Yung favorite kong turon sa canteen namiin!! Shemss tamang tama hindi pa ako nagaalmusal!!
“Ay yes! Thank you ha!” Nakalimutan ko na yung galit-galitan ko. Lumamon nalang ako. Aba favorite ko yata to nuh!
“Wala yun. Ikaw pa, malakas ka sakin.” Sabay kindat at akbay sakin.
Nakita niyo na kung bakit di ko magawang iwasan na mahulog sa kanya?
***
Dalawang linggo.
Two weeks ang palugid ko sa pag-amin niya. Pag hindi pa siya umamin, ayoko na. Katulad nga ng sabi ko sa best friend ko, ayokong sayangin ang natitirang months ko sa high school sa paghihintay sa pag-amin niya. Kung hindi siya aamin, malamang hindi niya talaga ako mahal. At kung ganun man, magawa ko pa sana makapagmove on bago matapos ang high school!
At sa two weeks na yun?
Walang nangyari.
Ayun, tuloy pa rin kaming inaasar.
Tuloy pa rin siya sa pagpapakilig sa akin. At ako naman, ayun, kinikilig. Hihi. Hanggang kilig nalang ba ang lahat?
Hanggang isang umaga…
***
Nagunat-unat ako. Maaga yata ako sa school ngayon! Ako kasi yung naassign na tagabukas ng classroom for the quarter kaya ayun kailangan maaga! Kundi, hindi makakapasok yung mga classmates ko hahaha XD
Nagbasa lang ako ng pocketbook na para sa book report namin sa English. Aba, ang boring kaya dito!
Nang biglang makarinig ako ng footsteps... Footsteps na papalapit sa classroom…
Dugdug. Dugdug.
Alam na alam ko yung footsteps na yun. Dahil sa sobrang pagmamahal ko sa kanya, maging tunog ng paa niya pag naglalakad, memorize ko na rin!
At ayun nga, pumasok siya sa classroom.
TEKA. Ba’t ang aga nito?! Lagi kaya tong late!! Napapagsaraduhan na nga siya ng front gate sa school eh! HIMALAAAA!
“Jam… Ah. Good morning.” Tawag niya habang palapit siya sa akin.
Dugdug. Dugdug.
Ang gwapo pa rin niya kahit kailan!! >///<
“Morning din! Himala yata ang aga mo?” Bati ko sa kanya sabay ngiti. Syempre XD
Pero hindi niya napansin ang pagpapacharms ko sa kanya.
Mukha siyang seryoso at kinakabahan. Anong nangyari?
YOU ARE READING
It Started With A Status Message
Teen Fiction(One Shot) Ito ang aming love story na nagsimula sa isang status message.
It Started With a STATUS MESSAGE
Start from the beginning
