33 : Mission Accomplished

Magsimula sa umpisa
                                    

Napangiwi ako sa sinabi niya. Nagbuhat na siya ng sarili niyang bangko.

Itinext ko na rin ang location na binigay ni Sir Oliver sa amin kay Alexus pero wala pa rin akong reply na natatanggap.

Basta ang sabi niya lang ay unahan ko sila na puntahan ang mag-ina sa kwarto nito at doon kami magkikita. May mga impormasyong binigay sa akin si Alexus kaya ang sinabi ni Deth kanina ay alam ko na.

Nakarinig kami ng ilang gunshots sa loob.

Nang makarating kami sa gate, bigla na lang itong bumukas. Sumalubong sa amin si Tev na mangiyak-ngiyak na may dugo sa mukha habang nakatingin sa may dugo niyang damit at hawak ang isang dagger na nakalagay sa sheath nito. "Ate, may dugo."

"Eh 'di mo sana tinapos ang buhay nila," naiinis na sabi ni Deth at nang lumagpas ang tingin ko sa likod ni Tev, nagulat ako nang may mga nakabulagta na lagpas sampung tao. Ang iba ay may tama sa ulo at ang iba naman ay may tama sa puso at tiyan na kung titingnan nang mabuti ay sinaksak ito.

Itinuro niya ang mga nakabulagta. "Si Leo may gawa! Binaril niya sa ulo 'yung ilan sa mga kalaban ko kaya tumalsik sa mukha ko ang mga dugo." Parang bata na nagsusumbong sa amin ni Deth.

Nanlaki ang mga mata ko nang maaalala ko ang sinabi sa akin ni Rance na marunong makipaglaban si Tev. Eto ba ang sinasabi niya? But I didn't expect that he could be this brutal to kill! Para siyang kinulang sa bakuna kung kumilos kaya bakit-

"T-teka!" pigil ko sa kanilang dalawa na magsisimula na sanang maglakad dahilan para mapalingon sila sa aking dalawa.

"Hindi tayo magsusuot ng maskara? Paano kung may makakakilala sa atin?"

"What for? Are they going to precinct when they're already ghosts?" Puno ng sarkastikong sabi ni Deth saka umiling.

"The fuck?!"

Napangiti siya saka bahagyang hinawi ang buhok.

"Deth is right, Ate. The CCTV Cameras will be deleted after all. Pinapanood lang tayo ni Chaos but that doesn't mean na hindi niya ito buburahin."

Nagkibit-balikat si Deth at nauna nang naglakad. Lumapit naman sa akin si Tev at bumulong. "Ate hehe. Nakalimutan kasi ni Deth dalhin 'yung maskara natin kaya-"

"Steven!" Sigaw ni Deth.

Nanatili akong nakatingin kay Tev. Natatawang hinawakan niya ang kamay ko saka ako hinila.

No! Hindi namin papatayin ang mag-ina.

"A-Ako sa last floor," sabi ko.

"Huh?"

"Doon ang pinaka-kaunting tao. Hindi ako sang-ayon sa pagpatay kaya mas kaunti, mas maganda..."

Damn this mindset!

Wala sa bilang 'yan! Kapag pumatay ka, kasalanan na agad 'yon!

"No, we will not leave each other," may diing sabi ni Deth habang may hawak na dalawang dagger sa magkabilaang kamay niya.

"Yeah, killing together, stays together," natatawang sabi ni Tev kaya napatanga na lang ako.

Bakit ganun? Nakikita ko sa kaniya ang pagiging isip-bata niya pero madali niyang nagagawang pagsamahin ang nakakatakot na bersyon at pagiging isip-bata niya.

"Ate-"

Naguguluhang napatingin ako sa kaniya. "Huh?"

"Let's go?" Nahimigan ko sa boses niya ang pag-aalala. Inilhad niya ang kamay niya.

"Sige."

Sa loob na lang ako gagawa ng paraan para makaakyat sa taas nang hindi nila napapansin.

Bumukas ang pinto. Bago pa kami makapasok, lumabas ang seven na kalalakihan na may mga baril na hawak pero isa-isa itong tumalsik dahil sa sunod-sunod na putok mula sa kung saan.

DARK SECTIONTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon