Kabanata 4

4.4K 268 17
                                    

YEJIN

"Pasensya na, Zainah ngunit hindi kita mapapagbigyan." Sambit ko. Pinaramdam sa kanya na nahihiya ako sa tagpong ito.

"Alam kong iyan ang sasabihin mo pero alam ko ring nahihiya ka lang. Sino ba ang gusto mo sa kanila?"

Napangiwi ako. Narinig ko naman ang tawa ng mga nasa mesa. Parang ngayon pa lang gusto ko na maglaho sa harap nila.

"Bakit tumatawa kayo?" Inosenteng tanong ni Zainah sa lima. Tumawa na naman sila at si Zainah naman ay litung-lito na.

"Bakit kaya hindi mo muna kami ipakilala sa kanya, Zainah para malaman niya ang mga pangalan namin at malaman natin kung sino ang gusto niyang maging kapareha sa amin haha."

Namula ako sa sinabi ng kapatid ni Zainah at hindi ko na kayang magtagal pa sa mesang ito. Kung hindi lang hawak ni Zainah ang braso ko ay umalis na ako. Pero alam kong hindi ko rin gagawin iyon dahil kabastusan iyon.

"Oo nga pala. Yejin, ito si kuya Zanlex. Kapatid ko." Turo niya sa lalaking nagsalita sa kanya at kahawig niya. Tulad ni Zainah ay itim rin ang buhok nito. Itim rin ang mga mata, matangos ang ilong, manipis ang labi na palaging nakangisi. Sa kanilang lima siya ang medyo pinakabuhay, magiliw ang awra at may suot na maliit na hikaw sa kanang tainga.

"Ito naman sina Dylan at Denver Suarez. Kambal sila pero hindi gaanong magkamukha. Magkaiba rin ng ugali pero mababait naman."

Hindi nga sila gaanong magkamukha at magkaiba ang ayos ng buhok. Ang isa ay palangiti tulad ni Zanlex at ang isa ay seryoso.

"Ito naman si Kaden Luxiara. Nag-iisang Ician sa grupo at pinsan ng Mahal na Prinsipe."

Kilala ko siya sa pangalan. Naging Luxiara na dati ay Tavares na rin ang dinadala ng pamilya ng Mahal na Reyna dahil sa kagustuhan nito. Anak siya ng kapatid ng Mahal na Reyna at ang pamilya nila ang pinakaangat sa lahat ng maharlika sa angkan namin lalo na't dala na rin nila ang apelyedo ng nakakaangat na pamilya.

Kulay puti ang kanyang buhok. Perpekto ang itsura at may nunal sa linya ng ilong sa kaliwang banda. Seryoso ang mukha at kasing lamig ng yelo tulad sa Mahal na Prinsipe ang awra.

"At siyempre, ang ating Mahal na Prinsipe, Prinsipe Terrence Luxiara."

Kailangan ko pa ulit siyang ilarawan? Hindi na. Kanina pa siyang puring puri at pinagtutunan ko ng pansin kanina.

"Elitian, ito pala si Yejin." Si Zainah.

"Ikinagagalak ko po kayong makilala." Sambit ko at muling yumuko. Pag-angat ko ay bumaling agad ako kay Zainah.

"Nakapili ka na?" Tanong niya at hindi ko maiwasang ngumiwi. Akala niya ay yun ang pakay ko pero ang totoo ay gusto ko nang magpaalam para bumalik sa pwesto namin ni Lia dahil nahihiya na ako.

"Kasi...ano..."

Hinila niya ang bakanteng upuan at itinabi sa upuan niya at sinenyasan akong umupo muna. Sumunod naman ako at umupo rin sya. Inilagay sa mesa ang dalawang braso at nagpangalumbaba habang nakatitig sa akin. Namamangha.

"Ayaw mo sila isayaw?" Tanong niya.

"Hindi naman sa ganun. A-ayaw kong mapahiya kung sino man sa kanila ang makasayaw ko." Mahinang sagot ko.

"Kung ganun, unang beses mo pala. Ako na lang ang pipili. Yung kapatid ko na lang."

Napaisip ako. Kung sa ibang pagkakataon na hindi magkalayo ang katayuan namin sa buhay tulad ng ibang mahaharlikang Ician na siguradong gustong malagay sa pwesto ko ngayon ay ang pipiliin ang ang Mahal na Prinsipe o si Kaden. Isa sa kanila ang gusto kong makasayaw.

Icy PrincessDonde viven las historias. Descúbrelo ahora