Ni-like niya yung status ko.
Ang tanong…
Kaya nga ba niyang panindigan ang nararamdaman niya?
And worse…
May nararamdaman nga ba siya para sa akin?
***
NEXT DAY
“Hoy girl ano bang sapak ng status message mo kagabi?” Pambungad na tanong sakin ni Ryza pagkadating ko sa school. Tambay lang muna kami ngayong umaga. Hinihintay yung teacher namin dumating. As usual, chikahan XD
“Masama na bang magstatus message ngayon?” Pabalik na tanong ko.
“Whatever girl!! Alam naman natin kung para kanino yun diba? Uyyyyy nilike niya!”
“Like lang yun no! LIKE! Malay ko ba kung may gagawin yun. Ah basta, pag hindi pa siya umamin sa akin sa loob ng dalawang linggo, kakalimutan ko na siya!”
“Talaga?! Bakit naman? Bilis mo naman yata sumuko!”
“DUH GIRL! Fourth year high school na kaya tayo! Tatlong buwan nalang gagraduate na! Ayoko ngang masayang yung last months ko sa high school sa paghihintay sa mokong na yan! Aba, kung mahal niya ako, kumilos na siya no! Bahala siya!”
“Wag ka muna gumive up. Ano ka ba.”
“IKAW KAYA MAGHINTAY NG GANUNG KATAGAL!!”
“Anong matagal?!”
Isang pamilyar na boses ng lalaki ang nagsabi nito. Halos mapatalon ako sa gulat!!
Dugdug. Dugdug.
Si DAVE.
“Hoy bakit ka ba nanggugulat dyan!” Sabi ko, kunwari naasar. Grabe, narinig kaya niya yung pinaguusapan namin? LAGOT NA!
“Ano muna yung matagal?” At ngumiti siya ng nakakaloko.
“CHEEEEE! Bahala ka nga!”
“Umagang umaga aburido ka! If I know, nagsesenti ka nga kagabi eh. Saang lupalop ng mundo mo napulot yung cheesy mong status?”
>///<
Nakita niyaaaaa!! Pinaguusapan pa namin!!
“Eh sa gusto kong maging cheesy! Dyan ka na nga!”
“Sandali! Oh ito pala, para sayo.”
Anong dala niya?
YOU ARE READING
It Started With A Status Message
Teen Fiction(One Shot) Ito ang aming love story na nagsimula sa isang status message.
It Started With a STATUS MESSAGE
Start from the beginning
