34: Kaiser's Past

17.6K 734 63
                                    

| KAISER'S PAST |

DETH'S P. O. V

NATAPOS na namin ang lahat ng buhay na nakasulubong namin at akmang aakyat na kami ng hagdan nang mapansin naming wala si Luna.

"Nasaan si Ate?" Tanong ni Steven kaya hinawakan ko ang earpiece ko. "Where is Luna?" Tanong ko kay Chaos pero walang sumasagot sa kabilang linya. "Chaos! Are you there?! Ano'ng nangyayari?!"

"Fuck!" Sigaw ko sa sobrang frustration nang hindi sumasagot si Chaos saka nagmadaling makaakyat. Mabilis naming tinungo ang kwarto at nang pihitin ko ang doorknob, tumambad sa akin si Luna na umiiyak habang may hawak na baril sa harap ng magkapatong na bangkay na nababalutan ng kumot ang katawan.

"What the fuck?!" Sigaw ko na ikinatingin sa akin ni Luna. "Deth... I killed them," umiiyak na sabi niya kaya lumapit ako sa kaniya at lumuhod saka kinuha ang baril na hawak niya at iniabot kay Steven na nasa likod ko lang.

Hinarap ko siya saka mahigpit na niyakap. "Shhhh... It's Mr. Sarmiento's fault."

"No, I'm the reason why they are dead."

"Ate, hindi ikaw-"

Kumawala siya sa pagkakayakap sa akin saka itinuro ang mga bangkay at tiningnan ito pero madali niya rin namang ipinikit ang mga mata niya. "L-Look at them! They are swimming in their own blood because I killed them! I was the one who made them look like that! I'm -"

"Steven, take a picture of them and go find Chaos." Utos ko kay Steven saka niya hinugot ang phone at pinicture-an ang mga bangkay na nakahandusay. Sapat naman na kay Sarmiento ito dahil ang mahalaga lang sa kaniya ay ang paglabas ng balita na patay na ang mga ito at ang pagluluksa ni Mr. Smith.

"Tev hanapin mo na si Chaos saka niyo linisin ang kalat." Bilin ko.

"Copy," sabi niya bago umalis.

Hinawakan ko ang kamay ni Luna saka ako tumayo. "Let's go."

Tumango siya saka tumayo. Saglit muna niyang tiningnan ang mga bangkay bago niya hinila si Steven.

KALAHATING oras na mula nang makabalik kami sa dorm namin at nagkukulong pa rin si Luna sa kwarto niya. Ilang beses ko na siyang niyayang kumain pero wala pa rin siyang imik sa loob ng kwarto niya.

"Luna, kumain na ta-"

"Wala akong gana, kamatayan. Just leave me alone for now," sagot niya. Mukhang hindi pa rin siya umaalis sa pwesto niya, nasa pinto pa rin siya.

Kahit naiinis ay pinigilan ko ang sarili ko at agad na bumaba sa sala.

Tumunog ang phone ko kaya agad ko itong sinagot at pumasok sa kwarto ko.

It's Chaos.

"Ang tanging nasabi lang sa akin ni Steven ay may nakalaban ka raw. Who's that?" kunot-nuong tanong ko. Kasama niya ngayon si Steven sa mabilisang paglilinis ng kalat o mga bangkay para maiwasang may makapagturo sa amin.

[While monitoring your movements inside, may pumasok sa security room at nilabanan ako. Matinik itong makipaglaban. Shit! Napatulog niya ako nung hinampas niya ang batok ako. Nang magising ako ay agad kong chineck ang fottages sa monitor kaya lang burado na lahat ng footage. Nakamaskara ang lalaki. Sinubukan kong tanggalin kaya lang napakabilis ng niya kung gumalaw kaya nahirapan ako. Nakakasigurado akong hindi siya tauhan ni Mr. Smith dahil ano namang purpose ng pagmamaskara niya? Tsaka sabi ni Steven, imposible namang unahin niya pa ang footages sa kaligtasan ng mag-ina kung isa ito sa mga tauhan ni Mr. Smith. At may isa pang hindi tamang nangyari.]

Sino naman kaya ang nakaharap ni Chaos? Pabagsak akong naupo sa kama ko. "Ano?"

[Ang mga patay na dala-dala namin dito ay hindi si Mrs. Smith at ang anak nito.]

DARK SECTIONTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon