Nang akmang maabutan niya na ako ay pinigilan ko siya.

"Sandali, Master!" Napatigil siya.

"May ikokonsulta ako sa iyo. Tungkol sa kapangyarihan ko." Nangunot naman ang noo nito.

"Kamakailan lang Master Vinz, natuklasan kong kayang magmanipula ng snowflakes ko ng tubig. Nagawa kong magpalabas at kontrolin ito sa paraang gusto ko." Paliwanag ko. Inaasahan kong magugulat siya pero nabigo ako.

"Isa iyon sa dahilan kung bakit pinagtulungan ang mga magulang mo, Yejin. Ang iyong ina, napakalakas niyang talaga kaya't marami ang naiingit sa kanya. Sa kanya ako natuto gumamit ng kapangyarihan na kontrolin ang tubig."

Napanganga ako.

"Master Vinz, anong pangalan ni ina? Ni ama? Nasabi na sa akin ang lahat pero ang mga pangalan nila ay hindi nabanggit."

"Ang iyong ina ay si Yerin Frost at ang iyong ama ay si Jinro Frost."

Kumabog ang dibdib ko. Nalaman ko na din kung saan kinuha ang pangalan ko. Hindi ko maiwasang hindi sumaya ang pakiramdam gayong nalaman ko ang kanilang pangalan. Namasa ang mga mata ko.

"Master may larawan ka ba nila?" Umiling ito sa akin.

"Hahanap ako ng magpipinta para ipinta ang kanilang mukha. Ibibigay ko sa iyo ito kapag tapos na."

"Maraming salamat, Master Vinz."

Napayuko ako.

"Yejin!" Isang malamig na boses ang nagdulot sa akin ng kaba. Paano ako nahanap ng dalawa? Nangunot ang noo ko nang mapansin ang pag-iilaw ng bahagya ng dalawa kong singsing.

Napaangat ako ng tingin kay Master Vinz at nginuso nito ang pintuang nasa likuran ko. Bakit hindi ko naramdaman ang pagdating nila?

"Iuwi nyo na yan. Pinipilit akong dito daw siya magpapalipas ng gabi." Sinamaan ko ito ng tingin pero tinalikuran ako nito at sumipol. Naramdaman ko tuloy lalo ang pag-iba ng awra ng dalawa.

Balak ko sanang batuhin ito pero wala akong makitang malapit sa akin. Kaasar din talaga itong si Master Vinz!

"Yejin!" Malamig na tawag ni Kaden.

Bago pa may humawak sa akin mula sa kanila ay mabilis akong lumayo at hinarap sila.

"Anong ginagawa nyo rito?" Pinantayan ko ang malamig na boses nilang dalawa.

"Ikaw, anong ginagawa mo rito?" Balik na tanong ni Terrence. Sumama ang tingin ko sa kanya maging kay Kaden. Nang akmang lalapit sila sa akin ay muli akong umatras.

"Di nyo na kailangang magpakita sa akin. Alam ko ang mga nangyayari at tinapos ko na rin ang relasyon n-natin." Nautal ako nang sumama ang awra nila at pagkakatingin sa akin.

Tumikhim si Master Vinz.

Bago pa ako makaiwas ulit ay nawakan nilang pareho ang magkabilang braso ko at wala akong nagawa sa lakas nila. Isang iglap lang ay nasa loob na kami ng silid na pinagdalhan rin nila sa akin.

"Bitaw, Terrence! Kaden!" Sigaw ko pero hindi sila natinag.

"Sabing bitaw. Kung ayaw nyong madagdagan ang galit ko sa inyo bitawan nyo ako."

"Mag-uusap tayo."

"Para saan pa. Iuwi nyo na lang ako."

Binitawan nila akong pareho matapos iupo sa dulo ng kama. Akmang tatayo ako nang pigilan nila akong pareho at ibalik sa pagkakaupo.

"Hindi ka uuwi. Mag-uusap tayo." Natigilan ako sa diin at punong otoridad na boses ni Terrence.

Sa pagkabigla ko ay bigla akong napaluha. Sunod-sunod na tumulo ang luha ko sa magkabilang pisnge at iniwas sa kanila ang tingin.

"Yejin." Nag-aalalang sambit ni Kaden saka mabilis na umupo sa tabi ko at iniangat ako para maiupo sa kanyang mga hita at hinawakan ang magkabila kong pisnge para punasan ang patuloy na bumubuhos kong mga luha.

"Yejin..." Mahinahon at may lambing na tawag sa akin ni Terrence. Hinimas nito ang buhok ko at kinuha ang kaliwa kong kamay at hinalikan ang singsing na galing sa kanya.

"Shh..."

Nang makabawi sa pag-iyak ay inalis ko ang kamay sa pagkakahawak ni Terrence rito. Hindi ko rin siya matingnan matapos maalala ang sinabi sa akin na pinakilala na sa kanya ang mapapangasawa niya kahapon.

"Maghiwalay na tayo." Mahinang sambit ko.

"Hindi kami papayag, Yejin." Mabilis akong tumayo at lumayo sa kanilang dalawa.

"Mas lalong hindi ako papayag na maging babae nyo sa labas lamang."

"Hindi yan mangyayari. Ikaw lang ang babae namin, Yejin."

"Nandyan na ang mapapangasawa mo, kaya bakit ako mananatili?" Baling ko kay Terrence. Napansin ko ang pagyuko ni Kaden kaya may nabuo sa isipan ko.

"Ikaw rin pala. Kung ganun tama lang na tapusin na natin kung ano man ang meron sa ating tatlo."

"Hindi ako papayag."

"Walang maghihiwalay, Yejin."

Napunta sa harap ko si Terrence at nabigla ako nang kabigin nito ang bewang ko at inilapit sa katawan niya. Siniil niya ako ng halik na ikinabigla ko. Natigilan rin ako nang maramdaman si Kaden na nasa likod ko at ang kanyang ulo ay nasa balikat ko habang hinahalikan ang leeg ko.

Bumitaw sa pagkakahalik si Terrence at seryosong sinalubong ang tingin ko.

"Ikaw lang, Yejin. Ikaw lang ang para sa amin. Wala kaming ibang mamahalin kundi ikaw lang." Muli akong siniil ng halik nito.

"Ikaw lang ang gusto naming ina ng magiging anak namin." Nakaramdam ako ng kiliti sa pagsalita ni Kaden.

Gumalaw ang kaliwa kong kamay at nilagay ko sa kaliwang pisngi ni Terrence habang ang kanang kamay ay sa ulo ni Kaden. Nakakaramdam ako ng paghina ng tuhod kaya napahigpit ang pagkapit ni Terrence sa bewang ko.

"Sabihin mo ang mga salita, Yejin."

"Mahal ko kayo, Terrence, Kaden."

Namalayan ko na lang na ginawa na namin iyon. Pare-parehong gustong angkinin ang buong katawan ko. Para silang nag-usap kung saang bahagi sila. Pareho silang dalawang nagsang-ayun kung sinong mauuna. Walang lamangan.

Hindi rin nila akong pinapayagang gawin ang gusto ko dahil sila ang halos gumagawa. Ang tanging nagagawa ko ay haplusin ang mga pang-itaas nilang katawan at banggitin ang kanilang pangalan.

Itanggi ko man pero parte na ng sistema ko ang dalawa. Gusto kong ako lang ang pinapaligaya nila ng ganito. Sa akin lang din silang dalawa.

Gusto kong magtiwala sa kanila na ako lang at walang iba. Sa kabila ng mga nalaman ko, gusto kong kumapit. Totoong ayaw ko silang pakawalan at nasabi ko lamang iyon kanina kasi wala akong maisip na paraan para sa kahihinatnan ng relasyon naming tatlo.

Pero sa huli alam kong kailangan kong magsakripisyo. Bago iyon, gusto kong pagbigyan muna ang nais ng isip at puso ko ngayon.  Sa bisig ng dalawang lalaking mahal ko.

"Ikaw lang ang nag-iisang Icy Princess namin, Yejin Frost."

Kasabay ng huling mga salita ni Kaden na hinalikan ang singsing sa kanang kamay ko ang pagdaing ko ay hindi ko narinig ang mga iyon.

*****
-btgkoorin-

Icy PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon