It Started With a STATUS MESSAGE

Start from the beginning
                                        

Pero seryoso ba to?! Totoo nga?!

TOTOOOOOO!!!

Eh sino ba naman kasi tong si Joshua David na mokong na to?

Siya lang naman si Dave, ang lalaking gustong gusto ko. Takte, baka nga mahal ko na to eh. Oo, tama kayo ng hula. Sa kanya ako nagpaparinig. Bakit?

Ngayong fourth year high school lang nang maging magkaclose kami ni Dave. Matagal na kaming magkakilala at magkaklase pero ngayong last year na namin sa high school lang kami naging close.

At bakit kami naging close? May ex-girlfriend kasi yun na iniwanan siya kaya bitter na bitter siya. Palagi ngang umiiyak at nagpapakaemo. At ayun naman si ako, mahilig magpakwento ng love life kung kani-kanino. Alam niyo na, hopeless romantic at NBSB ako kaya nakukuntento nalang ako sa pakikinig ng kwento ng iba. At tinamaan naman ng lintek o! Sa kanya pa ako nagpakwento.

At nung panahong yun, alam kong kailangan niya ng kausap at kaibigan na dadamay sa kanya. Mabait talaga siya sa akin kaya eto naman ako, dinamayan ko siya. Kung ano ano nga pinaggagawa namin eh! Umiiyak siya sa akin, kasama ko siya nakikinig ng mga emo na kanta, nagsisisigaw at minsan, ayun sinamahan ko pa maglasing!

Naging mabuting magkaibigan talaga kami. Masaya nga ako syempre last year ko na sa high school tapos may naging kaclose ako!!

Halos best friends na nga sana eh nang biglang isang araw….

“AYIEEEEE!!” “Sweet sweet naman nila oh!” “Bagay talaga kayo!”

TINADTAD KAMI NG ASAR.

Tukso dito, tukso diyan, bagay daw kami, sweet daw kami.

At ako?!

AYUUUUNN NAGPADALA SA ASARRRRR!!!

Pero ako lang pala ang nagpadala.

Kasi alam ko… mahal pa rin niya yung ex-girlfriend niya.

At ako… nahuhulog na sa kanya.

At ang pinakaayoko sa kanya?

NAPAKA-PAFALL NIYA!!! PAASA!!

Kasi nung inasar kami, lalo lang siya nagkaroon ng pakialam sa akin. Lagi akong hinahatid pauwi at sinusundo sa bahay. Lagi akong niyayaya na magSM. Laging nililibre!

At eto naman ako? PUTEEEEKK nagkagusto lalo ako sa kanya!!

Yun ang malaking problema. Oo, sinasabi ng lahat ng mahal daw niya ako. Oo, yun ang pinapakita ng mga gawa niya. Pero lahat ng yun, walang kahulugan kung hindi lang din niya paninidigan. Ano ba ako, manghuhula sa nararamdaman niya?!

It Started With A Status MessageWhere stories live. Discover now