wag niyo na akong gisingin?!

Hindi ko napansin… tumutulo na pala ang luha ko. Ang saya saya ko!

Pero… totoo ba itong lahat?

Totoo.

Hinihintay lang niya ako magsalita. Ano ba ang dapat kong sabihin?

Syempre, ang matagal na salitang gustong gusto kong sabihin sa kanya…

Noon, akala ko wala akong karapatang sabihin ang mga katagang yun…

Pero ngayon pareho na kami ng nararamdaman…

“Habang mahal mo ang isang tao, kumilos ka… Wag mong hayaang dumating ang isang araw na magsisisi ka dahil wala nang pag-asa… at sasabihin niya sayong… “sayang, hinintay pa naman kita…”

It Started With A Status MessageWhere stories live. Discover now